Clash 60: The Night.

2.1K 48 4
                                    


Diane's POV

Four weeks after umalis ni Trixie, bumalik kami sa dati ng gals. Habang nagbabasa ako dito sa may bench, nakita ko si Rhobie at Carl na magkasama.

Carl really did made his move.

Pero hanggang nandiyan siya, hindi ko mapaglalapit si Rhobie at Dan.

Nakita kong nagpaalam na si Carl kay Rhobie kaya kaagad kong sinundan si Carl pero habang nasa likod na ako ng building ay iba ang nakita ko.

Nakita ko si Dan. Nakaupo at walang pakialam sa nangyayari sa paligid niya.

Napalingon siya sa akin tsaka ngumisi. Tumayo tsaka naglakad palayo pero pinigilan ko siya.

"Dan, wait.."

Tumigil siya at tumingin sa akin.

"Ano nanaman bang kailangan mo? Miserable na nga ako oh? Aren't you happy for me?" Sabi ni Dan ng may halong pagkasarkastiko.

Hindi ako nakapagsalita.

"Ano, Diane? Nandito ka nanaman ba para pigilan akong mahalin ang gusto ko? Why? Pag-aari mo ba ako? Ano ba kita?"

I bit my lower lip to prevent myself from crying. I need to do this.

"I--I’m sorry."

Tumingin ako sakanya.

"I'm sorry kung naging makasarili ako. I'm sorry kung sarili ko lang ang inisip ko. I'm very sorry for ruining your relationship with Rhobie. I'm very very sorry."

Hindi ko na napigilan ang pag-iyak ko.

"Nagmahal lang naman ako. Nagmahal lang naman ako ng lalaking hindi magiging akin, kahit kailan. Pero pasensya na. I just love you so much that I can't stand to let you go."

Pinunasan ko ang namumuong luha sa pisngi ko.

"Dati, sabi ko sa sarili ko, maghihintay ako sa’yo. I’ll wait for the day you’ll finally love me, but nothing came. Umasa lang ako. Masakit pala. Masakit kasi wala pala akong aasahan, di’ba?"

Pinunasan ko ang sunud-sunod na pagpatak ng luha ko.

"Sana ako na lang yung minahal mo, sana ako na lang ang namimiss mo, sana kahit isang beses maalala mo ako pero alam ko namang hanggang sana lang lahat ’to."

Tumingin ako kay Dan na kasalukuyang nakatanaw sa malayo.

"Pero hwag kang mag-alala, I never blamed you everytime I get hurt. I blame myself. Kasi kitang kita naman na ayaw mo sakin pero ako naman 'tong si tanga na patuloy pa ring pinipilit na mahalin mo ako. But now, tanggap ko na, na hanggang dito lang ako. Hanggang magkaibigan lang siguro talaga tayo."

Nagulat na lang ako sa sunod na ginawa ni Dan.

Niyakap niya ako kaya lalo akong napaiyak at yumakap pabalik sakanya.

He whispered, "I know sooner, you’ll find the right guy for you. I’m sorry."

Napangiti na rin ako.

Maybe I dreamed of the wrong prince. Maybe I was unsuccessful stealing his heart because God is preventing it from happening because He knows where I will be happier.

-

Rhobie’s POV

"Lunch out?"

Walang sawang tanong sa akin ni Carl habang busy ako sa pag-aayos ng gamit ko.

"Ano ka ba, Carl. Sabi ko naman sa'yo, marami pa akong gagawin. Baka hindi kita ma-attend to."

Clash Of The Campus Populars [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon