Chapter 42

253 17 0
                                    



Miki Azariella Marie Anzai





Napakagandang pangalan. At napakaganda din ng mukha. Isa na ata ako sa pinakama swerteng tao. Dahil biniyayaan ako ng isang napakabuting babae.






"Are you really sure about this Rukawa?" Tanong saakin ni Coach. Andito kami ngayon sa bahay ni Coach. Tito ni Miki na daddy naman ni Tiffany.





Tumango ako sakanya. Sinapo naman nya ang noo nya "bakit ka aalis sa Team?sinakto mo pa talaga ngayon sa interview nyo. Dahil sa Winter na ang laban nyo." Namomoblemang sabi nya






"Gusto ko maging mabuting asawa kay Miki, Coach" yes. Aalis na ako sa Team nya. At sa basketball. Kung sakali ipagpapatuloy ko ito mapapabayaan ko si Miki. Hindi pwede lalo na at buntis sya. Nagpa ultrasound na sya. Sya pala may alam kung ano ang gender ng anak namin. Ayaw nga pang sabihin saakin.






"Alam ba ito ni Miki?" Umiling ako sa kanya at humigop ng kape na nasa lamesa.






"Alam kong hindi sya papayag. Alam ni Miki ang paghihirap ko sa Larangan na ito. Pag nalaman nya baka magalit sya saakin. Isusuko ang pangarap ko para sakanila ng Anak namin. Gusto ko bumawi sakanya. Iniwan ko sya ng ilanf taon. Gusto ko bumawi sa taon na naiwan ko ang babaeng mahal ko. Lalo na at buntis sya." Mahabang sabi ko sakanya. Diretso syang tumingin saakin. At huminga ng malalim na parang wala na syang magagawa. Dahil wala naman na talaga. Buo na ang desisyon ko.






Marami akong maling nagawa sakanya na hindi nya deserve. At iniwan ko sya dahil sa selfish kong rason. Hindi nya ako deserved kung tutuusin. Pero pagkatapos nang lahat ng yun ay tinanggap parin ako ni Miki. Parang sinasabi nya saakin na ako parin ang karapat dapat sakanya at deserve ko ang isang tulad nya. Pagkatapos lahat ng ginawa ko. Nagsisimula na akong bumawi sakanya. Iniwanan ko ang pangarap ko para sakanya. Dahil iniwan ko sya noon sa pangarap ko. Ayoko na ulit makita syang naghihirap ulit at nasasaktan ng dahil saakin. Lalo na ngayon buntis sya maski umiyak sya natataranta na ako.  Ayoko ko syang umiiyak ng dahil saakin ulit. Ayoko ko na.





"Mahal mo talaga si Miki ano?akala ko noon nagugustuhan mo si Tiffany." Mahinang sabi nya. Napatingin naman ako sakanya.






"Kahit malayo ako sakanya. Minamahal ko sya kahit hindi ko sya nakikita at nalalaman ang ginagawa nya sa araw araw. Marami man ako nakilala pero nobody feels like Miki. Iisa lang uuwian ko at si Miki yun" nakangiting sabi ko habang inaalala ang mukha ang aking pinakamamahal






-----





"So Rukawa is it true that you're leaving the team and also basketball?" Kasalukuyan ako nasa isang interview kasama ko sila Saber. Para ito sana sa laban namin sa winter.





"Yes"






"Why?"






"I will be a daddy soon because my girlfriend is pregnant now i reallt want to focus on taking care of her and our future child" nakangiting sagot ko






"Congratulations! Daddy Rukawa. Maraming nalulungkot sa pag alis mo. Pero kagaya ni Saber na daddy na rin ngayon pero iba ang mindset mo. You're really whipped by you Girlfriend" sabi saakin, tumango naman ako






Yes, I'm whipped by an Anzai. Just like before. Pero ngayon lalong lumalala.






"How many kids do you want?" Dagdag nito






"Maybe two kids" maikling saad ko.






"What kind of father do you think you would be?"






Hmm.. gusto ko sana ayoko magpressure ang anak ko. Kagaya saamin ni Miki. Hahayaan ko sila abutin ang pangarap nila. Mamahalin ko sila kagaya ng pagmamahal ko kay Miki higit sa lahat gusto ko ng buo ang pamilya.






"When I become a father, especially if its a girl.  my daughter will be my princess because her mommy is my queen. I will take care of her like I take care of Miki." Marami akong pangarap para saamin ni Miki. Noon pa naman may plano na ako para saamin hindi yun nabago kahit nagkalayo kami. Tinanong ako kung kelan ang kasal pero hindi muna ako nagbigay ng detalye dahil alam ko nanonood si Miki baka maispoiled sya.






Nakababa ko lang kotse nang salubungin ako ng pinakamamahal ko. Mahigpit syang yumakap saakin at ayun nanaman. Inaamoy nya nanaman ako.






I chuckled and kissed her head. She looked up at me. I caressed her angelic face and kissed her on the lips.






"Kinikilig ako sa interview mo!" Masayang sabi nya nang makapasok kami sa kwarto na tinutuluyan namin. Kanina pa sya nakangiti saakin ang gaan sa pakiramdam na nakikita ko syang ganyan kasaya at dahil saakin.






Pinagmasdan ako ang tyan na medyo malaki ang umbok. She is almost 6 months pregnant.






Kailangan ko na sya mapakasalan bago lumaki ang tyan nya lalo.






Napaupo ako sa kama at pinagmamasdan syang asikasuhin ako. Napaka wife material nya. Sa araw araw na pagsasama namin. Mas lalo kong narerealize na ang swerte ko dahil sya ang magiging ina ng mga magiging anak ko. Na sya din ang makakasama ko habang buhay. Ang sarap nya magmahal at ang swerte ko dahil ako lang ang nakakaranas ng pagmamahal nya.






I couldn't stop myself and I approached her and touched her face and gave her a kiss.






Every day I look forward to her kiss, her hugs. I longing for her always. I love this woman so much.






I kissed her hard and slowly lifted her and laid her on the bed. I kissed her even more when I felt her hand taking off my top clothes. Walang gabi that we didn't make love. if she's eager for me I'm more eager for her damn.






Pagkatapos ng mainit na tagpo. Natutulog sya sa braso ko. At nakasiksik sa leeg ko. Hinahaplos ko ang ulo nya para lalo syang makatulog. Yun ang gusto nya. Haplusin sya para makatulog sya ng mahimbing. Kinuha ko ang gilid ang isang kahita at binuksan iyon. Kinuha ako singsing at sinuot sakanya.






"Kasyang kasya nga. Ang ganda sayo" bulong ko habang pinagmamasdan ang kamay nyang may singsing.






"Hindi ko ito ibibigay ngayon, deserve mo ng bonggang proposal mahal ko" mahinang sabi ko at hinalikan sya sa noo. Niyakap ko rin sya lalo naramdaman ko naman ang pagsiksik nya.






"I love you" bulong ko at nakatulog na din habang yakap ang pinakamamahal ko.

ALL ABOUT HER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon