Haknyeon's
"Haknyeon ikaw na ba yan?" nabaling ang tingin namin kay tita na kaka baba lang ng hagdan.
"opo tita. hello po!" masayang bati ko at niyakap naman niya ako.
"ang laki laki mo na at ang gwapo pa. kaya pala crush na crush ka ng anak namin eh" sabi nito pagkatapos kumalas sa yakap.
"totoo po? hahaha" nahihiyang tanong ko, nakita ko naman silang pareho na ngumiti.
"oo lalo na nong nasa Canada pa kami lagi ka niyang bukambibig" sabi ni tita. grabe hindi ko alam kung kikiligin o matatawa ako dahil nilalalaglag nila si Gaeun.
"ay hala hahaha. speaking of Gaeun nga po pala. she told me na may manliligaw siya, si Tyron po diba?" pagkatapos ko magsalita ay parang naging seryoso ang lahat.
"yes, friend niyo rin siya nong bata pa kayo diba" sabi ni tita.
"opo"
"what do you think? kapat dapat ba siya para kay Gaeun?" tanong ni tito.
"si Gaeun po ang dapat na nasusunod dito po diba? and she's complaining din na sobrang strict ni Tyron sakaniya" pilit na ngumiti na lang ako.
"pansin ko din. tsaka napag alaman ko na nag away pala yung dalawa nong isang araw. sinabi saakin ni yaya. nako sinabihan pa daw na malandi yung anak ko? ang kapal ng mukha" tumawa si tito kasabay ng pagngisi tsaka sumandal sa likod ng sofa.
"isinumbong din po saakin yun ni Gaeun nang umiiyak" sabi ko.
"nag uusap ba silang dalawa?" tanong ni tita.
"hindi po sinasagot ni Gaeun yung mga tawag ni Tyron" sagot ko naman.
"deserve hahaha joke. sorry po" biglang sumulpot yung kasambahay nila.
"yaya..." tinignan siya ni tita kaya naman pasimple na itong bumalik sa ginagawa niya. hahaha.
"napagsabihan ko na din si Tyron. actually hindi talaga ako gaanong boto sakaniya kasi alam ko na ang ugali niya, tapos ganiyan pa siya magsalita" sabi ni tito na ngayon ay nakahalukipkip at naka dekwatro pa.
"Haknyeon... isang tanong, isang sagot" biglang dumiretso ng upo si tito kaya medyo magulat ako.
"ano po yon?" tanong ko.
"gusto mo ba si Gaeun?" nabigla ako sa tinanong niya kaya naman lumaki ang mata ko.
"tito..."
"opo. simula pa noong bata kami"
"yan! pwede mo siyang ligawan kung gusto mo, wag kang ma pressure kasi kung umiyak man siya dahil sayo never mo na siyang makikita sa buong buhay mo" halata namang biro yung sinabi ni tito pero kinakabahan parin ako.
"uy! tinatakot mo naman yung bata. pero yes, we trust you Haknyeon. kung nakita namin na you treat our daughter right baka ipakasal pa namin kayo agad hahahaha" biro naman ni tita.
"sure po yan tita ha? wala nang bawian hahaha. don't worry po, hindi ko naman po mamadaliin si Gaeun" sabi ko.
"pero paano po si Tyron?" tanong ko.
"don't worry about him na, we got you" sabi naman ni tito.
"hala thank you po" sabi ko.
"no problem!"
゚・:* ❈ *:・゚
BINABASA MO ANG
⚘. YOUNG LOVE ┆JHN ✔
Fanfiction"If it's just a puppy love then why do I still have this weird feelings I felt for you since we were young?" 𝐓𝐇𝐄 𝐁𝐎𝐘𝐙 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 #9 Date started: August 25, 2021 Date finished: September 12, 2021