Dear Kupido,
Ba't po ganun? Ba't di ako crush ng crush ko. Lahat na ata ginawa ko para lang mapansin niya ako pero hindi pa rin niya ako mapansin-pansin. Try-nay ko na rin pong lagyan ng gayuma yung inumin niya noon pero di parin tumalab. Tanggap ko naman po na hindi niya ako magugustuhan dahil sa hitsura ko. Kilay kong napakakapal na para bang hide out, buhok kong dinaig pa ang Sahara Desert sa kadry-an, salamin kong minana ko pa sa nanay ko na pinamana naman sa kanya ng lola niya at mukha kong para bang pinaglihi sa sama ng loob. Ilang beses na rin akong umamin sa kanya tungkol sa nararamdaman ko para sa kanya kaya lang puro "THANK YOU!" at "JOKE BA YAN?" lang ang naririnig ko mula sa kanya. Kailan ko naman kaya mariring ang mga salitang " I LOVE YOU! " mula sa kanya. Please Kupido, ako nama'y tulungan mo. Panain mo naman sana yung puso niya ng mapansin niya rin ako. Please pakinggan mo sana ang hiling ko. Kupido, magreply ka ha?
Nagmamahal,
Diosa Sarragosa
Matapos kong isulat iyon sa papel, itinali ko ito sa tali ng lobo at binitawan na rin ito. Hinayaan kong dalhin ng lobo sa langit ang liham ko para kay Kupido. Sana naman tuparin niya ang hiling ko, ang hiling kong mahalin din ako ng mahal ko.
------------------------------------------------------------------------------
Pakiplay po iyong nasa taas. Dyosa by Yumi. Ang theme song na bagay sa story na 'to. Haha :) Enjoy it po :)
BINABASA MO ANG
Dear panget, I love you!
Teen FictionStorya ito ng isang panget na simpleng nangangarap na mahalin din siya ng taong pinakamamahal niya :) para sa mga taong umasa at nagmahal ng tunay sa taong iba ang mahal.