Chapter Two

4 1 1
                                    

Kung may pakialam lang ako baka nahiya na ako sa mga tingin ng pasahero sa bus na sinasakyan ko pero wala naman akong pakialam kaya bahala silang mag-isip ng scenario sa mga utak nila. Siguro iniisip nila tumakas ako sa mental o kaya ay iniwan ng jowa sa altar kaya hanggang ngayon naka-wedding dress pa ako at may magulong makeup. Tama sila doon sa pangalawang iniisip nila kasi ganoon na ganoon ang nangyari sa akin.

At ngayon, hahanapin ko si Tim kahit saan man na lupalop siya naroon. Ang problema lang, nang makaupo na ako sa bus ay napaisip ako kung anong klaseng lugar ang madadatnan ko. Hindi ko nga alam kung dadatnan ko iyong Barrio Isadora kasi hindi ko naman alam kung nasaan iyon.

Itatanong ko na lang. Bahala na, shuta.

"Miss pwede pausog?".

Napatingin ako kay manong na may dala dalang kung ano, bago ako umusog sa bandang may bintana. Nang makaupo siya, napansin kong sanggol pala iyong dala dala niya.

Hindi na ako nag-abala na tingnan pa sila ulit, kasi nararamdaman ko na naman ang sakit. Dapat sana ngayon ay nasa honeymoon na kami. Suot ko na sana yung lingerie na inorder ko pa sa Lazada. Pang finals night na sana ang performance ko ngayon sa asawa ko, pero wala. Walang finals night at wala ding asawa. Ang saklap lang.

Isinandal ko ang ulo ko sa bintana habang pinagmamasdan iyong mga pasahero na pasakay na sa bus. Gabing-gabi na nga madami pa ring tao. Ilan kaya sa mga kasama ko ngayon dito ang nakakaramdam din ng sakit na kagaya ng akin? Sino kaya sa kanila iyong naghahanap din ng jowa sa ibang lugar? Ilan ba sa amin dito iyong hindi na virgin? O iyong virgin pa pero gusto na magkaroon ng sexlife?

Nagsimula ng umandar iyong bus. Iyong utak ko nagsimula na namang maglakbay sa panahong magboyfriend pa kami ni Timothy. Nasusuka kasi iyon kapag nasa bus o jeep, ewan ko ba, parang may allergy sa pampublikong sasakyan. Kaya iyon, lagi akong may dalang maxx na candy at plastic bag para kapag nasuka siya hindi siya magkalat. Tapos ang gagawin ko, yayakapin ko siya at ilalagay niya iyong ulo niya sa leeg ko at doon siya makakatulog.

Naiyak na naman ako, putang ina lang.

Ang saya saya kasi namin noon kahit na alam kong hilong-hilo na siya. Pagtatawanan ko pa siya kasi ang weakshit niya, eh ako kahit magbus papunta sa Pluto, hindi ako tatablan ng hilo.

Putang Ina ka Timothy. Putang Ina talaga.

Kung ganitong sakit lang pala ang ipaparanas niya, sana hindi niya na ako pinasaya noon. Ngayon kasi kahit na sobrang galit at sakit ng nararamdaman ko, hindi ko maiwasang sariwain ang lahat ng masasayang pinagsamahan namin.

Ilang taon kaming magkasama, anim na taon. Sa anim na taon na iyon, lahat ng bagay na ginagawa ko, involved siya. Bumuo kami ng mundo na kami lang dalawa. Ako at siya. Siya tapos ako. Walang Lor kung walang Timothy. Walang Timothy kung walang Lor. Ngayon feeling ko, ako na lang. Si Lor na lang.

Ang mahirap pa, umalis siya, nang-iwan ng wala man lang pasabi. Para akong pinaglalaruan, parang pinaikot-ikot ganon.

Di pa ba siya ready? Okay lang naman sa akin na maghintay ng ilan pang araw, linggo, buwan o taon.

May iba na ba? Ito iyong hindi okay. Kung heto man ang rason niya, bwaka ng ina, guguluhin ko talaga buhay niya.

There's lots of possible reasons kung bakit hindi siya tumuloy sa kasal. Kaya ako bibiyahe papunta sa Barrio na iyon ngayon para malaman ko kung alin ba talaga. Tapos babayagan ko din siya kasi pakyu siyang animal siya.

"Miss okay ka lang ba? Nasasaktan na kasi yung braso ko. Kanina mo pa pinipisil e".

Bumalik ako sa realidad nang magsalita si Manong na may baby. Napatingin ako sa kamay ko na pisil pisil iyong braso niya. Nakasimangot na siya.

Stuck on the PuzzleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon