"Wow Ruis, ang ganda nga dito". Namamanghang sabi ko habang nakatingin sa malinis na ilog. Walang halong basura at marahan itong umaagos.
"Sabi ko sa'yo e". Proud na sagot niya. We were both admiring the sight in front of us.
Nasa gitna ng ng kakahuyan ang ilog na pinuntahan namin. Nanakit nga ang paa ko sa kakalakad. Para kaming nag trekking nitong si Ruis.
Pero sulit naman dahil sa ganda ng lugar. It's one of those hidden gems in provinces. Iyong hindi pinupuntahan ng mga turista at tanging lokal lang ang nakakaalam. I think it's good that it's preserved like this, hindi rin kasi maganda minsan ang epekto ng turismo sa kalikasan. Maraming tao ang iresponsable, iyong mga walang pakielam, basta ba'y makapag sightseeing lang.
I dipped my feet in the calm water. Parang natanggal ang pagod ko nang maramdaman ang lamig ng tubig.
"Gusto mo bang maligo?". Aya ni Ruis.
Gustuhin ko man, wala naman akong dalang pamalit. Tsaka hahanapin pa namin si Timothy. Napakadiyahe naman kung basa kaming magpalakad lakad sa daan.
"Huwag na muna Ruis. Diba maglalakad pa tayo, maghahanap?".
Mukhang narealize ni Ruis ang sinasabi ko. Pero may kaunting lungkot sa mata niya. Napakamatampuhin, palibhasa ay bata.
"Sa susunod na lang na punta natin". I assured him.
"Talaga? Pangako ba iyan? Masarap kasing maligo dito. Magpapaluto tayo kay Nanay at dadalhin natin. Sigurado ay masaya iyon". Hindi matago ang sabik sa mata ng totoy.
"Hindi ka ba napunta dito? Parang mas excited ka pa sa akin na dayo lang dito at first time pa".
Nagkamot ito ng ulo. "Napunta naman pero hindi madalas. Ang huli ay nang umuwi si Ate galing Maynila. Nag-aya siya dito, kasama pa namin ang Senyor".
Parang may radar ang tenga ko nang marinig ko ang salitang Senyor.
"Talaga? Pumupunta dito ang Senyor niyo?".
"Oo, pero hindi rin madalas".
"Naliligo siya?". Tanong ko.
Tumango si Ruis. Pumasok sa isipan ko ang imahe ng Senyor, nakahubad ang damit pang itaas. I imagined his abs, ilang palapag iyon, siguro ay tatlo. Nakapantalon kaya siyang lulusob sa ilog? Ah hindi, sigurado ay maghuhubad din iyon. So may chance na may bumakat?
"Lor!".
Napatingin ako kay Ruis na kanina pa pala ako tinatawag.
Ano ba yan, napakalaswa ng nasa isip ko. Bakit ba pinagnanasaan ko ang Senyor na bato?
Sabagay, gwapo nga kasi. Parang noong kolehiyo, may naging crush ako kahit kami na ni Timothy. Nainis siya ng malaman niya iyon, bakit daw may ganun pa ako e may jowa na nga. Ang sabi ko admiration lang naman. Hindi naman si Timothy ang pinakagwapo sa lahat ng Adan sa mundo, syempre may lalamang sa kanya at mapapansin iyon ng kahit sino mang babae. Hindi naman dahil crush ko iyong tao ay jojowain ko na. Parang naggwapuhan lang talaga ganon.
Ganon siguro ang Senyor. Crush ko siguro siya kasi gwapo siya kahit na taong bato. Tsaka bibihira lang akong makakita ng cowboy ang datingan. Pero turn off iyong ayaw niya akong tulungan, tangina niya. Mahirap ba ang hinihingi ko? E mayaman naman siya, walang mahirap sa taong iyon.
"Malaki ba?". I unconsciously asked.
"Ha? Ang alin?". Takang tanong ni Ruis. Napalinga linga pa siya sa paligid.
"Iyong bato ng Senyor".
"Bato? Senyor? Anong tinutukoy mo Lor?".
Nangunot ang noo niya. Ako naman ay nagising. Ano ba itong pinagtatanong ko. Inosente ang totoy, baka mahawa pa ng kamunduhan. Tsaka bata pa ito, hindi niya magegets for sure.
BINABASA MO ANG
Stuck on the Puzzle
RomansaWhen Dolores was ditched by her supposed husband, she was left with lots of questions in mind. She knew that she needed to find him, she needed to seek the answers or she'd go insane. In search for Timothy, her runaway groom, she ended up in an unfa...