Clash 76: Danger.

2K 52 2
                                    


Author

"STOP the car! Damn it!" Pinilit habulin ni Kenneth ang van na lulan ang gals pero hindi rin siya nagtagumpay dahil sa bilis ng takbo nito.

"We need to chase them!" sumakay ang Lucky7 sa isang van na hiniram nila mula sa mga bisita tsaka sinundan ang van na sinasakyan ng gals.

"THIS IS ALL MY FAULT! Kung tiningnan ko muna sana ang van bago ko sila pasakayin, hindi mangyayari 'to!!" Sabi ni Kier habang hinahampas ang manibela ng van.

"Walang dapat sisihin, Kier. Sa ngayon, kailangan lang talaga nating mailigtas ang gals."

xxx

"Wake up, you b i t c h." Nagising si Jorelle nang buhusan siya ng tubig ni Anya. Laking gulat niya ng makita niyang nakahiga sa sahig ang mga kasama niya at walang malay.

"Anong ginawa mo sakanila?!"

Ngumisi lang si Anya atsaka itinutok sa gals ang baril. "How about I finish them first before I finish you?"

"Hwag!! Please! Hwag mo silang sasaktan!" Tumingin si Anya kay Jorelle saka itinutok ito sa dalaga. "Kahit, ako na lang. Just don't hurt my friends."

"Ooh! Trying to be the superhero, eh? Well I won't finish you that easy. I want you to feel my wrath!" Nakita ni Jorelle na isa-isang kinuha ng Scorpions ang mga walang malay na gals atsaka inilabas sa kwarto. Natira naman sa kwarto niya si Brace at Anya.

"Saan niyo sila dadalhin?!"

"Let's just say that, they'll taste heaven any moment now." Dali-daling nagpumiglas si Jorelle tsaka sinipa si Anya. "You b i t c h!"

Sinikmuraan ni Brace si Jorelle kaya napadura ito ng dugo. Hinawakan ni Anya ang pisngi ni Jorelle.

"Ang tapang mo naman." Tsaka ito sinampal. "Brace, do whatever you like." Huling sabi nito tsaka lumabas ng kwarto.

Lumapit si Brace kay Jorelle tsaka hinawakan ang pisngi nito. Kaagad namang nagpumiglas si Jorelle. "Ang swerte naman ng mga kupal na yun, nakabingwit sila ng mga sirenang katulad niyo."

"Anong gagawin mo sa akin?"

"Anything I want. Kaya kung gusto mong mabuhay, maki-cooperate ka sa akin." Sabi ni Brace tsaka ngumisi. "Let's start with a simple kiss."

"LUMAYO KA SAKIN!" Sinipa ni Jorelle si Brace kaya't napaupo ito sa sahig. "Don't touch me!"

"Tama nga si Anya. You are not that easy." Sinikmuraan ni Brace si Jorelle. "P'wes, hindi rin magiging madali ang mangyayari sa'yo."

NAKARATING na sa bodegang pinagtataguan ng gals ang Lucky7. Nasundan nila ang tracker na nilagay ni Carl sa cellphone ni Diane.

"Nandito sila." sabi ni Carl habang tinitingnan ang kabuuan ng lugar. "Kailangan nating maghiwa-hiwalay. This is not gonna be that easy."

Bumaba ng van ang Lucky7 tsaka pumasok ng bodega. Tahimik lang ang paligid hanggang sa nakita nila na maraming kwarto ang nandun na kailangan nilang suyurin. Naghiwa-hiwalay sila at isa-isang pinasok ang mga kwarto.

"Bitawan mo ako!" Sigaw ni Rhobie habang nakapaibabaw sakanya si Brian. "Tama na!" Umiiyak na ito habang pinipilit takpan ang katawan niya.

Kaagad namang narinig iyon ni Dan tsaka sinipa ang pintuan at kinuha ang kahoy sa gilid at pinukpok kay Brian.

Nagpatuloy lang sa pakikipagsuntukan si Dan kay Brian hanggang sa tumumba si Brian. Itinali ni Dan si Brian sa haligi ng kwarto atsaka sinikmuraan.

Clash Of The Campus Populars [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon