Matapos namin kumain. Nagtipon kami sa isang kwarto. Dahil kakanta daw sila. Habang nasa labas naman ang iba umiinom at nagkakamustahan. Kasama ko sa loob sila Akagi, Mitsui, Kogore, Ryota, Sakuragi, Haruko, Ayako, Maria, Rukawa, Maki, Sendoh.
Kasalukuyan kumakanta si Ryota. Kinakantahan ang asawa nya. Pagkatapos naman ay nagsalang na si Maria. Ngumiti pa sya sa asawa nya. Kumunot naman ang noo ni Maki sa itsura ni Maria. Meron itong sumbrelo sa ulo at nakabaliktad pa. Meron din syang pulbo sa pisngi na tatlonf guhit. Nagpeace sign pa sya
"Pero nauuwi lamang ang lahat sa alitan" simula nya. Nag uumpisa na tumawa sila Sakuragi at Ryota
"Alam mo naman love kita, kyut mo pag nagagalit ka, lika nga ihuhug kita wag kana magtatampo. Isa lang nais ko lambingin mo naman ako" kanta nya at sundot sundot pa ang pisngi ni Maki na nakasimangot na tila hindi nagugustuhan ang ginagawa ng asawa nya.
Paano kaya napagtiisan ni Maki ang kakulitan ni Maria?
Si Maria ang pinakamaingay saamin at pinaka energetic. Hindi sya nakakaboring kasama pero maririndi ka sa ingay nya.
"Nice Maki, may jejemon kang asawa" pang aasar ni Sendoh sa kanya at inakbayan pa. Agad naman tinanggal ni Maki at sinamaan sya ng tingin
"Tangina, manahimik ka. Hindi na ako natutuwa" iinis na sabi nya kay Sendoh pero si Sendoh tinawanan lang sya. Napatingin naman kami kay Maria na kaduet na si Sakuragi sa kinakanta nya kanina
"WELCOME TO JEJEMON HAVEN MARIA!KAYA NAINLAB SAYO SI MAKI DAHIL JEJEMON KA!" sigaw ni Ryota na agad binatukan ni Ayako dahil lasing na ito. Pero si Maria tuloy sa pagkanta at naglilikot nakaantabay naman si Maki sakanya. Napailing nalang ako. At pinansin ang lalakeng tahimik sa tabi ko. Si Rukawa na tahimik umiinom pero ang kamay nasa bewang ko. Nagpapasalamat ako na busy si Sendoh kundi mag aaway nanaman sila.
Nagpaalam na muna ako lalabas. Hindi pa ako nakakalayo nang may tumawag ng pangalan ko.
"Tiffany?" Hindi makapaniwalang sabi ko. Hindi kami close ni Tiffany. Mas close sila ni Miya. Dahil parehas silang galit saakin.
"Mag usap tayo" mariin na sabi nya.
"Para saan?"
"Kay Rukawa." Tumango nalang ako at naglakad sa isang kwarto. Pumasok kami don.
"Anong pag uusapan tungkol sakanya?" Bungad ko at naupo sa couch na andun.
"Ibalik mo na sya saakin Miki" sabi nya. Nag angat naman ako ng tingin sakanya
Ibalik?ano bang inagaw ko?
"Bakit ko naman ibabalik?kung hindi naman saakin?"
"Mas nauna ako sakanya Miki!" Singhal nya saakin. Hindi naman ako makapaniwalang tumingin sakanya.
"Nauna?"
"Bago mo sya makilala, nagkagusto na ako kay Rukawa!" Sigaw nya saakin. Kumunot naman ang noo ko.
Ano bang pinagsasabi nya?wala akong matandaan na lumapit sya kay Rukawa noon. Ang alam ko ay nasa amerika na sya Junior High palang.
BINABASA MO ANG
ALL ABOUT HER (COMPLETED)
FanfictionSlamdunk Series #1 - RUKAWA I left her for my dream, that's the most selfish thing I've ever done in my life, even though I've been away from her for seven years. She's still what I'm looking for, and I still love her. I know I hurt her so much, and...