Clash 23: Break-up Chronicles.

2.4K 50 11
                                    


Rhobie’s POV:

Buong gabi akong gising. I can’t sleep. Laging pumapasok sa isip ko ang gagawin ko. It’s hard, it’s so damn hard. Pero paano? I made a promise with Diane at kailangan kong tuparin yun.

125 Missed Calls

1,839 Messages from Daga

Napatingin ako sa phone ko. Napaka-OA talaga ni Dan kapag hindi ako tumatawag o nagtetext man lang. Alam kasi niya na may problema ako kapag ganun.

I started dialling his number. Hindi ko alam pero I think kailangan ko ng tapusin tong lahat. Pinili ko si Diane kaya kailangan kong panindigan ang desisyon kong to.

“Hello Rhobie? Anong nangyari? Bakit ngayon ka lang tumawag? May masama bang—”

“Kita tayo ngayon.” Sabi ko tsaka ko binaba ang tawag. Kailangan kong lakasan yung loob ko. Desisyon ko to eh, kailangan kong panindigan.

Inayos ko ang sarili ko. Nagbihis ako ng isang casual attire lang. Paglabas ko ng unit ko nakita ko si Diane na nakaupo. Pagkita niya sa akin napatayo siya.

“Makikipagkita ka ba ngayon kay Dan?” Humugot ako ng lakas para tumango sakanya. I saw her smile. “Ngayon mo na ba tatapusin ang lahat? Ang aga ha.” Tss. Kung di ko pa alam, in favor ka nga dito.

“Para hindi masyadong masakit.” Huling sabi saka ako naglakad papunta sa kotse ko. I started driving. Kasabay nun tumulo ang luha ko. Am I ready for this kind of heartbreak?

------------

Diane’s POV:

OO MASAMA NA KUNG MASAMA.

OO WALANG PUSO KUNG WALANG PUSO.

OO TANGA NA TANGA NA TANGA NA!

ANONG GAGAWIN KO?

NAGMAMAHAL LANG NAMAN AKO.

OO SELFISH NA KUNG SELFISH PERO MAHAL KO SIYA AT HINDI KO KAYANG MAKITANG MASAYA SIYA KASAMA ANG.. ISA SA BESTFRIENDS KO.

NAPAKASAKIT.

SOBRA.

“Para hindi masyadong masakit.” Sabi ni Rhobie.

LIAR.

Kahit ganito kaaga ang pang-iiwan niya kay Dan, alam kong sobra sobra siyang masasaktan. Alam ko na mahal niya si Dan, pero mas mahal ko siya.

Alam ko, alam kong hindi tama ang ginagawa ko pero.. Hindi ko maiwasan. I love him so much, that I want him only for myself.

Kahit may masaktan pa ako, wala akong pakialam.

----------------

Rhobie’s POV:

Inihinto ko ang kotse ko sa tapat ng bakanteng lote dito sa may Central Park. Ayos dito, walang masyadong tao, walang masyadong makakarinig ng mga mangyayari.

malayo palang natanaw ko na si Dan na nakatayo. Nakasuot siya ng itim na v-neck plain short at tokong na red checkered. Paglabas ko, huminga muna ako ng malalim.

“Dan.” Sabi ko. Napalingon naman siya sa akin tsaka ako niyakap. Siguro ay naramdaman niyang hindi ako yumayakap pabalik kaya lalo niya pang hinigpitan ang yakap niya.

Nalulungkot ako, kasi pagkatapos niya akong mahalin, iiwan ko lang rin siya.

“Rhobie anong nangyari?” Tanong niya. Hindi ako sumagot. Hindi rin ako tumitingin sakanya. Ayokong makita ang mukha niya. Dahil baka sa oras na makita ko yun, umatras ako bigla sa napagkasunduan namin ni Diane.

Clash Of The Campus Populars [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon