Part 1 of 2
Jorelle's POV:
"Ang bilis ng oras! Last day na ng ASCE!"
"Okay lang 'yun! May play naman si Jorelle mamaya eh, I'm sure makakaya niya yan! Full support! Wahahaha!"
"Sige. Mag-ingay pa kayo para di ko makabisado 'to."
"Ay. Sorry na. Sige na sleeping beauty magkabisado ka na!!"
Sa totoo lang, writer lang ang gusto kong maging role pero nakakabwisit lang kung bakit ako naging si Princess Aurora;
Flashback~
"Okay, now, I want everyone to form a circle." Nasa gitna ang acting coach namin na si Ma'am Camille tsaka kami bumilog. Katabi ko si Rovin sa kanan, si Kier naman sa kaliwa at katabi ni Kier ay si Kenneth.
"So, for our ASCE, sa last day tayo magcocontribute. Hindi naman pwedeng ang Glee Club, Sports Club, Debate Club at ibang club lang ang makilahok. Kailangan ay kasali rin ang Drama Club. Now, obviously, we will be doing a role play and as members, dapat ay magkaroon tayo ng unity sa gagawin nating play...
First is the genre of the play. Please raise your hand if you want to suggest a genre.."
"Ma'am! Fantasy!!"
"Maganda kung action!"
"Tss. Horror mas patok!"
"Halloween lang ang peg? Romance nalang ma'am dahil malapit na mag-february!" Marami namang sumang-ayon sa Romance genre na naisip ng isa naming kaclub.
"Okay, so we have a genre, it is Romance! Now, the storyline, is it fictional, fairytale like.."
"Ma'am, Florante at Laura!"
"Yuck! So old fashioned! Ma'am how about, Titanic!"
"Eew! So drama!"
"Sleeping beauty ma'am! Maganda 'yun!!" Sa wakas naman ay may pinang-sang'ayunan na ang lahat.
"Okay, so Sleeping Beauty ang storyline. Sino naman sainyo ang gustong magvolunteer na writer ng script?" Napangiti ako at walang pag-aalinlangang nagtaas ng kamay.
"Ma'am ako na po!" Napatingin naman sa akin si Rovin, Kier at Kenneth. Luuh?
"Hmm, sure Ms. Dela Cruz. So we have our main writer.. Now, the casts of the story. Let's start with the dragon,"
"Si Rovin po! Si Rovin!" Napangiti naman si Rovin tsaka nagtaas na rin ng kamay.
"Ako na po." Tumango naman si Mam Camille tsaka sinulat ang pangalan ni Rovin sa board as the dragon.
"Okay, how about the father and mother of sleeping beauty?... Okay okay, Mich and Harold..."
Patuloy lang ang pagkuha ng characters ni Ma'am Camille hanggang sa dumating na sa pinakabida ng storya.
"And who will be the prince that will save our sleeping beauty from her eternal sleep?" Napatahimik ang lahat hanggang sa sumigaw si Anya.
"I believe Kenneth is perfect for that role!" Napatingin naman kaming lahat kay Kenneth.
"Oo nga, Ma'am! Kay Kenneth po talaga bagay yang role na yan!"
"Sige na Kenneth! Ikaw na ang gumanap!" Magkasalubong lang ang kilay ni Kenneth saka napabuga ng hangin.
"Tsh. Fine." Nagdiwang naman ang lahat dahil sa pagpayag ni Kenneth. Sus. Prinsipe? Si Kenneth. Ppfft.. Nakakatawa!
"Okay, next is-"