Clash 71: Unstoppable Feelings.

2K 55 9
                                    


Denisse POV

Nakatingin lang ako sa kisame ng kwarto ko. Simula nang mag-confess sa akin si Troy, at tinurn down ko siya, he started ignoring me and he's acting like I don't exist.

Naiintindihan ko yun, I know I've hurt his feelings but I can't understand why I'm feeling more pain.

Tiningnan ko ang phone ko at nakita ko na nagtext sa akin si Iya.

Iya;
   Ate, I have a dance performance later at 3pm. See you there! :---)

Binaba ko muna ang phone ko. I'm sure, nandun rin si Troy kaya nag-aalanganin akong pumunta.

Bigla ulit nagring ang cellphone ko at nakita ko namang nagtext si Nathan.

Nathan;
     Iya's expecting you later. Please come.

Napatalukbong ako ng unan. Aish! Ano bang gagawin ko? Hindi ko naman kayang tiisin si Iya. She's like a sister to me. I can't let her down.

Reply;
       Sure. I'll be there

I guess I should go, hindi ko na lang papansinin ang presence ni Troy, katulad ng araw-araw niyang ginagawa sa akin.

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

2:15 PM

I decided to go to Iya's school. Dala ko ang kotse ko. Simpleng white t-shirt at ripped jeans lang ang suot ko. I don't know why but I suddenly became so lazy to do things now.

Nakarating ako sa school ni Iya ng 2:45. I saw her at the main gate with Nathan kaya kaagad akong lumapit sakanila.

"It's a bit traffic, sorry." Sabi ko.

"It's okay ate." Sabi ni Iya pero mukhang malungkot siya at hindi mapakali.

"What's wrong?"

"Troy is not yet here." Sagot ni Nathan. Nakita ko namang kanina pa may tinatawagan si Iya, baka ang kuya niya. Ilang minutes nalang at magsisimula na ang performance pero wala pa si Troy. This is so not like him, I know how important Iya is to Troy at alam kong hindi niya papalampasin ang event na to.

I tried contacting Troy but he's not answering.

"Iya, magstart na. Tara na sa backstage." Tawag sakanya ng isa niyang kamember.

"A-ah, sige." Iya's still lonely while walking to the backstage. Hay. Troy, na'saan ka ba?

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Troy POV

"DAMN!" Napahampas ako sa manibela habang sakay sakay ako ng kotse ko. Sobrang traffic at hindi ko na yata maabutan ang performance ni Iya.

Tiningnan ko ang cellphone ko pero dead batt naman ako, so I can't contact Iya.

When finally I got to move my car, mabilis kong pinaharurot to papunta sa school ni Iya.

Napaapak ako sa brakes pero nagulat ako ng hindi gumana yun. "Shit! My brakes!"

Nagpagewang-gewang ako sa daan habang iniiwasan kong may mabangga ako. Nakita kong may isang batang babae ang tumatawid at hindi ko mapigilan ang takbo ng kotse ko.

I spinned the wheel at kasabay nun ay bumangga ako sa isang malaking puno.

I heard a lot of shouting before I lost my consciousness.

Clash Of The Campus Populars [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon