⚘15

7 1 0
                                    

Haknyeon's





buti na lang talaga at hindi ganon kagulo ang condo kundi mamaya pa akong natapos maglinis dito. nakakahiya naman na madatnan ni Gaeun na magulo dito.






ang awkward parin para saakin pag kasama ko si Gaeun, ewan ko ba kung bakit eh magkaibigan naman kami. pero ok na din ito kasi unti unting bumabalik yung dating bond namin. ilang araw pa lang naman nong nagkita kami ulit kaya may improvement pa itong interactions namin for sure.








nag text na si Gaeun na nasa baba na daw siya kaya naman nag ready na ako, kahit na naka pambahay lang ako dapat maayos parin ang itsura. nag elevator na ako para makababa agad. nakita ko naman siya na kausap yung lady guard na para bang ilang taon na niyang kakilala at nagtatawanan pa sila. ang friendly talaga oh.






kumaway lang ako habang naglalakad papalapit sakanila at napansin naman niya ako agad.







"Hi!" sabi nito at dali daling niyakap ako.






"ang bilis mo naman" sabi ko. nginitian naman niya ako.







"yeah, malapit lang bahay namin dito eh. by the way I bought snacks na din para hindi tayo magutom" pinakita nito ang dalawang large size na eco bag na halatang punong puno. for sure ubos yan saakin hahaha joke.







"we gotta go na ate, nice meeting you po" pagpapaalam nito sa lady guard habang kumakaway pa. binuhat ko na yung dalawang eco bag na dala niya habang naglalakad kami.








"I wonder what your unit looks like hahaha. you know what? I also want to live in a condo parang ikaw kahit saglit lang pero I don't know how" sabi nito agad pagkapasok pa lang namin ng elevator at isunukbit pa ang kamay niya sa braso ko.








"anong how? strict parin ba ang parents mo?" tanong ko dito at nagtama pa ang tingin namin.







"yeah, nothing has changed. pati nga si Tyron nahawaan na nila sa pagiging strict eh hahaha I can't feel my freedom"








"pati si Tyron?"








"yep. my parents trust him na mag look for me lalo na pag wala sila mommy siya talaga ang lagi kong kasama. tapos halos lahat ng ginagawa ko mino monitor nila. nakakainis!" napabuntong hininga ito sakto namang bumukas na ang elevator. hindi parin niya inalis ang pagkakahawak sa braso ko habang naglalakad kami at makarating sa unit ko.








"omg! ang pretty!" yan ang unang mga salitang sinabi niya pagkabukas pa lang ng pintuan. halos magtatalon nga ito sa tuwa eh hahaha ang cute.







"di naman. halatang ngang nga lalake naninirahan dito oh walang ka design design" biro ko naman. siya naman ay busy sa pagtingin sa mga gamit.








"anong tawag mo dito sa paintings sa wall pati na rin yung mga artificial plants sa may tabi ng tv, kalat? joke hahahaha" biro nito. napatingin naman ako sa mga sinabi niya. oo nga pala, meron kahit papaanong mga design din dito. di ko lang napapansin kasi halos sa school na ako tumira.








"is this your room ba?" turo nito sa kwarto ko. tumango lang ako bilang sagot dahil busy ako dito sa kusina sa paghahanda ng makakain namin.








"you still keep this picture pala. look, we're so young pa oh looks like we're just mga 7 years old dito" sabi nito habang halos timakbo pa para ipakita saakin yung picture. oo nga pala, inipit ko nga pala ito sa gilid ng salamin sa kwarto kasama yung family picture namin. grabe nakita niya pa, baka kung anong isipin niya.








゚・:* ❈ *:・゚

⚘. YOUNG LOVE ┆JHN ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon