Chapter Nine

2 0 0
                                    

Wala akong pasok ngayon sa palengke dahil nagkasakit ang anak na bunso ni Aling Martha at wala daw magbabantay dito. Binabalak pa yatang dalhin sa hospital ang bata dahil kinukumbusyon daw ito, ang sabi kanina ni Nay Maring ay baka hindi na muna magtinda ang amo ko ng ilang araw.

Nalungkot naman ako sa balitang iyon. Ang sabi ko kanina kay Aling Martha ay ako na muna sanang bahala sa puwesto pero ang sabi niya ay magpahinga na muna daw ako dahil ilang linggo na rin akong nagtitinda sa kanya. Ayos lang naman daw ang ilang araw na hindi pagtitinda.

Sa ngayon tambay muna ako sa bahay at tinutulungang magluto si Nay Maring, mamaya ay sasamahan ko siya sa mansyon ng mga Hidalgo dahil doon naman siya maghahanda ng pagkain.

"Nay dahil tayo tayo lang naman dito ay ituloy niyo na ang kuwento tungkol sa Senyor".

Hindi ko mapigilan na hindi alamin, ang sabi ko dati ay hindi na mahalaga pero ewan 'ko ba at naging kuryoso ako ulit. Gaya ng nakaraan ay sa palengke 'ko pa rin nakikita ang Senyor habang nagdedeliver ito ng gulay. Minsan naman kapag pag-uwi ay nadadaanan 'ko siya sa mga palayan, tinutulungan din nito ang mga manggagawa sa pag-aani pero hindi 'ko naman siya kinakausap at nilalapitan man lang.

I know that he's allergic to me, tinataboy nga ako ng gago, akala mo naman gwapo. Pero joke lang, gwapo siyang talaga. Dumadagdag sa kagwapuhan niya iyong katawan niyang mukhang masarap kaniig sa gabi. Hay nako, ano ba 'tong naiisip 'ko, lumaki nga yata talaga akong malaswa.

"Hindi mo pa ba nakakalimutan iyon?". Tanong niya habang pangiti-ngiti na nagbabalat ng patatas.

"Nay wala naman tayong ibang pwedeng pag-usapan, kaya iyon na lang".

"Hmm, saan na ba ako natigil sa pagkukuwento Lor?".

Inalala ko muna ang pinag-usapan namin dati kasama sina Ate Jolina at Nay Sioning.

"Ahh! Doon sa may biglang dumating Nay Maring, sino po ba iyon? Delivery po ba sa shoppee?".

Kumunot ang noo ni Nanay na waring hindi magets ang sinasabi ko. Itinawa ko na lang para hindi niya na isipin pa.

"Si Amara". Napatigil ako sa paghiwa. "Sino iyon Nay?".

"Siya ang asawa ng Senyor".

Nanlaki ang mata ko sa natuklasan. Shuta? May asawa na pala iyon? Ibinaba ko ang kutsilyo at napaupo sa silya na malapit. Hindi ko na tutulungan si Nanay, makikinig na lang ako sa kwento niya. This is a fucking interesting story and I wouldn't miss it for the world.

"Asawa? As in wife? Spouse? Kajerjeran?".

Hindi ko alam kung nagets ni Nanay yung last pero tumango na lang siya.

"Hala e nasaan si Amara? Parang di ko naman nakikita dito sa Hacienda".

"Wala si Amara sa Hacienda hija, umalis na siya, taon na ang nakalipas".

"Ahh so naghiwalay na pala sila". Tatango tango pa ako.

I don't know but I felt relieved knowing he's not with his wife anymore. Ang weird kasi hindi naman dapat ganoon, nawalan ng asawa ang Senyor, parang ako, pero hindi ko pa naman asawa si Timothy, but I perfectly know how painful it is to not end up together with someone you truly loved.

"Alam mo hija, minahal ng Senyor si Amara. Kahit na dayo siya dito at mukhang naligaw lang, pinakitunguhan niya ito ng maayos hanggang sa mabuo ang pagmamahalan nilang dalawa"

"Tatlong buwan lamang pagkatapos ng pagkakakilala nila, inalok niya ng kasal si Amara. Dito, dito sa Hacienda kinasal ang dalawa. Napakasaya namin noon dahil alam namin na liligaya na ang Senyor".

Stuck on the PuzzleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon