Clash 59: Goodbye, Trixie.

2K 56 0
                                    


Ellaine’s POV

Tahimik lang kaming nakaupo sa bench sa labas. Halatang badtrip ang gals kasi pare-parehas silang di nagsasalita.

Naiintindihan ko naman si Jorelle, below the belt na kasi yung mga sinasabi at ginagawa ng gals kay Trixie.

Maya maya dumating na si Jorelle.

Tumayo si Diane.

"Why did you do that? Of all people na tutulong sakanya, ikaw pa talaga?"

Tahimik lang si Jorelle. Sunod na nagsalita si Rhobie.

"Nakalimutan mo na ba yung mga ginawa niya satin? Jorelle, siya ang dahilan ng lahat ng feud na nangyayari sa atin! Don't you remember?!"

"Matatanggap pa namin kung ibang tao ang nagtanggol sakanya pero ikaw yun Jorelle! Nagmukha kaming tanga dun dahil mas kinampihan mo pa talaga si Trixie!"

Sabi naman ni Denisse.

Tahimik pa rin si Jorelle.

*pout* bat ba di ko siya mapagtanggol?~~

"Sobra sobrang sakit ang dinulot niya satin! In fact, kulang pa nga lahat ng ginagawa namin sakanya para mapagbayaran niya yung mga kagag*hang ginawa nya!"

This time si Hazell naman ang nagsalita.

Tumingin ako kay Jorelle.

"Kayo ang tatanungin ko, are you happy?" Sa wakas nagsalita na si Jorelle. Napatingin naman sila sakanya. "Masaya ba kayo na ginagawa niyo yun kay Trixie ha?"

Hindi nakapagsalita ang gals.

"Maluwag ba sa dibdib niyo na nakikita siyang umiiyak dahil satin? Maluwag ba sa dibdib na makita siyang napapahiya ng dahil rin satin?" Dagdag pa ni Jorelle.

"Wake up! Hindi tayo ganito! Sa ginagawa niyo, mas lalo niyong pinapamukha sakanya na karapat-dapat tayong traydurin! Sa lahat ng ginagawa niyo sakanya, hindi tayo nakakaganti! Nagiging makasalanan pa tayo! Hindi naman sa lahat ng oras, lahat ng bagay may kapalit! Hindi porket sinaktan niya tayo, may karapatan na rin tayong saktan siya pabalik! I believe in karma. What she did will come back to her in karma's way, not in our own ways."

Napansin kong umiiyak na sila Diane, Denisse, Rhobie at Hazell. Lumapit si Jorelle sakanila. Pati ako.

"Alam ko, the cut she did made a deep scar but I know as time flies, the scar she did will heal. Hindi man ngayon, pero sooner or later, matututunan din nating siyang mapatawad."

"Guys! Hwag na nating isipin yun, dapat di'ba, now that we knew about the truth, dapat masaya na tayo. Let go of the anger~~" Sabi ko para naman mapalight ang atmosphere.

Tumingin sa amin sila Diane, Hazell, Rhobie at Denisse.

"I'm sorry, Jorelle. I was a brat, nadala lang talaga ako ng galit ko." Sabi ni Denisse.

"You're right. Maybe she had hurt us, but it's not a reason for us to live in anger. I'm sorry." Sabi naman ni Rhobie.

"It's just hard for me to accept the fact that the person that I trusted betrayed me, I'm sorry." Sabi ni Diane.

"Alam mo naman ako, mabilis akong madala ng emotions ko. Sorry, Jorelle." Sabi ni Hazell.

"Atleast ngayon okay na tayo ha?" Sabi ni Jorelle saka kami naggroup hug lahat.

Hays~~ Kastress ang buhay pero makulay!~~ Hahaha! Joke lang.

Sana nandito si Jiro huhu~~ (^ω^)

Author's POV

KINABUKASAN, pumasok ulit ng sabay sabay ang gals. Nakakapagtaka lang dahil parang walang mga estudyante ang nasa may main gate.

Clash Of The Campus Populars [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon