Busy ako ngayon sa pag aasikaso ng birthday ni Miki. Maaga ako nagising tulog na tulog pa ang buntis ng iwanan ko sya. Mamaya iiyak yun at hahanapin ako. Ganon sya pag umaga gusto nya agad naamoy ako pag hindi iiyak sya at hindi titigil hanggat hindi ako nakikita.
Pero mahal ko sobra kahit kakawalang pasensya na minsan. Tiisin mo binuntis mo eh hay.
"So balak mo mamaya ayain sya?" Tanong saakin ni Miyagi kasalukuyan kaming nasa isang isla kung saan gaganapin ang event mamaya. Isla ito ng mommy ni Miki na soon ibibigay sakanya.
"Yeah, gusto ko makasal kami habang hindi pa masyadong malaki ang tyan nya" maikling sabi ko habang nakatingin sa paligid. Nakaayos na lahat. May malaking stage at nakalagay ang 'happy birthday Miki' at nakapaligid sa stage ang picture nya simula nung baby sya at hanggang ngayon na buntis sya at engaged saakin.
"Sabi na nga ba!hindi mo papakawalan ang apo ni Tatang!patay na patay ka ron High School palang!" Asik ni Sakuragi. Napangisi naman ako sakanya.
"Nakita ko sa balita, totoo bang umalis kana sa basketball?" Tanong saakin ni Kogore. Naupo sa tabi ko. Nakabilog kaming nakaupo. Kaming mga lalake lang andito habang ang mga asawa nila ay nililibang si Miki. Nasabihan ko na din sila. At pamilya ni Miki lalo na ang Head ng family nila para sa proposal ko ngayon.
"Oo, gusto ko sana buo ang oras ko aalagaan si Miki. Tsaka hindi ako kuntento sa oras na magkasama kami ngayon tingin ko ay kulang pa" seryosong sabi ko. Ilang taon ako nawala sa tabi nya. At sobrang nasaktan sya don. Kaya hanggat maari. Gusto ko malimutan nya ang nakaraan naming hindi magandan. Ayoko ko ng pagdudahan nya ang pagmamahal ko sakanya. Kagaya nung nakaraan. Nag away kami dahil kay Tiffany sa 'drunk mistake' 4 years ago. Ayoko ng makitang umiiyak sya at pinagduduhan ang pagmamahal ko. Ayoko ko na makita syang umiiyak i swear. Ang sakit masyado at bigat saakin.
"Dinig ko kanina kakausapin ka daw ng daddy ni Miki?hindi ba hindi ka nun gusto nung high school pa" sabi ni Mitsui. Natigilan naman ako nung maalala ko ang daddy nya. Simula palang ng una ayaw na saakin nun. Dahil hindi daw ako nakakabuti sa anak nya. Malaki ang tampo ni Miki sa daddy nya dahil na rin sa ginawa nito sakanya. Ayon sa mommy ni Miki. Possible ako ang humawak sa company. At aalalayan ako ni Miki don. Ayaw muna nila maistress si Miki dahil unang apo ito ng mga Anzai at susunod ang anak ni Saber kay Tiffany. Alam ko hindi pa kinokonsider na Anzai si Miya hindi tanggap ng pamilya ang anak nito kay Sendoh.
Pero anong alam ko sa Bussiness?buong buhay ko sa basketball takbo ng buhay ko. Pero kailangan ko pag aralan. Dahil sang ayon sakanila. Ayoko maistress si Miki.
Napatayo na ako ng lumapit na ang coordinator ng event na ito.
"Okay na po Sir. Ready na" sabi nito saakin, napangiti naman ako.
It's time
-------
Nagising ako dahil sa init na dumapo sa balat ko, nagmulat ako at napatingin sa bintana. Bukas pala ang kurtina don. At natatanaw ko ang magandang dagat. Tanghali na siguro dahil masyado nang mainit ang araw.
Nagising ako ng wala si Rukawa. Buti nalang hindi ako naiiyak ngayon. Kinuha ko ang selpon ko sa sidetable at binuksan kung may message si Rukawa. Nadatnan ko naman ang message na aalis daw sya saglit at babalik mamayang hapon. Nagkibit balikat nalang ako at kumilos upang bumaba.
BINABASA MO ANG
ALL ABOUT HER (COMPLETED)
FanficSlamdunk Series #1 - RUKAWA I left her for my dream, that's the most selfish thing I've ever done in my life, even though I've been away from her for seven years. She's still what I'm looking for, and I still love her. I know I hurt her so much, and...