haknyeon's
everyday na si Sunwoo at Eric ang kasabay kong pumasok dahil sa iisang condo lang naman kami nakatira, nauna nga lang si Eric today dahil nga may project pa silang kailangan tapusin. nag decide kaming tatlo na mag stay sa iisang condo dahil malayo ang bahay namin sa school at yung sa condo lang ang malapit kaya ayun.
pagkababa namin ng taxi ay napansin ko naman ang ibang kababaihan na parang pinagtitinginan kami lalo na si Sunwoo. campus heartthrob ata yan hahahaha.
hindi ko alam kung bakit parang excited akong pumasok ngayon. basta yung parang hindi tulad ng normal school days. may mangyayare bang maganda?
"see you na lang mamaya hyung" pagpapaalam nito at saktong nakasalubong niya si Nica na kaklase niya din naman.
in the mood akong ngumiti habang naglalakad papunta sa room namin. para akong tanga. hindi ko alam kung bakit ako nakangiti.
"uy Haknyeon! ganda ng ngiti ah, anong dahilan niyan?" tanong agad ni Hwanwoong na nasa tapat ng pinto ng classroom namin.
"hindi ko nga din alam, gusto ko lang ngumiti. bakit ba?" sabi ko dito. sinundan niya lang ako hanggang makarating ako sa upuan ko.
"by the way, narinig ko kanina yung mga babae nating kaklase na pinaguusapang may bago ata tayong kaklase this sem" kwento nito. napalingon naman ako agad sakaniya. ngayon lang ulit kami magkakaroon ng bagong classmate kaya kung sino man yun ay gusto ko siyang maging kaibigan. syempre dapat friendly tayo dito.
"may bagong mukha na dito sa classroom finally" biro ko naman kaya natawa kaming pareho. sakto namang nag ring yung bell kaya nag ayos na kami ng upo.
excited na akong malaman kung sino man yung bagong kaklase namin. magiging tropa ko talaga yun pag lalake siya.
"ahem. good morning class" bati ng prof namin na naglalakad papunta sa harap. bumati naman kami pabalik.
"I know you heard about the news, rinig na rinig ko ang bulungan niyo kanina hahaha" sabi nito tsaka tumingin sa direksyon namin ni Hwanwoong. narinig niya yung chikahan namin? gagi nakakahiya hahaha.
"yes, you have a new classmate. here she is" sabi nito tsaka tumingin sa labas kung nasaan ang bago naming kaklase.
she..
sayang, akala ko pa naman lalake.
nahulog pa ang ballpen ko the moment na makapasok siya kaya hindi ko agad nakita ang itsura niya. pag angat ko ng tingin ay halos ako naman ang mahulog sa upuan dahil sa gulat.
namamalik-mata lang ba ako?
totoo ba to???
"Good day classmates, I am Shin Gaeun. It was nice to meet you"
゚・:* ❈ *:・゚
BINABASA MO ANG
⚘. YOUNG LOVE ┆JHN ✔
Fanfiction"If it's just a puppy love then why do I still have this weird feelings I felt for you since we were young?" 𝐓𝐇𝐄 𝐁𝐎𝐘𝐙 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 #9 Date started: August 25, 2021 Date finished: September 12, 2021