Clash 35: Still Affected?

2.5K 50 2
                                    


Denisse Bernadette De Guzman’s POV:

Nakaupo lang ako sa bench habang nanunuod ng dance moves na pinapaaral sa akin ng choreo namin.

“Denisse!” Napatingin ako sa ka-org ko na palapit sa akin. “Finally! Nakita ka rin namin!”

“Oh, bakit? Anong problema?” Bigla akong hinila ng ka-org ko papunta sa hallway. “Wuy! Ano ba? Ano ba kasing problema??”

“Kailangan ka namin!”

“Huh?! Ano! Huy!” Hatak hatak parin ako ng ka-org ko hanggang sa makarating kami sa music hall. Nakita kong may ilang mga tao dun pero ang nakaagaw pansin sa akin ay ang magaling kong ex, Timothy.

“Ano bang ginagawa natin dito? May pinag-aaralan pa akong sayaw na pinapaaral ni Sir.”

“Don’t worry Denisse! Nakausap na namin si Sir, sinabi naming hihiramin ka lang namin. Importante kasi ‘to and you are the first person na pumasok sa isip namin.”

“Ano ba yun? Para saan?” Tumayo si Timothy saka lumapit sa akin.

“You’ll be my partner in the collaboration.” Napaatras naman ako sa sinabi ni Timothy. Partner? Siya? Wag na! Ayokong makapartner si Timothy. Hwag na lang.

“Sorry I’m not interested.” Akmang lalabas na ako pero hinawakan ni Timothy ang kamay ko. Agad ko namang binawi yun. “Don’t touch me.”

“Lumabas muna kayo. May pag-uusapan lang kami ni Denisse.” Lumabas naman ang iba at naiwan kami ni Timothy dito sa loob.

“Anong parte sa ayoko ang hindi mo maintindihan?”

“Denisse, let’s set aside our fight first please. I need you now for this collab. Walang representative ang class natin kung hindi ka papayag.”

“Kapag sinabi kong ayoko, ayoko!” Hinawakan ni Timothy ang magkabilang balikat ko.

“Please, Denisse. Hwag mong biguin ang mga kaklase natin.” Napalingon ako sa bintana at nakita kong nakadungaw dun ang mga kaklase ko at mga ka-org ko.

Tinaggal ko ang pagkakahawak ni Timothy sa balikat ko. “I’ll do it.”

“Really? Thank you Denisse!”

“I’m not doing this for you. I’m doing this for the class.” Sabi ko saka tumalikod sakanya. I smiled fakely at my classmates. “I’m doing it.” Sabi ko. Pumasok naman silang lahat tsaka ako niyakap.

“Thank you Denisse!”

“Eto ‘yung piece na kakantahin niyo. Nakadivide na yan, yung nasa red font color, ikaw ang kakanta Denisse, yung blue naman, ikaw Timmy!” Kinuha ko yung piyesang kakantahin namin. Bigla naman akong nanlambot ng makita kung ano yung kakantahin namin.

Don’t Forget By: Demi Lovato

“Ito talaga ang kakantahin?” Tanong ko sakanila. Parang hindi ko yata kayang kantahin ‘to.

“Yes. Feeling ko kasi may something yang kanta na yan. Feeling ko maayos niyong makakanta at maipapanalo nyo ang contest kapag yan ang kinanta niyo!” Nakangiting sabi ni Anne; ang coach DAW naming dalawa ni Timothy sa collab.

“Mukhang maganda naman ang piece.” Sabi ni Timothy habang nakatingin sa kanta. Bigla namang bumukas ang pinto ng music hall at nakita ko si Troy na pumasok.

“Sorry I’m late— ow.” Napatigil si Troy ng makitang nasa stage kami ni Timothy. Bigla namang sumama ang aura ni Troy. “Sila ang sasali sa collaboration?”

“Yes! Aren’t they cute? May spark sakanila, Troy!” Sabi ni Anne pero mukha lalong nabadtrip si Troy sa sinabi niya.

“Show me what you got.” Sabi ni Troy. Mukhang siya ata ang president ng Glee Club. Nakakabigla! Mahilig rin pala sa kanta si Troy.

Clash Of The Campus Populars [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon