Chapter Four

5 1 0
                                        

Halos magkandaduling-duling ako sa mga nakikita kong pagkain sa hapag. Para akong napunta sa langit pagkatapos ng matinding kalbaryo.

"Heto hija, kanin, dadagdagan ko at hindi naman tayo mauubusan". Pinansandok ako ng mainit na kanin ng Nanay ni Ruis na si Nay Maring.

Nakilala ko kanina ang pamilya ni Ruis atsaka ang ibang kasama nila dito sa piging. Nahihiya nga ako kasi mukha akong pulubi na pinulot kung saan ni Ruis. Pero ipinaliwanag naman niya ang nangyari kanina. I also cleared up that I am not a beggar pero hindi ko na kinuwento ang tunay na dahilan kung bakit ako nandito, maging kay Ruis pa. They knew me as a dayo.

The news about me suddenly showing up in the Hacienda seemed to be a headline, pero hindi ko na muna papansinin kung ano man ang mga kuro kuro nila. I need to fucking eat and if I won't be able to do that right now, baka hindi ko na mahanap pa ang fiance ko na nawalan yata ng bayag, amputa.

Bago ako inayang kumain ay pinagpaligo ako ni Nay Maring at binigyan ng preskong damit na daster. Sa anak niya daw iyon na dalaga na nasa Maynila. Puro pasalamat naman ang sinasabi ko sa kanya. She looks like a typical mother, mapag-alaga at mapag-asikaso. It makes me miss my mother terribly.

Napaisip nga ako kanina kung kumusta na kaya ang mga naiwan ko, si Lex, at ang pamilya ko.

Pero sa ngayon, pagkain muna ang aatupagin ko, I really need to eat and regain my lost energy para mahanap ko ulit ang gagong Timothy na yon. I am fckin sure he's here at kung hindi man niya ako narinig kanina sisiguraduhin kong sa susunod na pagkikita namin kasinglakas na ng megaphone ang boses ko. Tangina niya.

Hindi na ako nahiyang kumuha ng ulam habang kanya kanya din ang kain ng lahat. Ayon sa pagkakarinig ko kanina, this type of gathering is seasonal here in the Hacienda. Kapag daw maganda ang ani at walang naging peste sa hayop man o sa pananim, lagi silang naghahanda at nagsasalo salo.

Isa sa mga tagaluto ang Nanay ni Ruis at masasabi kong magaling nga siya, o baka naman gutom lang ako kaya lahat masarap? Whatever it is, I am enjoying what I'm having right now.

Nang medyo mabusog na ako ay kumuha ako ng saging na lakatan na nakahain sa harapan ko. Pinagkuha ko rin si Ruis na busy sa pagkain. Mukhang mas gutom pa sa akin si totoy.

"Ruis, sino ba iyong cowboy na iyon?". Tinuro ko gamit ang nguso ko ang lalaking kanina pa patingin tingin sa amin. Kung nakakamatay ang tingin nasa ilalim na ako ng lupa ngayon.

Napatingin si Ruis sa tinuro ko. "Ahh si Senyor Isaac, ang may-ari ng Hacienda. Isa siya sa mga nakakita sayo kanina sa daan nang mahimatay ka Miss". Sagot niya habang paunti-unting ngumunguya.

Ako naman halos mabilaukan sa kinakain na saging. Siya ang may-ari ng malaking lupain na nadaanan namin kanina ni Ruis? Siya ang may-ari ng Hacienda Hidalgo? Aba'y matinde. Kaya naman pala cowboy ang awrahan ni Kuya. Tsaka, isa din pala siya sa mga nagligtas sa akin at nagdala dito kanina. Kapag may pagkakataon ay magpapasalamat ako sa kanya at sa Tatay na din ni Ruis.

"Okay ka lang Miss?". Natatarantang tanong ni Ruis. Kaagad niya akong binigyan ng tubig. Patango tango naman ako habang nainom.

"So mayaman siya?". Tanong ko pagkatapos.

"Sa totoo lang, hindi naman namin randam na mayaman siya kasi nakikibagay siya sa amin dito sa Hacienda Miss. Para rin siyang kasapi naming mga magsasaka. Oo, mayaman siya pero hindi mayabang".

I rolled my eyes. "Dami mo namang sagot Ruis, oo hindi lang dapat yon".

Natawa naman ang totoy. Sinalubong ako ng dimples niyang malalim. Gwapo itong si Ruis. He will be a heartthrob in the Metro for sure.

Stuck on the PuzzleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon