Chapter Eight

4 0 0
                                    

Inihatid ako ni Ruis sa palengke kung saan ako magtatrabaho. Excited na excited ako because this is the first time that I will work in such environment. Pero hindi naman ako bago sa pagtitinda dahil ang trabaho ko nang nasa Metro pa ako ay sa real estate. Nagsimula ako bilang agent lang hanggang sa mapromote. Iyon nga lang ang pinagbibili sa trabaho ko ay bahay at lupa, dito ay gulay.

"Okay lang ba talaga na magtrabaho ka dito?". Narindi ako sa tanong ni Totoy.

Piningutan ko siya. Mula nang malaman niyang magtatrabaho ako ay hindi na siya tumigil sa kakatanong kung ayos lang ba daw sa akin. Wala namang problema talaga, ewan ko at bakit ang ligalig ng batang 'to.

"Mabuti pa ay maiwan mo na ako. May pinapagawa pa yata si Tay Selmo sayo sa taniman ng mais". Pagtataboy ko sa kanya.

Ipinatalikod ko siya at tinulak ng marahan. Nagpagbigat pa ang Totoy. Natatawa naman ako sa kakulitan niya.

"Balik ka na sa Hacienda Ruis. Sige, magdadala ako ng pasalubong mamaya". May natira pa akong pera galing sa hiniram ko kay Nay Maring, ibibili ko ng binatog si Ruis kasi paborito niya daw iyon.

Humarap siya sa akin at pumadyak ng padabog. Nagulat naman ako sa inasta niya.

"Para naman akong bata sa 'yo e. Ayoko ng pasalubong". Nakanguso niyang sabi.

"Hala, hindi ka bata pero ganyan ka umasta?". Natatawa kong tanong.

Nakakatuwa itong si Ruis, may gatas pa sa labi. Inirapan niya pa ako kaya mas lalo akong natawa.

"Sigurado kang ayaw mo ng pasalubong? Binatog iyon. O baka naman may gusto kang iba?". Humawak ako sa braso niya at sinilip kung anong reaksyon niya.

Napalunok siya. Aha! Binatog talaga ang kahinaan ng batang ito. Napangiti ako.

Tumingin siya sa kamay kong nakaangkla sa braso niya pagkatapos ay sa akin. Biglang nag seryoso ang mukha ni Ruis, hindi ko alam kung natutuwa ba siya o naiinis.

"Basta umuwi ka lang ng ligtas". Sabi niya sa mababang tono.

Napakunot ang noo ko noong una pero napangiti na din ako ng tuluyan.

"Oo naman Ruis. Hintayin mo ko ha". Humiwalay na ako sa kanya. Baka malate pa ako sa unang araw ng trabaho. I woke up so early for this.

Tumakbo ako sa entrada ng palengke at nilingon si Ruis na nandoon pa rin sa pwesto niya. Kinawayan ko siya. Maaliwalas na ang mukha niya, kumaway din siya sa akin.

"Dolores hija, pakihintay na lang rito iyong magdedeliver ng mga gulay ha? Pakilista kung ilang basket ang darating". Habilin ni Aling Martha sa akin. Tatango tango naman ako.

Merong puwesto dito sa palengke si Aling Martha kung saan nagtitinda siya ng iba't-ibang mga gulay. Taga Isadora siya pero sa labas ng Hacienda kaya hindi rin ako nag atubiling magtanong sa kanya kung kilala niya ba si Timothy. And just like before, bigo akong makakuha ng impormasyon.

Unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa. I don't know if I still have the chance to know Timothy's whereabouts. I just sighed as I watched a delivery truck slowly approaching me and Aling Martha's area.

Laman ng delivery truck ang iba't-ibang gulay. Hindi magkamayaw ang mga nagtitinda dito sa palengke. May mga nakikita pa akong kalalakihan na may pasan pasang buong kinatay na baboy. Kanina'y parang naculture shock pa ako pero kailangan 'kong masanay. I have to get out of my comfort zone, kung hindi, I won't survive in this place at all.

Unang bumaba ang driver, medyo pamilyar ang mukha niya sa akin, marahil nakita ko sa piging noong isang araw sa Hacienda. Ang sabi kasi sa akin ni Aling Martha kanina ay nanggagaling daw mostly ang mga tindang gulay mula sa Hidalgo.

Stuck on the PuzzleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon