⚘06

9 1 0
                                    

haknyeon's



maaga kaming dumating sa simbahan para sa binyag ni baby Jayden. nakita ko agad yung mga girlfriend ng mga kaibigan ko na pinagkakaguluhan yung baby. grabe gigil na gigil sila hahaha. ang cute nga naman kasi ni Jayden.






tumabi naman ako kila Sangyeon hyung na masayang tinitignan sila ate Althea na binibaby si Jayden.






"tatay ka na talaga hyung, congrats!" bati ko dito tsaka nakipag kamay.






"thank you. grabe sobrang saya ko talaga, may mini Sangyeon na ako hahaha" sabi naman nito. nakita ko ding tumingin ang iba kong kaibigan kay Sangyeon hyung habang nakangiti. masaya talaga kami para sakaniya.





"satin mamaya si baby ha? sa ngayon doon muna siya sa mommy at mga tita niya. excited na akong mabuhat ang first inaanak namin" sabi naman ni Jacob hyung na halatang kanina pa gustong mabuhat yung baby.






"oo naman hahaha. oh siya, umayos na kayo at magsisimula na daw" sabi ni Sangyeon hyung. nagsiayos naman kami agad ng upo at sakto namang dumating na yung father at nag umpisa na ang misa.






habang kumakanta ang choir ay may isang babae ang nakaagaw sa atensyon ko. napaka familiar niya. kahawig niya si Gaeun. o di naman kaya si Gaeun talaga yun?






sana nga si Gaeun na yun. gusto ko na siya agad makausap kahit nasa kalagitnaan pa lang kami ng misa. tinutok ko ang tingin ko sakaniya. parang tumalon ang puso ko nang mahuli niya akong nakatingin sakaniya. kinakabahan ako. siya ang unang umiwas ng tingin. nakilala niya ba ako?






"tulala ka ata" tanong saakin ni Hyunjae hyung na nagbalik saakin sa reyalidad.





"o baka naman tinitignan mo yung magandang babae sa choir" sabi nito tsaka tinusok pa ako sa tagiliran dahilan para makiliti ako, buti napigilan kong sumigaw.






"she looks like someone" sabi ko.





"sino naman?"





"si Gaeun yung--"





"blessing na, tara na doon mga ninong" tawag saamin ni Sangyeon hyung na nagputol sa sasabihin ko sana.






napagtanto ko lang na mas lumapit pala kami sa choir kaya mas nakita ko siya ng malapitan. si Gaeun nga yata yun. napansin ko din na tumitingin siya saakin. hindi naman siya titingin saakin kung walang dahilan diba?





nang natapos ang misa ay tumayo ako agad para sana makausap yung babae pero nawala na siya agad sa paningin ko. tinawag ako nila Juyeon hyung kaya sumama na lang ako sakanila.





~~~~~

"Sunwoo parang awa mo, buhatin mo ng maayos si Jayden halos mahulog mo na siya oh!" hinampas ni Chanhee hyung si Sunwoo na mukhang ewan kasi kinakabahan ata dahil muntik na niyang mahulog si Jayden habang nagpapapicture siya dito.





"hahaha wag niyo na ipahawak si Jayden diyan baka kung ano pang mangyare" biro ko naman kaya tumawa sila, si Sunwoo naman ay tinignan lang ako ng masama.





"inaantok na siya, patulugin na natin" sabi naman ni Jacob hyung nang makitang humikab ang baby, binuhat niya ito at hinele. makikita kong gusto sakaniya ng baby dahil tumahan ito agad sa pag iyak, hindi tulad kay Sunwoo na kakahawak niya pa lang ay umiyak na agad ito. 






"uy Haknyeon, ok ka lang ba? nakausap mo ba yung babae na sinasabi mo kanina? sino nga pala yun?" lumapit saakin si Hyunjae hyung na may sunod sunod na tanong.






"si Gaeun, kababata ko na matagal ko nang hindi nakita. hindi ko siya naabutan kanina, ang bilis niyang nawala sa paningin ko" sagot ko sa tanong niya. tumango-tango naman ito.





"malay mo hindi pa ito yung tamang oras para makausap mo siya ulit. makikita at makakausap mo din siya ulit someday" sabi nito tsaka hinawakan ako sa balikat para i comfort.





tama siya. baka hindi pa ito yung tamang oras.





kailan naman kaya?







゚・:* ❈ *:・゚

⚘. YOUNG LOVE ┆JHN ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon