Clash 39: Collaboration.

2.2K 55 0
                                    


Denisse Bernadette De Guzman’s POV:

“Laaaaaa~ ♪”

“Hwag ka ng kumanta, Denisse! Mamaya na ang collaboration niyo. Baka mamaya mapaos ka pa— Hepepep! Bawal kang uminom ng malamig na tubig! Oh eto hindi malamig yan!”

“Chill, Hazell. Huwag ka ngang mapraning diyan. Okay pa ang lagay ng vocal chords ko. Kering keri yan!” Kasi naman, masyadong napapraning si Hazell.

“Tss! Sinasadya mo yan kasi ayaw mong makaduet si Timothy.”

“Tss. I’m fine with that, Hazell. Hindi ko na rin masyadong ginagawang big deal ang past namin ni Timothy.” Sa loob ng 3 araw na practice namin, medyo nawala na ang ilang ko kay Timothy, but it doesn’t mean na napatawad ko na siya. Masyadong malalim ang sakit na iniwan niya para ganun ko siya kadaling patawarin, and besides kasama ko naman si Troy sa pagpapractice.

“Okay! Pero huwag mo ngang masyadong pagurin ang vocal chords mo! I believe that you can win over your opponents, Denisse!” Napangiti ako sa sinabi ni Hazell.

“Aja! Kayang kaya!” Umalis na kami ni Hazell sa cafeteria tsaka pumunta sa tambayan namin ng gals. Naabutan ko dun si Jorelle na nagkakabisado ng script, si Ellaine na nakaearphones, si Diane na tulog at si Trixie na nagla-lyre. Na’saan si Rhobie.

“HI GUYSSSS!!” Bati ko sakanila. Bigla nanaman akong hinampas ni Hazell.

“Sabi nang hwag mong pagurin vocal chords mo!!” Nagpeace lang ako kay Hazell saka umupo sa tabi ng gals.

“Yo, Denisse. Goodluck sa collab mo mamaya. Ready ka na ba?” Tanong ni Jorelle. Tumango naman ako.

*TING TING TING!!*

“Ouch! Ang sakit sa tenga!” Sabi ni Hazell. Napalingon naman kami kay Trixie at hindi maipinta ang mukha niya habang galit na naglalyre.

“Kanina pa ganyan yan. Ayaw naman sabihin kung bakit siya nagkakaganyan.” Sabi ni Diane. Nagising na pala siya.

*TING! TING! TING!*

“Hoy Trixie!!” Sigaw ko sakanya pero hindi siya lumilingon sa akin at hindi rin siya tumitigil sa pagpukpok sa lyre niya.

“Trixie!” Hindi pa rin siya lumilingon. Tsh!!

Lumapit ako kay Trixie saka siya binatukan ng napakalakas. “TRIXIE ANO BA!”

“AWWTCH! That hurts!! Inaano ko ba you?” Sa wakas! Natauhan rin!

“Kanina ka pa kaya nagpupukpok ng deputang lyre na yan at puta napakasakit sa tenga! Ano ba kasing problema mo?” Hazell

“Hays!! I’m the most unfortunate person on Earth!” Sabi ni Trixie sabay takip sa mukha niya.

“Huh?! Bakit?!”

“Hmpf!! Promise me you won’t tell anyone oki?” Tumango naman kaming lahat tsaka lumapit kay Trixie.

“I’m getting married.”

“ANO?!”

“P–paano?! I mean, bakit?! Kanino?! How did it happen?!”

“Ssh! Guys! Isa isa lang guys! Hays. Here, remember when we first met? You saw me wearing a white dress and it’s because I ran away from an engagement party and it’s because I don’t want to get married, and because I don’t want to make pakasal to an anonymous person, I decided to make pakilala a  fake boyfriend of mine, and this fake bf I have is Kier Ramos. So, Kier made tulong me and then last week, Kier asked me a favor to make pakilala me as his fake girlfriend so he could escape an engagement too..”

Clash Of The Campus Populars [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon