*Meet the characters*
Diosa Sarragosa- kabaligtaran ng pangalan niya ang hitsura niya. Mga kilay niya napakakapal na par bang hide out, buhok niyang dry, salamin na makapal na minana pa niya sa lola ng nanay niya at mukha niya na para bang pinaglihi sa sama ng loob. Di naman siya ganoon kapangit, di lang marunong magayos. Isang panget na simpleng nangangarap na maging sila ng crush niya.
Handson Peralta- ang lalaking kinababaliwan ni Diosa. Gentleman, mabait, at GWAPO! Ang campus heartthrob ng school nila. Lahat na ng magandang katagian na hinahanap ng babae nasa kanya na. Halos lahat na rin ng babae sa school nila nagkakandarapa sa kanya ngunit isa lang ang nakapukaw sa atensiyon niya. Sino kaya ang babaeng ito?
Kingsley Chavez-ang lalaking biniyayaan ng magandang pagmumukha. Matangos ang ilong, mahaba ang mga pilik mata niyang kulot, cold na mga mata at bibig na napakasarap halikan. Para nga siyang anghel na inihulog ng langit pero iba ang ugali niya sa hitsura niya. Isnabero. Masungit. Arrogante. Lahat na siguro nasa kanya. Pero isa lang ang namumukod-tangi sa kanya, yun ay ang pagiging maaalalahanin niya sa isang PANGET.
>>PANGET #1<<
"What's your name again my dear?!" tanong ng adviser ng Science Section sa akin na si Mrs. Simang Kasimsiman. Pffft!! Nakakatawa naman 'tong apelyido ng teacher na 'to! Ahahahaha! Bagay yung apelyido niya sa mukha niyang maasim!
Galing kasi ako sa regular section pero nilipat ako sa science section dahil magaling daw ako. Ginalingan ko talaga yung pag-aaral ko nung third year ako para lang makapasok sa science section kung saan naghihintay ang aking pinakakamahal na si Handson Peralta.
"Diosa, Mam. Diosa Sarragosa po ang pangalan ko."
"Talaga?! Diosa pangalan mo? Is that really your name? Oh I thought Diosa is somebody else. I didn't expect you to be Diosa Sarragosa. Wahahaha!! Look at that face! Is that really a face of someone who has a name of Diosa?" sabi ni Mrs. Kasimsiman sabay tawa ng malakas. Eh kung balatan ko kaya siya ng buhay, makaya niya pa kayang tumawa ng malakas? Akala niya kung sino siyang maganda.
"Grabe! Ipinaglihi ka ba sa sama ng loob kaya nagkaganyan ang hitsura mo? AHAHAHA!!!" aba't mukhang naghahanap ng away 'tong matandang Simang na 'to. Di ko na talaga matake kaya sinigawan ko na siya. Sumosobra na siya eh.
"MAM! ALAM KO NAMAN PONG PANGET AKO, PERO ANG IPAMUKHA PA TALAGA NA PANGET AKO? SUMOSOBRA NA PO KAYO! AKALA NIYO NAMAN PO NAPAKAGANDA NIYO. WELL, FOR YOUR INFORMATION PO, PWET MONG MAY LOTION, MAS LAMANG LANG PO KAYO NG ISANG LIGO SA AKIN. KAYA WAG NA WAG NIYO PO AKONG MATATAWAG NA PANGET DAHIL PAREHAS LANG PO TAYONG NAGMULA SA LAHI NG MGA PANGET!" sa sinigaw ko akala ko magagalit siya sa akin pero nanatili lang siyang kalmado.
"Oh relax my dear. Tapos ka na ba sa napakahaba mong speech? Well I didn't mean to offend you but if you really want to enter my class, you can bear with me being a very frank person. Kaya mo ba?"
"Kaya ko po yan." confident na confident na sabi ko. Tapos biglang namatay yung mga ilaw sa faculty room. Napasigaw ako. Hinanap ko si Mam na bigla nalang nawala nung namatay yung ilaw.
"M-am? N-n-asaan p-po k-kayo?" nauutal kong sabi. Takot ako sa dilim eh. Minsan na kasi akong naiwan sa dilim kaya na-trauma ako. Takot din ako sa multo. Balita pa naman din na may gumagala-gala raw na white lady dito sa faculty room. Bigla namang nagsitaasan ang mga balahibo ko. Natatakot ako! Bigla akong may narinig na kaluskos sa likuran ko. Paglingon ko, nasa likuran ko na pala si mam habang may nakatapat na flashlight sa mukha niya. WAAH!!! SADAKO!!!
"Alam kong natatakot ka. Di mo ba alam na dito mismo sa faculty room, nagpapakita yung gumagalang white lady? Wag kang matakot, baka nga yung white lady pa ang matakot sa mukha mo." tumawa na naman siya. Anubeyen! Kanina pa siya tawa ng tawa, nagmumukha na tuloy akong clown dito. Tumigil na rin siya sa katatawa niya, sumakit na siguro tiyan niya katatawa. Ayan kasi bleh!
"Anyway, if you really want to enter my class, are you willing to do all I ask you to do?" - Mam
"Yes, mam."
"Kaya mo bang maglinis ng C.R.?" tanong ni mam. Tapos bigla niya akong pinalo ng meter stick sa ulo ko. Aray ko ha! Masakit!
"Kaya ko po." teka parang familiar sa akin 'tong scene na to ah. Parang ito yung nasa Monster University, yung initiation ng mga Oozma Kappa sa bahay nila Squishy.
"Kaya mo 'bang tiisin lahat ng pagpapahirap at panunukso na gagawin sa iyo ng mga kaklase mo?" hindi naman ako nakasagot agad kasi may kumagat na lamok sa akin kaya napakamot na lang ako dun banda sa kinagat ng lamok.
Nagulat naman ako ng bigla na naman akong pinalo ni Mam ng stick sa hita. Aray ano ba! Kanina ulo lang ang pinalo ngayon naman hita?! Pahamak kasi yung lamok na yun eh.
"Ano ba? Hala sige dali na! Sagot!" bulyaw naman ni Mam sa akin.
"K-kakayanin p-po!" tss. Kung hindi lang para kay Handson, hindi ako magtitiis dito kasama ng mapanlait at hindi kagandahang teacher na 'to.
"Kaya mo rin bang maglinis ng classroom?"
"Yakang-yaka po yun mam." kakayanin ko ang lahat para lang sa kanya. Para kay Handson, pamilya ko at para kay Jesus, kakayanin ko silang lahat.
"Kung ganon... I officialy annouce you to be a 4 Science student.. Welcome to the family!~" pagkasabi ni Mam nun, umilaw na rin ulit yung room. Tapos may biglang nagpaputok ng confetti, sakto pa sa mukha ko. Pero anyway, Ang saya! Finally kaklase ko na rin si crush. Sana naman sa paglipat kong ito, mas maging close kami, sana mapansin na rin niya ako. Hindi lang yun, sana marinig ko na rin ang mga katagang I love you na matagal ko nang gustong marinig mula sa kanya.
* * *
A/N: Enjoy!!! Don't forget po to read, vote and comment. Sa mga may suggestion po, paki-pm nalang po ako. Kamsahamnida!!!
-lovefxandshinee-
BINABASA MO ANG
Dear panget, I love you!
Teen FictionStorya ito ng isang panget na simpleng nangangarap na mahalin din siya ng taong pinakamamahal niya :) para sa mga taong umasa at nagmahal ng tunay sa taong iba ang mahal.