Panget #8: Meet Charlene Chavez

67 5 0
                                    

Charlene's POV

~*Beep!!! Beep!!! Beep!!!*~
Wooah!!! Kapatid ko na yan!!
Hindi niya alam na dumating ako ngayon kaya susorpresahin ko siya. I came from Korea, shooting one of my new movie. I'm celebrity because I can do drama, hosting, acting, singing and especially I have a beautiful and gorgeous face and body. Ahahaha!
Let me introduce myself first. Okay so mic test! Mic test 1 2 3! Ehem!
Ako nga pala si Charlene Chavez, 23 years old here in Philippines and 24 naman sa Korea. I don't know why this happen? Maybe advance sila ng isang taon when comes in counting their age. I'm very proud to say that I'm 1/4 Korean, 1/4 Filipino, 1/4 Fashionista and purely MAGANDA! Mabait daw ako sabi ni Author..Mahilig ako sa mga stuff toys, shoes, bags, accessories, dresses, streetfoods, sweets and everything that is cute. And I came here to see my little brother. Namiss ko na kasi siya. Biglang bumukas yung pinto at.......

"Ate?!" paglingon ko, si Kingsley na pala! Agad ko naman siyang niyakap.

"Kailan ka pa umuwi? Ba't di ka man lang nagpasabi? Eh di sana nag-welcome back party pa kami." sabi niya.

"Oh it's okay. Kadarating ko lang kanina. Kamusta ka na? Sila mommy't daddy nasaan?" tanong ko kay Kingsley. Pero imbes na sumagot siya, may biglang nagsalita.

"Hoy Entyonggo! Tulungan mo kaya ako rito! Ba't kasi ang bigat-bigat ng bag mo? Anong laman nito, buong bahay niyo?!" napalingon ako sa nagsalita at nakita ko ang isang cute na nakasalamin na nagbubuhat ng malaking bag. Mukhang pagod na siya.

Hinanap ko naman si Kingsley at ayun nga siya nakaupo na pala sa sofa. Nanonood ng T.V.

"Tumigil ka nga diyan sa katatawag sa akin ng Entyonggo. Hindi yun ang pangalan ko. Saka pwede ba, 'wag ka nang umangal-angal diyan." aisssh! Ba't ganito pa rin ugali nito? Ilang buwan na kaming hindi nagkikita pero, wala hindi pa rin siya nagbabago.
Binuhat naman nung cute na babae yung bag ng kapatid ko doon sa sala kung saan nanonood si Kingsley.

"O ser, ayan na po ang mabigat niyong bag. Salamat po ha? Nabalian ata ako ng buto dun."

"O ba't dito mo nilalagay yan? Iakyat mo yan dun sa kwarto ko sa second floor dali! Yung pangalawang kwarto, yung pinto na punung-puno ng litrato ko, yun. Yun ang kwarto ko." sabi ni Kingsley sabay palit ng channel. Aba't sumosobra na 'tong kapatid ko. Mukhang hindi na tama 'to.

"Aray! Ouch! Aw! Ano ba ate tama na! Masakit na!" hinampas ko nga siya ng hinampas gamit yung malaki naming walis tambo. Ang sama-sama na kasi ng ugali niya.

"Hindi kita titigilan hangga't hindi ka nagtatanda. Hindi ganyan ang pagpapalaki namin nila Mommy't Daddy sa'yo! Hindi ka namin tinuruan ng masamang asal. At higit sa lahat, hindi ganyan ang tamang pagtrato sa babae. Be gentleman naman!"

"Ate! Tama na!"

"Magsorry ka na lang kasi. Ang dami pang satsat eh." sabi nung cute na babae sabay cross arm. Haha! Kawaii!

"Che! Tumigil kang panget ka. Di ako magsosorry sayo." ba't ba ang hirap-hirap nitong piliting mag-sorry? Ang taas-taas kasi ng ihi nito. Siya na nga 'tong may atraso, siya pa 'tong ayaw mag-sorry. Tsk!

Tinigil ko na rin ang pagpahahampas sa kanya ng walis tambo at ako'y nagsalita.

"Sige if that's what you want. Kung hindi ka magsosorry, pwede ko naman sigurong sabihin kina Mommy't Daddy na you'll be grounded for one week. Mukhang mas masaya yun!" full of sarcasm kong saad. Ngumisi naman siya. Yucks! Kaderder yung ngisi niya parang nangangain ng bata.

"Duh! Who cares? I'm not scared. Maga-grounded lang naman ako ng isang linggo. Tss. Maliit na bagay." kampante niyang sagot.

"Oo nga, maga-grounded ka lang naman for one week." pagtutuloy ko sa sinabi niya kanina.

"Wait.... What?! I'll be grounded for one week?! The heck! No way!"

"Then do what I have said. Magsorry ka kay Ms. Cutie Pie." sabi ko sa kanya sabay tingin sa babaeng nakasalamin. Nagblush siya. Si Kingsley naman napa-smirk. Sungalngalin ko kaya 'to? Ang hilig mag-smirk hindi naman niya bagay.

"Cutie pie daw? Panget kaya niya!" bulong ni Kingsley.

"Hoy ano yang binubulung-bulong mo diyan? Magsorry ka na lang kasi. Mahirap ba yun?" sabat ni Cutie pie kay Kingsley.

"Ako? Magsosorry sa yo? Ayoko nga! Mas gugustuhin ko pang magrounded ng isang linggo kaysa naman magsorry sa isang panget na tulad mo!" sigaw ni Kingsley kay Cutie pie.

" Tss. Mas lalo naman ako. Mas gugustuhin ko pang maglinis ng C.R. na napakapanghi kaysa naman patawarin ang isang tulad mo na ubod ng sungit!" hala! Nagsisigawan na sila! Anong gagawin ko?

"Diosa, may sasabihin ako sayo........ Ang panget mo! Boom!" - Kingsley. Diosa pala.pangalan niya.

"Pwes kung ako panget, ikaw BAKULAW! Bleh-bleh-bleh-bleh-bleh! BAKULAW!!!" pangaasar ni Diosa kay Kingsley. At bago pa sila mag-wrestling na dalawa, tinawagan ko na si Mommy para humingi ng tulong... Ang kulit kasi nilang dalawa, parang bata.

"Omma! Help me please!"

[ O bakit anak? Anong problema? ]

"Si Kingsley at Diosa po kasi nag-aaway!" natataranta kong sumbong kay Mommy.

[ Sinong Diosa yun anak? Hindi ko kilala. ]

"Girlfriend ata ni Kingsley, ma. Nandito po sila ngayon sa bahay, nagsisigawan. Di ko na po alam ang gagawin ko." at naghahabulan pa sila.

"Hoy panget! Hindi pa ako tapos sa iyo!" napa-face palm na lang ako.

"See ma! What am I going to do? Eottheoke!!"

[ Patigilin mo sila. Pagbati mo. Sorry anak, ikaw munang bahala diyan. I really need to go na kasi. Basta kung may problema, tawagan mo lang ako. Bye! ]

At bago pa ako makapagpaalam kay Mama, may narinig akong ingay.

*SPLASH!!!!!!~*

Whut is that sound?!

* * *

A/n: Hi guys! Sorry kung short lang update ko ngayon. Sana naenjoy niyo ito. Ano kayang nangyari? Saan kaya galing ang ingay na yun? Abangan!
Salamat sa pagbabasa! :)

-lovefxandshinee-

Dear panget, I love you!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon