This is the last special chapter. this is where the story of Miki and Rukawa ends. they might just be mentioned in another story in the series. even though I’m a bit lacking in writing them. But I need to finish their story na. Thank you so much for reading their story. I hope you also support the stories in the series.
"MERRY CHRISTMAS" nakangiti kong sinalubong si Maria. Bumeso pa sya saakin at nilahad saakin ang isang invitation card
"Para saan toh?" Tanong ko sakanya. At binuksan ang card.
Invitation yung sa Party ng Company nila. VIP Party. Kasama kami sa VIP ng isa sa Mall nila. Lahat naman ata kami VIP don. Pati nga sa Mall ni Jin. Parang Reunion pala ang mangyayari."Akira! Akihiro! Bumaba na kayo. Aalis na tayo. Nauna na si Daddy sa Venue" Sabi ko sakanila habang kumakatok sa pintuan nila
"Okay Mommy!" Sabay nilang sagot. Bumaba na ako para tawagan si Rukawa. Nauna na sya doon dahil magkakasama sila ni Jin. Mga bussiness man nga naman. At may sasabihin din ako sakanya. Balita ko sikat ang Team na binuo nila Akagi. Ilang years na ang nakalipas simula nang matapos kami sa High School pero naglalaro parin sila ngayon balita ko kasama si Sendoh sa Team nila.
Nakangiti kong tiningnan ang dalawang anak ko. 5 years old na sila pareho. Sabi nila kamukhang kamuka ko si Akira. Habang si Akihiro naman ay kay Rukawa. Nakuha din si Akihiro ang pagiging masungit at Cold ni Rukawa. Antukin din ito. Pero sweet sya saakin. Mama's boy nga ang batang iyon.
----
"Where is Daddy?" Tanong saakin ni Akihiro nang makapasok kami sa Venue. Ginanap ang Party sa isa sa mga malaking bahay ni Maki. May isang Village kase na puro bahay nya. At doon sila nakatira ni Maria. Balita ko bumili si Nobunaga ng Bahay doon para lang makalaro si Maki minsan.
"Ayun sya oh, kausap nya si Tito Jin mo" Sabi ko kay Akihiro at tinuro si Rukawa na hindi kalayuan saamin. Agad naman ito tumakbo papunta sa Daddy nya. Nagulat pa si Rukawa nang may Yumakap sa hita nya. Hinanap nya pa ako at ngumiti sya saakin ng magtagpo ang tingin namin. Kumaway pa ako sakanya at tinuro ang table kung nasaan kami. Tumango naman sya at binuhat si Akihiro.
"Hii!! Pretty!!"
"Hi, Tita Miya!" Nakangiting bati ni Akira kay Miya. "Merry Christmas! Here binilhan kita ng magandang dress sa Paris nung may fashion show ako don!" Lumiwanag naman ang mata ni Akira nang ibigay ni Miya ang Branded na Damit sa anak ko. Dahil kay Miya nakikitaan ko na mag mo-model si Akira.
"Here Sis" Tiningnan ko naman ang binigay nya. Nanlaki ang mata ko nang makita ang isa sa pinakamahal na bag sa Gucci.
"Wow! Ang mahal nito ah. Salamat" nakangiting sabi ko sakanya.
"Of Course!Merry Christmas!.. i have to go na andyan na si Hubby" excited na sabi nya ay humalik pa sa pisngi ko bago umalis. Nakita ko naman sinalubong ni Sendoh si Miya. Kumaway pa saakin Sendoh nang makita nakatingin ako sakanila.
"Mommy!ang ganda ng bigay ni Tita. Kelan ko sya pwede masuot?" Tanong saakin ni Akira habang pinagmamasdan ang damit
"Hey baby" napangiti ako ng marinig ko si Rukawa sa Likod ko. Nanlaki naman ang mata ni Akira sakanya.
"Daddy!!" Agad naman yumakap si Akira kay Rukawa.
Isang linggo syang wala dahil may bussiness trip sya sa Canada. Kaya panay hanap sakanya ng dalawa. Maka daddy din sila. Dahil sobrang lambing ni Rukawa pagdating sakanila.
BINABASA MO ANG
ALL ABOUT HER (COMPLETED)
Fiksi PenggemarSlamdunk Series #1 - RUKAWA I left her for my dream, that's the most selfish thing I've ever done in my life, even though I've been away from her for seven years. She's still what I'm looking for, and I still love her. I know I hurt her so much, and...