Panget #9: My First Kiss

71 5 0
                                    

Kingsley's POV

Hinahabol ko ngayon yung panget na yun. Nakakainis! Napalo pa ako ng dahil sa kanya. Si Ate naman ang daming nalalaman.

Asan na ba yung panget na yun? Ang bilis-bilis kasing tumakbo parang kabayo. 'Pag nakita ko yun, matataman siya sa akin.

*SPLASH!!!*~

Anong ingay yon? Agad naman akong napatakbo sa swimming pool namin at nakita doon si Panget habang pumapagaspas ang mga kamay. Aba't nakuha pa nitong mag-swimming sa pool namin?!

"Hoy panget! Anong ginagawa mo diyan? Kung gusto mong maligo, dun ka sa bath tub niyo maligo huwag dito sa swimming pool namin. Madudumihan lang 'tong pool nang dahil sa'yo." umupo ako dun sa upuan malapit sa pool. Napagod akong sa paghabol ko sa panget na 'to.

"Tulong!! Nalulunod ako!!" sigaw niya. Sus! Aarte-arte 'tong isang 'to eh ang babaw lang kaya ng pool. Ignorante.

"Ano namang arte yan, ha? Umahon ka na lang diyan. Di ka malulunod diyan. Kiddie pool kaya yan, mababaw lang. Tss. Tanga-tanga." sabi ko sa kanya at nagpout lang siya. Putek! pa-pout-pout pa 'to eh hindi naman niya bagay.

"Ah ganun ba? akala ko naman malulunod na talaga ako. Hehehehe! peace tayo!" sabi niya sabay peace sign. Batukan ko 'to eh. She's starting to piss me.

"O ano, aahon ka pa ba diyan o hindi na? Kung hindi ka pa aahon diyan, papakawalan ko yung mga alaga kong piranha diyan sa pool at ipapakain kita sa kanila." pananakot ko sa kanya. Hindi pa ba siya aalis diyan? Baka magkasakit pa 'to. Ako na naman ang masisisi.

"Sabi ko nga, aahon na po ako." at umahon na rin siya.

Diosa's POV

Umahon na rin ako. Akala ko talaga malulunod na ako. Buti na lang pala kiddie pool ang pinaglandingan ko kung hindi dedo na siguro ako ngayon.

Inilibot ko naman ang mata ko sa paligid. Nakita ko naman na naglalakad na si Kingsley papasok ng bahay kaya naman hinabol ko siya.

"Kingsley! Sandali lang! May sasabihin lang ako sayo." magpapahatid lang ako sa kanya sa bahay. Wala kasi akong dalang damit ngayon. Kainis kasi 'tong Entyonggo na 'to, mag-cu-cutting class lang pala sinama pa ako rito. Lumingon naman siya.

"Ano?! What do you want?!" inis niyang sagot. Mas lumapit pa ako sa kanya. Tatlong hakabang na lang at maabot ko na siya nang biglang...........Waaaah!!! Natisod ako! Mahuhulog na ako! Waaaah!!! Please Entyonggo, catch me!! Please!

*BLAAAAG!*~

Woah! Astig! Bumagsak ako ng hindi man lang nasasaktan at nauuntog. Teka, saan ba ako naglanding.

-_O ----> binuksan ko ang kanan kong mata.

o_- -----> binuksan ko rin ang kaliwa kong mata.

o_O ----> I finally open my two pretty eyes.

Totoo ba 'tong nakikita ko? Naglanding lang naman ako sa katawan ni Kingsley. Waaaaah!!! Ang lapit ng mukha namin! Sa sobrang lapit, konting galaw lang niya, mahahalikan na niya ako.

"Ano ba?! Matutunaw ako niyan. Pwede bang umalis ka na sa ibabaw ko? Ang bigat-bigat mo eh." pinilit niyang bumangon. At sa isang iglap lang........

*CHUUUP!*~

Nahalikan niya ako! at sa lips pa! 0///0 Namula naman siya. Ako naman sobrang init na ng pisngi ko na para bang anytime eh pwede na akong pumutok. Dug. dug. dug. dug. Haist! Naman! Ba't ganito bumubilis ang tibok ng puso ko? Parang magigiba ang dibdib ko.

Dear panget, I love you!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon