Iniisip ko kung paanong ang isang bagay na tinangi mo, inalagaan at minahal ng higit pa sa kung anong meron ka, ay biglang maglalaho. Walang pasabi. Walang ni kahit ano. Sa araw pa na nakatakda kaming magsumpaan ng habang buhay na pagmamahalaan. Sa araw na magkasama naming binuo, magkasamang hinintay, magkasamang pinangarap.
Pinunasan ko ang mga luhang pumatak mula sa aking mga mata. May awang tiningnan ako ng pari.
"Hija, are we still going to continue waiting?". He asked me.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. I looked at the whole church, it was also waiting for a particular person. Saksi sana ang simbahang ito ng aming pagsusumpaan.
I was once a woman who did not believe in love stories, especially fairytale ones. I know about them, I even read many of them, however, I was just too realistic, those things are fictional. Simula't sapul alam kong hindi mangyayari ang ganoong kuwento sa totoong buhay. Plus, they are just plain stupid for me. Cinderella and her missing shoe? That was completely absurd.
Tinanong ko dati kay Mama kung bakit kay Cinderella lang nagkasya ang sapatos, wala na ba siyang ibang kasize sa buong palasyo na yon?
"Anak, bakit ba ang dami mong tanong? Iyon ang gusto ng nagsulat e. Tsaka paano magiging happily ever after kung may mahahanap na iba si Prince Charming?".
That was what Mama said. Pagkatapos ng kuwento, iniwan niya na ako kasi daw kailangan ko ng matulog. Hindi niya alam na sa buong gabing iyon, iniisip ko kung ano ba ang size ng sapatos ni Cinderella at sa kanya lang talaga nagkasya.
Tapos may isa pang princess na kumagat lang ng mansanas, natulog na ng nakapatagal. Need lang pala ng kiss para gumising. O iyong palaka na naging prinsipe dahil hinalikan din.
Noong kinder ako hindi ko mamemorize yung alpabeto pag recitation, hinalikan ko yung katabi ko kasi baka mamemorize ko na after, wala naman nangyari. Pinagalitan pa ako ni Mama, kasi bakit daw ako lumalaking malaswa.
Ang fucked up lang na pinapaniwala tayo na may happily ever after. Sure ba sila na after pinakasalan ni Cinderella si Prince Charming, naging masaya talaga sila? Paano kung may nakitang ibang guy si Cinderella? Hindi prinsipe, baka iyong kapitbahay nila dati na matagal na siyang tinitingnan at inaabangan pero hindi lang pansin ni Cinderella kasi busy siya sa utos ng step mother at step sisters niya. Ang masaklap, hindi man lang nasali iyong kapitbahay sa story ni Cinderella.
PERO PUTANGINA LANG.
Everything changed when I met him.
Lahat ng paniniwala ko at mga naiimagine kong scenarios na, oo masakit, pero alam kong posible ay tinapon ko lahat sa basurahan, doon pa sa nabubulok kasi akala ko forever na siyang mababaon sa lupa.
PUTANGINA TALAGA.
Timothy James Laroza Silverio. That was his name. If you'll look at my notebooks when I was in college, especially sa back part, iyan lang ang makikita, syempre pati pangalan ko kasi lagi kong ginagawa iyong FLAMES at LOVERS. Siya talaga iyong laman ng puso at utak ko bawat paggising ko sa umaga at pagtulog sa gabi. In short, crush ko siya.
Ang tindi lang, kasi siya iyong first crush ko. Iyong hinalikan ko noong kinder hindi ko naman crush yon. Wala din akong nagustuhan noong elementary at high school. Ang aasim pa kasi ng mga classmates ko noon.
Pero yon, first year college when I first saw him in the canteen. Freshman kami pareho but he belongs to a different course and section. Kasama niya noon iyong mga ungas na akala mo gwapo pero mukha namang ewan. Siya lang iyong may hitsura sa group niya kaya siya lang din ang tiningnan ko buong break time.
BINABASA MO ANG
Stuck on the Puzzle
عاطفيةWhen Dolores was ditched by her supposed husband, she was left with lots of questions in mind. She knew that she needed to find him, she needed to seek the answers or she'd go insane. In search for Timothy, her runaway groom, she ended up in an unfa...