Panget #6

85 7 0
                                    

Diosa's POV

   Ilang weeks na simula nang lumipat ako pero feeling ko ang liit-liit ko. Ni wala manlang nag-welcome sa akin. Ni wala pa ngang kumakausap sa akin. Pati nga si Handson, bihira ko na lang kung makausap. Masyado kasi siyang busy. Ito namang katabi ko, isang beses ko lang nakausap noong umiiyak ako dahil kay Handson. Paano ko naman kaya makakausap 'tong katabi ko? Lagi na lang nakayuko, natutulog. Kung may klase naman walang imik.

"Huy! Gising! Psst! Mr. Chavez! Gising na po!" inalog-alog ko pa yung mga bisig niya para lang magising. Ayun! salamat nagising na rin.

Ngayon ko lang siya natitigan ng malapitan. Oh my! *^0^* Ang gwapo niya pala! Ang mga mata niyang napaka-cold ay naipares sa mga makapal at maitim niyang kilay. Ang pilik mata naman niyang mahahaba at kulot na animoy nang-aakit. Pati ang ilong niyang matangos ay nababagay sa labi niyang mapulang-mapula. Ang kissable! Waaaah!! >\\\< Ang pervert ko tuloy pakinggan. Eh kasi naman mukha siyang anghel na inihulog ng langit.

"Will you stop drooling?! Bakit ba? Anong problema mo?!" ay! Ba't ang sungit?

"Wala lang, gusto ko lang magpasalamat sayo nung dinamayan mo ako. Salamat! Saka gusto ko lang din ng makakausap. ^____^" sabi ko sabay ngiti. May kung ano naman siyang hinugot mula sa bulsa niya at ibinigay ito sa akin.

"O heto piso. Bumili ka ng kausap mo." kaasar! Biniyayaan nga siya ng kagwapuhan pero pinagkaitan naman ng magandang ugali! Binabawi ko na ang sinabi ko kanina. Hindi siya anghel! -___- Babalik na naman sana siya sa pagtulog nang pinigilan ko siya. Ilang linggo ko na rin siyang katabi pero di ko pa rin alam ang tunay niyang pangalan, apelyido lang niya ang alam ko.

"Matanong ko lang. Ano nga pala ang pangalan mo, Mr. Chavez?" tanong ko sa kanya.

"Bakit gusto mong malaman? Crush mo ko 'no?! ^^" pang-aasar niya sa akin.

"Nek-nek mo! In your dreams! Mukha mo!" sabi ko sa kanya.

"Gwapo! ^_____^" sabi niya sabay pabebe at pacharming.

"Nah! Huwag ka nang mag-pagwapo diyan. Trust me! There's no effect! hahaha!" pangaasar ko sa kanya. Nayamot naman siya at natulog na lang uli.

"Makatulog nga muna. Wala pa namang teacher." sabi niya sa sarili niya.

"Bangungutin ka sana! >:-P" bulong ko sa kanya.

Habang natutulog siya, pasimple kong sinilip yung I.D. niya. Makikita ko na sana yung pangalan niya kaya lang, may biglang tumawag ng pangalan ko. Kaasar! Panira naman eh! Yun na eh! TT^TT

"Diosa!!" paglingon ko, si Handson mylabs ko pala ang tumatawag sa akin. Awtomatiko na namang naghugis puso ang mga mata ko nang makita ko siya. ♥O♥ Pati puso ko parang gusto na ring kumawala mula sa ribcage ko!
Aissh!!! Kasasabi ko lang na magmomove on na ako sa kanya pero heto na naman ako, umaasa na naman.

"Bakit?" pacute kong tanong sa kanya. Ngumiti naman siya. Yieeh!!! Nakakatunaw yung ngiti niya! <3

"May praktis daw kasi tayo sa club mamaya. 4 pm sa music room." Kyaaaaah!! ^_^ ang ganda talaga ng boses niya! parang boses bg anghel! ang saya! kahit na may girlfriend na siya, Mahal ko pa rin siya! at hindi na magbabago yun! :D

"Ah ganun ba? Salamat. Buti nasabi mo. :))" ngumiti ulit siya akin. Yung killer smile pa niya! Omo! I think I'm gonna die! *0*

"Walang anuman. Sabay na lang tayo mamaya, ha?" sabi niya at umalis na siya. Yieeh! Sabay daw kami mamaya! 'Pag sinuswerte ka naman talaga Diosa Sarragosa oh! Bongga! ^____^

Dear panget, I love you!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon