Ilang minuto pa kaming nagkatinginan bago ako nagkalakas ng loob na sabihin ang nais ko sa kanya.
"Kailangan kita". Napapikit ako ng mata nang sabihin ko iyon. Tangina rekta na agad, wala ng palabok pa.
I want him to know that I am desperate for his help. But he just looked at me like I've grown two heads. Kumunot ang noo niya at wala siyang kangiti ngiti.
Kinakahaban ako at nafefeel ko talaga iyong kawalang hiyaan ko. Who the fuck is in their right minds to trespass a mansion and tell the owner that you need him?
But I really do need him. I know he can make everything work and I want to try this chance. Kung totoong mabait siya gaya ng sinasabi ni Ruis, he will help me find my fiance.
Lumapit pa ako sa kanya. Nakatingin lang siya sa akin. He didn't even flinch when I got close to him. Pero ang taas nga ng tao na 'to. Hanggang balikat niya lang ako kaya kailangan ko pang tumingala ng kaunti sa kanya. Pero ayos lang, kahit tumingala pa ako hanggang mamaya, nag-eenjoy naman ako, ang gwapo niya kasi, mas sa malapitan.
Napailing ako sa mga iniisip ko. Hindi kalandian ang pinunta ko dito, hahanapin ko ang run away groom ko sa Isadora, iyon dapat ang pagtuunan ko ng pansin.
"Anong kailangan mo sa akin? Bakit ka nandito sa pamamahay ko?". Tanong niya makaraan ang ilang minutong pagtitig. Wala pa ring emosyon sa mukha. Taong bato naman yata 'to.
Napaayos ako ng tayo. Heto na, chance ko na 'to. Mahahanap ko na si Timothy gamit ang impluwensya ng Senyor.
"Ah eh pasensya ka na kung pumasok ako ng walang paalam, pero Senyor, kailangan ko lang talaga ang tulong mo". Nagpanggap pa akong nahihiya. Pinagdikit ko pa ang hintuturo ko.
"Hindi mo ba alam na maaari kitang ipadampot sa pulis sa ginawa mo?". Masungit niyang sabi. Muntik ng umikot ang mata ko. Napakasungit. Wala naman akong kinuha sa mansyon niya.
Kung hindi ko lang talaga kailangan ng tulong. Tsk.
"Alam ko naman iyon pero pakinggan mo muna ako. May hinahanap kasi ako Senyor Isaac dito sa Isadora". Panimula ko. Hindi siya kumibo kaya nagpatuloy ako.
"Nagbabaka sakali sana akong matulungan mo ako na mahanap siya". Napatingin ako sa sahig at pinalungkot ang boses. I need his empathy. Maawa ka sa akin Senyor. Ilang minuto akong nakatungo, nag-aabang ng sagot niya.
"Wala akong oras sa ganyang bagay". He answered with no emotion on his voice pagkatapos ay kaagad na tumalikod.
Pagka-angat ko ng ulo ay ang naglalakad niya na lang na likod ang nakita ko. Napanganga ako sa inasal niya. Nang makabawi ako ay nagmamadali akong humabol sa kanya.
"Sandali". Pigil ko. Hinarangan ko siya.
"Senyor, maawa ka naman sa akin. Wala akong kakilala dito. I'm from the Metro. Diba nga ikaw ang isa sa mga nakakita sa akin? Have you seen how I looked yesterday? I was like a beggar". Napasinghot ako nang maalala ang mga nangyari.
"I was just looking for my husband here. Someone told me that he is here. You see, he ditched me on our wedding, but I can't just let that go. I have questions and I need answers. That's why I came here in your place.". Tuloy tuloy kong sabi. Halos di na ako huminga.
Kailangan niyang malaman ang kwento ko kung paano ako napunta sa lugar na 'to. I am sure anyone would feel pity if they heard my story.
Nagmamakaawa akong tumingin sa kanya but he remained stoic.
"Tulungan mo ako Senyor". Sumamo ko pa.
Hindi siya nagsalita. Nilagpasan niya lang ako at nagtuloy sa hagdan. Nagmamadali siyang umakyat. Nagtagis ang panga ko sa ginawa niya. Napakawala niyang kwenta pala. Hindi man lamang siya naawa sa akin? Hindi niya ako tutulungan?

BINABASA MO ANG
Stuck on the Puzzle
RomanceWhen Dolores was ditched by her supposed husband, she was left with lots of questions in mind. She knew that she needed to find him, she needed to seek the answers or she'd go insane. In search for Timothy, her runaway groom, she ended up in an unfa...