Diosa's POV
Ilang araw na ang lumipas mula noong makilala ko yung girlfriend ni Handson.
Ilang araw ko na ring nararamdaman ang sakit. Gabi-gabi akong nagluluksa dahil sa aking kasawian sa pag-ibig. Aish! Bumabaduy na naman ako.
Namamaga na nga yung mga mata ko dahil sa kakaiyak gabi-gabi eh. Hindi pa ako makatulog ng maayos kaya naman ng pumasok ako ng umagang 'yon, mukha akong zombie dahil sa laki ng eyebags ko. Tuloy pinagtitinginan ako ng mga tao sa hallway.
"Uy! Anong nangyari diyan? Akala ko wala na siyang ipa-pangit pa. Kung gaano siya kapangit noon, lalo pa siyang pumangit ngayon." bulong ng isa dun sa katabi niya. Psh! bulong daw ba yun eh rinig na rinig ko nga eh.
"Teka, kilala ko siya! Hindi ba siya yung patay na patay kay Handson? 'Yung nahimatay sa gym nung isang linggo? So pathetic! Broken hearted kasi nga may girlfriend na si Handson. Bwahahaha! Bagay sa kanya yan. Masyado kasing feelingera!" sabat naman nung isa. Argh! Pigilan niyo ako at baka masabunutan ko 'tong dalawang chismosang ito.
Ngek! Wala nga pala akong sapat na lakas ngayon. Inaantok pa ako. Imbes na na uminit ng todong-todo ang bumbunan ko sa dalawang 'to, umalis na lang ako at dali-daling pumunta sa classroom para makapagpahinga. Pagdating na pagdating ko sa classroom, dumiretso na ako sa upuan ko at natulog.
Kingsley's POV
Ang aga-aga kong pumasok ngayon. Wala lang trip ko lang. Ang aga kasi ni Omma na mag-set ng alarm kaya napa-aga ang gising ko. Inaantok pa nga ako. Pakilala nga muna ako.
Ako nga pala si Kingsley Cameron Chaves. THE MIGHTY SLEEPING PRINCE. Oo antuken talaga ako, ang sarap kasing matulog. Gwapo ako pero hindi nga lang pinagkakaguluhan ng mga babae ang kagwapuhan at kakisigan ko. Walanjo! Bakit kaya? Napaisip ako kung bakit nga ba hindi ako lapitin ng mga babae, eh ang gwapo ko naman. Kamukha ko pa nga daw yung Minho ng Shinee na sinasabi nila. Sus sino naman kaya 'yun? Pero sigurado akong mas gwapo pa ako dun. Diba? Pero naisip ko ayos din 'to, atleast walang mga baliw na bubuntot-buntot sa akin. Alam niyo ba na inis na inis talaga ako sa babaeng bagong lipat, first day na first day eh mananakot? Ang layo pa kaya ng Halloween. Tss.
May tao na kaya sa classroom? Pagdating ko sa classroom, nakabukas na pala. Ayos! May kasama na rin ako!
"Ahuhuhuhu!" teka ano yun?! May narinig lang naman akong iyak ng isang babae.
"Ahuhuhuhu!" Shoot! o.O kinakabahan na ako. Oo na matatakutin nga ako. Lalong-lalo na kung may multo.
"S-si-nong n-nan-d-diyan?" nanginginig na ako dito! Please sumagot ka kung sino ka man. Don't scare me!
Nang walang sumagot sa tanong ko, dahan-dahan akong pumasok habang may nakatakip na libro sa mga mata ko.
Habang nilalatag ko ang mga gamit ko sa isang upuan, naalala ko na sa tabing upuan pala yung upuan ko. Inayos ko na ang gamit ko nang bigla akong napalingon sa kaliwa ko at......
"Waaah!!!! MAMA!!! MAY MOOMOO!!!" naghy-hysterical na talaga ako. Di ko na alam ang gagawin ko. Aalis na ako! Waah!! Halos panawan na ako ng kaluluwa nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Wtf! Ang lamig-lamig ng mga kamay niya!
Nakayuko pa rin siya at nang bigla niyang tinaas ang ulo niya at nakita ko ang malungkot at panget niyang mukha. Psh. Tumili-tili pa ako kanina, hindi naman pala siya multo.
Yung babaeng bagong lipat lang pala...Tsk! Ba't ba lagi na lang sumusulpot tong babaeng 'to sa harap ko? Seriously, sa kabute ba siya pinaglihi? Baka isipin pa nitong bakla ako kaya nagtititili ako. Duh! Hindi mangyayari yun!"Uy! 'wag mo naman akong iwan!" sabi niya sabay hikbi.
Ba't ganun parang gusto ko siyang tanungin kung bakit siya umiiyak. Gusto ko siyang ikulong sa mga bisig ko at yakapin ng mahigpit na mahigpit. Gusto kong punasan ang mga luha niya pero di ko magawa.
Oy! Kung iniisip niyo na gusto ko siya, nagkakamali kayo. Ayoko lang kasing may nakikitang malungkot. Gusto ko palagi masaya! Good boy ata 'to! Saka she remembers me of someone. Sige na nga tutal ngayon lang naman ito. Hindi na masusundan pa. Umupo ako sa tabi niya. Magkatabi nga pala kami ng upuan, ngayon ko lang napansin."O ano naman ang gagawin ko ngayon?" tanong ko sa kanya kahit na alam ko naman na talaga kung anong gagawin ko. Imbes na sagutin niya yung tanong ko, bigla niya akong niyakap at umiyak ng umiyak sa dibdib ko. Pinatahan ko naman siya.
"Ssh! Tahan na. Everything's gonna be alright. Iiyak mo lang lahat yan. Mawawala rin yan." nang tumigil na siya sa pag-iyak, binitawan ko na siya. Nakatulog na pala siya. Mataman kong pinagmasdan ang mukha niya. Hindi naman pala siya ganun kapangit tulad ng una nilang pagkikita. Nanlalalim ang gilid ng mga singkit niyang mga mata. Mukhang pagod na pagod na siya sa pag-iyak. Ang labi niyang mapula na medyo may bitak-bitak dahil na siguro sa wind burn. Uso pa naman ngayon yun. Nagulat ako nang biglang may tumawag sa pangalan ko kaya napatayo ako.
"Kingsley! Pards!" tanong ng kaibigan kong si Drake. Kakapasok lang niya.
"O ikaw pala Drake! Ang aga natin ah?" sarkastiko kong salubong sa kanya. Nginisian niya lang ako bago nagsalita ulit.
"Pards! Nangyari diyan sa polo mo? Ba't basa? Naihian mo siguro no?!" sabi niya sabay turo sa aking polo. G*go talaga 'to. Kukutusan ko pa sana siya kaya lang dumating na yung iba pa naming mga kaklase.
* * *
Lumipas ang mga oras.....
Lecture lang ng lecture yung teacher namin pero hindi ako maka-concentrate. Hanggang ngayon kasi iniisip ko pa rin siya, pati na yung malungkot niyang mukha.
Aish! Ba't ganun? Alam ko namang wala akong pakialam kung bakit siya umiiyak pero parang gusto kong hanapin yung taong nagpaiyak, nanakit sa kanya at saktan ng todong-todo hanggang sa pumutok na yung labi ng hinayupak na lalaking yun. Argh! erase. erase. She's not even my friend. Tss!! Sana mawala na 'tong nararamdaman kong ito.* * *
A/N: Hi guys!!! I'm back again. I hope you like it! hahaha ngayon lang na naman ako nakapag-ud. Mianhe po!
-lovefxandshinee-
BINABASA MO ANG
Dear panget, I love you!
أدب المراهقينStorya ito ng isang panget na simpleng nangangarap na mahalin din siya ng taong pinakamamahal niya :) para sa mga taong umasa at nagmahal ng tunay sa taong iba ang mahal.