Chapter Five

3 0 0
                                        

Napahawak ako sa sentido ko nang maramdaman ang sakit ng ulo. Bwaka ng ina, bawat paggising ko may masakit sa akin. Kung ganito lang lagi, ayoko ng gumising pa.

Speaking of gising? Saan ako nagising?

Pinagmasdan ko ang paligid ko at nasa isang hindi pamilya na kwarto ako. I was greeted by posters of boy bands in the wall pati na rin ang mga nakasabit na pinintang bulaklak.

Pagkaupo ko sa kama ay naamoy ko kaagad ang mabangong amoy ng bagong lutong ulam.

Hindi ko alam kung nasaan ako, which is hindi na bago. Hindi na nga ako natakot. Feel ko everytime na gigising ako, napupunta ako sa ibang dimensyon. I won't fucking find it weird if one day I'll wake up in Sahara Desert or in the middle of Antarctica with the penguins and all.

"Gising ka na pala". Napatingin ako sa pinto. Nandoon si Nanay Maring, iyong nagpainom sa akin kagabi at ang ina ni Totoy.

Natatandaan ko pa naman ang ginawa ko kagabi. I lost myself and I drowned myself in alcohol. Hindi lang lambanog ang tinungga ko, may iba pang alak doon na makikita din sa Manila. Halo halo na kaya tangina, nawala talaga ako sa sarili. Naiyak pa ako habang nakanta. Hindi ko alam kung mahihiya ako o ano. I wanted the people here to pity me because I need help in finding my asshole of a boyfriend pero sumobra yata doon sa aspetong napaupo pa ako sa lupa habang ngumangawa.

I don't know what to feel but can people blame me for doing that stupid scene? If someone will be in my place, marahil iyon din ang mangyayari lalo na kung lasing pa.

"Kumain ka na hija, naghanda ako ng almusal natin". Tumango lang ako. Suot suot ko pa rin ang daster kagabi. Mabuti ay hindi ako nagsuka. Edi ang asim ko ngayon. Ano yon? Isang araw mabantot tapos isang araw maasim naman?

"Lor!". Muntik na akong mapatalon nang nasigaw si Ruis. Nasa hapag siya at naghahanda ng mga plato.

"Bakit ba nasigaw Totoy?". Tanong ko habang tatawa tawa.

Tumulong ako sa paghahanda ng pagkain sa mesa kahit ayaw ni Ruis at ni Nanay. Pinilit ko talaga. Nakipagsikuhan pa ako kay Ruis. Bakit ba parang naging ewan ito? Dahil ba sa nangyari kagabi? Sa nasaksihan nila?

They were probably thinking right now that I am not so okay, which is totoo naman. Hindi ko idedeny, but I am thankful that there are people like Ruis' family who accept strangers however fucked up they are. Hindi rin sila nagtatanong, bilang respeto na rin siguro.

"Nasaan po ang asawa niyo Nay?".

"Naku, maagang umaalis si Selmo tuwing umaga. Nasa sakahan iyon, pero nagbaon naman ng almusal. Hala sige kumain na tayo".

Naupo ako at halos maglaway ako sa nakahandang tuyo, itlog na maalat at longganisa sa hapag. Bihira kaming nakakain ng ganito sa Metro dahil wala naman kaming oras na magluto. Most of the time, me and Tim are so busy that when we get home, we'll just order fast food.

"Hindi ba sumakit ang ulo mo Lor? May mga halamang gamot sa likod, ipangkukuha kita kung gusto mo".

Umiling ako habang kinukumpas kumpas ang kamay. "Huwag na Toy, gutom nga natiis ko ng ilang araw, sakit pa kaya ng ulo. Hangover lang to, malayo sa isaw".

Bumaling ako kay Nanay Maring. "May maitutulong po ba ako sa inyo dito sa bahay?". Magalang kong tanong.

"Huwag na---". May sasabihin pa sana si Ruis pero pinasakan ko siya ng itlog na maalat sa bunganga. Wala sa sariling kinain niya iyon.

Natawa ng mahina si Nay Maring. "Bisita ka dito Lor, kahit huwag na". Habang kumakain ay nakita kong tumango tango si Ruis. Hirap na hirap siyang lunukin ang pagkain niya. Muntik na akong matawa. Cute ang totoy.

Stuck on the PuzzleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon