"Iyan si Mathias?". Takang tanong ko nang makita ang kabayo sa harapan namin.
Tumango lang ang Senyor. Pinagmasdan ko ang kabayo habang paikot-ikot dito. Sinubukan kong haplusin ang ulo nito at parang natunaw ang puso ko nang gumalaw galaw ito na parang nagugustuhan ang paghawak ko sa kanya.
Nakakita at nakasakay naman na ako ng kabayo pero iba itong si Mathias, feel ko kung tao siya, katulad siya ng amo niyang gwapo. Napahagikgik ako sa naisip.
"Heartthrob siguro itong si Mathias sa lahat ng kabayo sa Hacienda". Hindi ko maiwasang sabihin.
Senyor looked at me like I am some kind of an alien. Umiling-iling pa siya pagkatapos.
"Sumakay ka na". Utos niya.
Bigla akong nataranta. Putangina, sasakay nga kami kay Mathias.
'Tanga lang Dolores? Malamang'. Gusto kong kutusan ang sarili ko sa katangahan.
"Ah eh d-dito ba? Kay Mathias?".
Hindi siya sumagot. I bet he's just calming his nerves.
"P-paano ba sumakay? I mean saan ba-Ayyy putangina!".
Nagulat ako nang bigla niya akong hawakan sa bewang at walang kahirap hirap na isinakay sa kabayo. Parang nahulog ang puso at lahat ng internal organs ko sa kinakatayuan ko kanina.
"Tangina bakit mo ginawa iyon?". Hindi ko maiwasang hindi siya mamura.
"Napakabagal mong kumilos". Sabi niya habang inaayos ang cowboy hat niya. Napairap na lang ako sa hangin.
Iniisip ko kasi kanina na magdidikit sigurado ang mga katawan namin. E crush ko 'tong gunggong na 'to? Paano naman iyon? Paano naman ang tumitibok kong puso at pe---.
Hindi natapos ang pag-iisip ko nang maramdaman kong sumakay na rin siya. I am sitting sideways and he's at my back. I felt my cheeks warmed when I felt his hot body. Napaantanda ako ng panalangin lalo na at mas lalo siyang lumapit sa akin na parang binabalanse ang katawan sa ibabaw ni Mathias.
"Lord Jesus Christ don't let me sin". Bulong ko habang nakapikit.
Ramdam na ramdam ko ang hininga niya sa aking pisngi. Mainit iyon at mabango. Hindi siya bad breath, putangina, jojowain.
"Buhok mo". He said suddenly.
Napaharap naman ako sa kanya pero nagulat ako nang maglapit ang mga mukha namin pagkaharap ko. I had a very close look at his face. Kulang ang salitang gwapo sa hitsura ng Senyor lalo na sa malapitan. May mumunting balbas na tumutubo sa taas ng kanyang labi pero mas lalong nakakaragdag iyon sa kanyang kakisigan.
Parang ilang minuto kaming nagkatinginan, walang kurapan. Hindi ko alam bakit nagagawa 'kong hindi kumurap ngayon pero sa christmas party ay hindi. Lagi tuloy akong talo sa hindi pakurapan.
"Buhok mo, itali mo". Ulit niya.
Nabalik ako sa reyalidad at paulit-ulit na kumurap. He wants me to tie my hair. Tangina may papasubo ba siya? Masusubukan yata ang flexibility ko dito, tapos habang nakasakay pa sa kabayo. Pero exciting iyon, it's something new. Never ko pang nakita sa porn. Kung sakali, kami ang una.
"Susubo ko na?". Wala sa sariling tanong ko.
His eyebrows furrowed. "What?".
"Ah eh, hindi ko narinig. Ano ngang sabi mo?". Pagsisinungaling ko. Amputa sinong niloko ko e ang lapit lapit lang namin imposibleng hindi ko marinig.
"Sabi ko itali mo ang buhok mo. Mahangin mamaya sa dadaanan, ayokong pahangin hangin 'yan baka maaksidente tayo".
I felt disappointed. Inirapan ko siya tsaka itinali ang buhok ko. Sayang tangina, hotdog na naging bato pa.

BINABASA MO ANG
Stuck on the Puzzle
Любовные романыWhen Dolores was ditched by her supposed husband, she was left with lots of questions in mind. She knew that she needed to find him, she needed to seek the answers or she'd go insane. In search for Timothy, her runaway groom, she ended up in an unfa...