"Grabe!ang clingy mo naman!bumitaw ka naman kay Rukawa!" Asik saakin ni Maria. Inismiran ko naman sya at mas lalong sumiksik sa dibdib ng Rukawa.
Hindi ko alam bat ganto ako!laging gusto ko nasa tabi si Rukawa. Nakikita, nahahawakan, nahahalikan, naano--- nevermind.
"Grabe, hiyang ka magbuntis ah?mas lalo kang gumanda Miki" sabi ni Lesley saakin na hawak naman ni Mitsui sa hawak.
"Oo sobrang ganda nya talaga" dagdag ni Rukawa, habang hinahaplos ang ulo ko. Rinig ko naman ang asaran nila. Kasalukuyan kaming nasa bahay nila Maria. Nagkayayaan. Ang wala lang ay sila Angel at Mito dahil honeymoon nila. Kakasal lang nila last week. Kahapon at bumisita na kami sa OB ni Rukawa. Lagi ko syang kasama. I'm 7weeks pregnant. Hindi pa namin nalalaman kung babae or lalake dahil sa 5months pa ito. Pero si Rukawa ginigiit na lalake ito. Malakas daw ang Sperm nya. Napapairap nalang ako
"So, ikaw ang pinaglilihian ng Girlfriend mo Rukawa?" Tanong ni Mitsui sakanya. Nakakandong ako sakanya. Ayoko ko talaga nalalayo sakanya
"Obviously, nung mga nakaraan napapansin ko nagiging clingy sya saakin" sabi nya habang pinipisil ang kamay ko. Habang ako nakasiksik lang sa leeg nya.
Ang bango nya grabe!
Pinayagan kami ni Mommy matulog sa iisang kwarto. Don na sya tumutuloy para narin mabantayan ako. Matinding pag uusap ang pinagdaanan ni Rukawa bago sila pumayag. Dahil nung nakaraan umiyak ako dahil hindi ko sya nakatabi matulog. Nataranta sila Lola at Lolo dahil dis oras nang gabi hinahanap ko sya. Hindi naman nagalit si Rukawa. Natuwa pa nga dahil namimiss ko daw sya.
"Hmm?nagugutom kapa?" Malambing na sabi nya saakin, parang bata naman akong umiling sakanya. Natawa naman sya ng mahina at hinaplos ang pisngi ko.
"You are so cute Love. Mas maganda kung taon taon kang ganyan" sabi nya saakin habang natatawa, sinamaan ko naman sya ng tingin.
Kagabi pa nya binubulong saakin na gusto daw nya ng anim na anak para isang team daw. Nag away pa kami kagabi dahil don
"Edi ikaw manganak Rukawa!" Asik ko. Natawa naman sya hinalikan ako sa noo.
"Pikon ang Buntis." Inismiran ko naman sya at kinain ang Cheesecake na nasa harap ko
"Tataba ka nyan Miki. Panay kamo kain mo e sabi ni Rukawa" sabi ni Maria saakin habang kumakain din. Wala si Maki ngayon may laro daw hindi sya sumama dahil andito kami
"Ikaw Maria?wala kapang balak?" Tanong ni Lesley sakanya. Ngumisi naman si Maria
"Meron na" sabi nya impit naman kaming napatili sa sinabi nya
"Taon ata ng Buntis. Lesley baka naman" parinig ni Mitsui sa asawa nya, kumindat naman si Lesley sakanya
"Mamaya, Honey. Kambal pa" mapang akit na sabi ni Lesley sakanya. Napakagat labi naman si Mitsui. At nagsimula sila maglandian.
"Grabe, ilang weeks?" Excited na sabi ko. Bestfriend goals ata kami
"3 weeks yiee, ibabalita ko mamaya kay Maki shh" sabi nya. Nakangiti naman akong tumango sakanya. Gabi nang makauwi kami ni Rukawa sa Mansion. Nagising nalang ako nasa kwarto na ako at wala sya sa tabi ko. Inayos ko muna ang suot ko bago bumaba sa kusina. Natagpuan ko sya nagluluto. Napangiti naman ako at yumakap sa likod nya. Naramdaman nya agad ako
BINABASA MO ANG
ALL ABOUT HER (COMPLETED)
FanfictionSlamdunk Series #1 - RUKAWA I left her for my dream, that's the most selfish thing I've ever done in my life, even though I've been away from her for seven years. She's still what I'm looking for, and I still love her. I know I hurt her so much, and...