Chapter 5:I can't understand

39 1 0
                                    

Joyce Pov's

Nakakairita! Nakakairita talaga yung mga babaeng yun akala mo kung sinong mga ubod ng ganda kung makapagsabing hindi daw ako magugustuhan ni Adrian, eh sila nga mga desperadang desperada na, eh mukang ayaw naman ni Adrian sakanila.

Badtrip! Bakit ba kasi nagkakaganto ako!

Nakakainis,Nakakairita, Ewan. Nito kasing mga nakakaraang araw naiirita ko pag may nakikita kong kasamang ibang babae si Adrian. Tss.

Ang gulo talaga tas pag naman kasama ko sya parang may kung anong insects ang nagkakagulo sa tiyan ko... Kainis!

Handa na sana akong matulog ng biglang tumunog yung phone ko...

[When your legs don't work like they used to before]

>Hi Joysi, Good evening

Ha! Si Adrian. Himala ata at nagtext ito ha. Siguro may kaylangan. Hmp!

>Hello. Good eve

Reply ko naman sakanya at agad agad din syang nagreply

>Joysi/Bhest, matulog kana wah! muka kasing napagod ka kanina!:))

Tss. Bakit mukang naging sweet yata itong Bestfriend ko.

>ok po:) Good Night Adrian, Ikaw din matulog kana=)

Reply ko naman sakanya. Nakakainis bumilis nanaman ung tibok ng puso ko!

>Ok po. Good Night Joysi.. I Love You:*

Tss. Bakit ba ang sweet-sweet nya ngayon! Pero pag naman personal parang hindi kami mag bestfriend dahil nagkakailangan.

Hindi ko na sya nireplyan at natulog nalang ako.

Then the next day nagising ako ngayong umaga ng medyo madilim dilim pa. Nagpunta agad ako sa C.R at naligo na, after kong gumayak bumaba na agad ako para makakain.

Bago pa man ako makaalis ng bahay tumunog ulit yung phone ko.

[When your legs don't work like they used to before]

yan kasi ung sinaved kong ringtone kay Adrian para alam ko na agad na sya ung nagtext.

Binasa ko yung text nya. Hooo.. Shit! Bakit ang Keso keso ng mokong nato.

>Good Morning Joysi :)) Kumain ka ha! wag ka papagutom... Ingat sa pagpasok:***

nireplyan ko sya

>Good Morning din:)) Ingat ka din po=)))

After ko syang replyan tinawag ko na si manong para ihatid ako sa School.

Nang makarating na ako sa school at inihinto na ni manong yung sasakyan sa parking lot, todo ngiti akong bumaba. Pero nawala lahat ng ngiti at sigla ko ng bumungad saakin ang may kahalikan na si Adrian. Parang sinaksak ng kutsilyo ung puso ko ang sakit Bullshit! At Take note ha! yun lang naman Sophia nayon!

Parang nadikit yung mga paa ko sa sahig hindi ko magalaw at parang sasabog na itong puso ko! Naiiyak ako sa sobrang sakit dahil dito sa mga nakikita ko.

Wala naman akong karapatan na magalit at magselos dahil hindi ko naman pagmamayari si Adrian. Pero shit! Ang Sakit eh ang sakit..

Pero sandale bakit ba ganto ako makapag react!? Nagseselos ba ako? Hindi hindi p-pwede . Erase erase.

Kaya pinilit kong tumakbo kahit na pakiramdam ko bibigay na yung paa ko dahil sa nakita ko..:...(((

_  _ _ _ _

Miss A: sorry po kung mabagal mag Updated. Hihi

Best Friend's turn to be ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon