Panget #7

74 7 0
                                    

Diosa's POV

Nasa school na ako ngayon. Kanino ko kaya ibabalik 'tong payong na 'to? Sino kaya yung lalaking nagpabigay nitong payong na 'to dun sa lalaking naka-rain coat kahapon.
Habang ini-scan ko yung payong, nagbabakasakaling may makita akong pangalan nung may ari, may nakita akong nakaipit na papel sa payong. Kinuha ko naman ito. Uy! Mukhang letter ito. Mabasa nga 'to.

[ Alam kong sa oras na binabasa mo ito, nagtataka ka kung sino nga ba talaga ako. You don't have to know my name anymore. Basta ang mahalaga ngayon, hindi ka na mababasa pa. 'Wag mo nang ibabalik 'tong payong, sa iyo na ito. Remembrance ko na rin sayo. Alam ko kasing di ka nagdadala ng payong. Gamitin mo 'to palagi ha? Ayokong magkasakit ka.
-Fallen Angel ]

Aw! Ang sweet naman niya! Sana magpakilala naman siya para maging magkaibigan kami. Mukha kasi siya mabait at maaalalahanin pa. Ayos diba? Napangiti tuloy ako.

"Hoy panget! Ano yang binabasa mo at kinikilig-kilig ka pa? Mukha ka tuloy baliw diyan. Tss. Ngumingiting mag-isa." nilingon ko naman yung nagsalita at as usual, si Kingsley "Entyonggo" Chavez na naman ang nakita ko. Tss. At tinawag na naman niya akong panget. Bastos talaga!

"It's none of your bussiness, Mr. ENTYONGGO, kaya naman 'wag kang nangingialam. Pwede? At saka trip by trip. Walang basagan. At saka huwag ka munang magsaya dahil hindi pa ako nababaliw."

"Ah ganun ba? Akala ko kasi nababaliw ka na. Nagmumukha ka na tuloy si Sisa. Ahaha!" at tumawa pa ang loko. Ano? sinong Sisa yu--- Argh! Itong lalaking 'to talaga! Nakakaimbyerna!

"Psh. Diyan ka na nga!" at ayun nga iniwan ko siya. Dumiretso na lang ako sa practice room. Nadatnan ko dun si Handson mylabs ko na nakaupo sa may sulok at mukhang tulog ata.

Ang gwapo niya talaga kahit tulog. Ang amo ng mukha, parang bata pa kung matulog, nakahalukipkip ang mga kamay. Mapicture-an nga. Pang-wallpaper ko lang.

*Click!~*

*Click!~* Ayun isa pa!

*Click!~* ang cute niya habang naka-pout pa.

Patuloy ako sa pagkuha ng litrato niya nang bigla siyang nagising. Shocks! Nakita niya kayang kinukunan ko siya ng picture?!

"O ikaw pala Diosa! Anong ginagawa mo dito?" tanong niya. Hala ano sasabihin ko sa kanya? Napakamot naman siya ng batok niya. Haha! Ang cute!

"Ah-eh- w-wala. Napadaan lang. Magpapapractice lang sana ako nung sayaw kaya lang bigla akong tinamad. Haha!"

"Ah ganun ba?"

"Yup! hihi!" tumango-tango lang siya. Phew! Buti na lang nakalusot ako. Muntik na ako dun.

"Eh ikaw, anong ginagawa mo dito sa ganitong oras? Ang aga mo naman atang pumasok." tanong ko sa kanya.

"Ah wala lang. Sinadya ko talagang pumasok ng maaga kasi hassle din kung hindi ko aagahan, tiyak na mata-traffic na naman ako dun sa gate. Ang dami kasi nilang haharang-harang. Mga baliw lang. Mga fans talaga. Haha!"

"Uy! 'wag mo naman silang ginaganyan. Fan mo rin kaya ako." mahina kong sagot sa kanya sabay blush.

"Ah ganun ba? Sorry... Nasaan nga pala yung kapartner mo? Nasaan si Kingsley?" tanong niya. Hala! Ba't kaya niya hinahanap si Kingsley? Nabighani na rin ba siya sa kagwapuhan ng kumag na Entyonggo na yun? No way!

"Iniwan ko dun sa classroom. Nakakabanas kasi." sabi ko. Nagulat naman ako nang bigla niyang hinawakan yung kamay ko. Wow! Ang lambot ng kamay niya!

Dear panget, I love you!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon