Clash 18: The Trip.

2.7K 61 0
                                    

Part 1 of 4

Denisse’s POV:

“Denisse! Na’san ‘yung flip flops ko?!” Narinig kong sigaw ni Diane.

“Under your closet!”

“Kyaa! Yung iPanema ko, where is it!?” Narinig ko namang tili ni Trixie.

“Ugh! Nasa ilalim po ng kama mo!” Irittated na sabi ko. Tss, palibhasa, ako ang nag-aayos ng gamit nila whenever I feel like it, ayoko kasi na walang ginagawa, napapaisip ako ng malalim at ang ending ay umiiyak ako dahil sa ginawa sa akin ni Timo– oops, don’t say bad words di’ba?

Nakita kong biglang nagring ang phone ko.

From: Mr. Sungit

Kanina pa kayo hinihintay dito. Pakibilisan daw, btw, kasama namin si Iya, nagpupumilit eh.

Reply to Mr. Sungit

Sorry, we’ll be there in a few minutes. Okay lang ‘yun, hayaan mo na. Namimiss ko na rin yun eh.

After Iya’s party, mas lalo pa kaming naging close sa isa’t isa ni Iya. She’s calling me everyday kapag hindi siya busy, kinukwento niya ang tungkol sa school niya, minsan sa akin rin siya nagsusumbong kapag inaaway siya ni Troy, ang ending, susungitan ako ni Troy kapag pinangaralan ko siya.

Madalas rin kaming magkaskype, ang madalas pa ngang sabihin ni Iya ay sana raw naging babae nalang si Troy para nakakasundo niya. Napapatawa naman ako, naiimagine ko si Troy na babae. Ppfft! Nakakatawa!

Nakita ko namang bumaba na ang gals dala dala ang maleta nila. According ulit sa favorite color namin ang kulay ng maleta para hindi magkalituhan.

“Hepepep!” Pagpipigil ko kay Jorelle nang akmang lalabas na siya.

“O, bakit?” Tanong niya.

“Luggage check!” Napakamot naman sa ulo niya si Jorelle.

“Ano ‘to, airport?! Ano ba kayo! Malalate na tayo o!” Nagmamaktol na sabi ni Jorelle habang nakaturo ang kamay sa relo niya.

Hindi na kami nagsalita at kinuha nalang namin mula kay Jorelle ang maleta niya. Inilapag namin ‘yun sa flooring at binuksan.

“Sunblock, check!” Sabi ko kay Jorelle while checking here luggage. “Slippers, check!”

“Kyaaa! ~” Napasigaw ako when I realized. “Bakit wala kang bikini Jorelle?! Ugh! Plano mo pa ring magpakamanang hanggang beach? Ano ba ‘yan!” Napairap lang sa’kin si Jorelle. Aba, siya pa nang-iirap ha! “Ikaw ha! Niloloko mo kami! Sabi mo kahapon sa mall meron ka dito sa bahay kaya hindi ka bumili!”

Napakamot sa ulo niya si Jorelle. “Hindi naman kasi kailangan bikini pa eh. May sando at shorts ako diyan. Yun ang susuotin ko.” Nakapout na sabi ni Jorelle. Hays. Cute ka sana Jorelle, baduy nga lang.

“No! Hindi pwedeng hindi ka magbibikini sa beach!” Nakapamewang na sabi ni Ellaine. Hinila naman ni Ellaine si Jorelle papasok ng kwarto niya. Hays.

BEEP ~

From: Mr. Sungit

Pakibilisan naman oh? Magiisang oras na kaya kayong late.

Napatingin ako sa relo ko. Ay, oo nga nu? Masyadong napahaba ang luggage check namin kay Jorelle! “Girls, tara na. Late na late na nga talaga tayo! Jorelle! Ellaine! Bilis diyan!” Binuhat naman namin ang gamit namin saka lumabas, nakita ko si Kuya at Nathan na nandun. Kasama rin pala si Nathan! Agad naman kaming tinulungan nung dalawa at sumakay na kami ng van.

Clash Of The Campus Populars [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon