Clash 14: Preparations.

2.9K 66 0
                                    


Jorelle’s POV:

“Okay class, so ngayon, mayroon akong announcement...” Nandito kami ngayon sa room. May dinidiscuss si Professor eh. “..magkakaroon tayo ng isang cook fest! For this month, that will be our event, kaya make sure to do your best okay? Magkakaroon tayo ng mga stalls na for sure ay mag-eenjoy kayo. Pwedeng magkaroon ng stall na ang kasama ay ibang klase depends on you, kung sino ang gusto niyong makagroup. So, our minimum members are 10, so kayo na ang bahala, we are giving you the whole day para magprepare. So yun lang, that’s all for today. Dismissed.”

Tumayo kaming lahat at nagpaalam sa teacher. Lumapit ako kay Denisse. “Denisse, pano yan? E, pito lang tayo! Edi hindi tayo pwede?”

“Hindi ko rin alam. Unless may gustong sumali sa ating pito.” Kinuha na ni Denisse ang bag niya tsaka kami naglakad na palabas ng hallway.

“Ano kaya pwede nating gawin? Kissing booth? Marriage booth? Jail booth?” Tanong ni Denisse.

“Ay. Ang gara naman nun? Puro baduy eh. Magbenta nalang tayo ng stuffs whatever. Aray ko!” Nahulog ang mga libro ko. May nakabunggo kasi sa akin. Tss. Babaeng tumatakbo, hindi man lang nagsorry.

“Okay ka lang?” May tumulong sa akin na magpulot ng gamit ko. Akala ko si Denisse pero pagkita ko ay nagulat ako ng makita ko ang isang lalaki.

Biglang nag-init ang dugo ko. Nasa harapan ko lang naman ang nag-iisang lalaking ayokong makita, ayokong makausap. Nandito!

“Jorelle, okay ka lang ba?”

“Ano namang pake mo?!” Kinuha ko ang gamit ko sakanya pero bigla nanamang may bumangga sa akin, isang babaeng tumatakbo ulit. Argh! Kayamot! Nahulog ulit ang gamit ko at tinulungan niya nanaman ako pero pinigilan ko na siya.

“I can handle myself Josh. Get lost.” Tumayo ako at tumingin kay Denisse na kasalukuyang nakatingin lang sa akin. “Denisse, tara na.”

“Jorelle, teka..” Napalingon ako ng hawakan ni Josh ang braso ko. “..I want you to know that I still love you, and I madly want you back..”

Binawi ko ang kamay ko kay Josh. “Well then! Remember everything I’ll be saying, I. DON’T. LOVE. YOU. ANYMORE. BITCH.” Nagmadali akong maglakad. Nakaramdam ako ng init sa gilid ng mata ko. Shiz! Why am I crying?! No. I’m not affected by my demon ex. I’ve moved on. No more crying.

Pinunasan ko ang mukha ko at bigla nanamang may bumangga sa akin. “Hoy! Sorry ah!” Sigaw ko ng hindi na ako nakapagtimpi. Kanina pa kasi may bumabangga sa akin!

Sinundan ko ng tingin yung babae at nakita ko ang nagkukumpulang mga babae. Dumating naman si Denisse at hinawakan ako sa balikat. “Okay ka lang?” Tumango naman ako bilang sagot. Bigla akong napalingon sa nagkukumpulan.

“Kyaaaaa! Kenneth! Dito ka na lang sa stall namin! Please!!”

“Kenneth!! Samin ka sumali! Promise hindi ka magsisisi!”

“Kenneth! Sa amin na lang! Pasasayahin kita araw-araw!”

Nakita ko si Kenneth na nasa gitna. So siya yung pinagkakaguluhan? Akala ko naman kung ano, sana kung si Baekhyun pa yan o kaya si Chanyeol, edi sana kanina pa ako nakipagsiksikan dun. Kaso, hindi eh. Isang di hamak na Kenneth Santos lang naman. Sus.

“Akala ko kung ano, tara na nga Denisse —”

“Jorelle!!” Potek! Nakita pa niya ako?! Lumingon ako sakanya pero inirapan ko lang siya. Naglakad ako ng hindi siya pinapansin, “Jorelle!!” Biglang hinawakan ni Kenneth ang balikat ko at inilapit niya ang sarili niya.

“Hoy! Ano nanaman to?!” Bigla akong niyakap ni Kenneth, nakarinig ako ng oohs and aahs sa crowd. Pinipilit kong makakalas mula sa yakap niya pero masyadong mahigpit. Yung tipong gusto niya akong masuffocate. Ganon! “Kenneth!!”

Clash Of The Campus Populars [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon