Panget #4
Diosa's POV
Audition Day namin ngayon sa Music. Heartstrings ang pangalan ng Music club ng school namin. Dub. Dub. Dub. Dub.
Grabe! Kinakabahan naman
na ako. Napakadami kasi ng mga nag-audition. Siksikan tuloy dito sa Music Room. Hala si Handson mylabs ko na yung kakanta!♪ Lying beside you here in the dark
Feeling your heartbeat with mine
Softly you whisper, you're so sincere
How could our love be so blind ♪
WAAAH!!! OPEN ARMS!!! Sobrang nakakakilig yung boses niya. MAKALAGLAG PANTY!
Yung mga babae naman sa tabi ko nagwawala na. Makasigaw wagas?Nang matapos siyang kumanta, sumigaw ulit sila. Ako naman nakatulala lang.
"CALLING MS. DIOSA SARRAGOSA!" ay! tawag na pala ako. Makapunta na nga lang.
Psh! Makatingin naman 'tong mga 'to para akong basura. Duh! Bakit ngayon lang ba kayo nakakita ng pangit ha?! Tusukin ko yang mga eyeballs niyo eh!
"HOY PANGET! MALAYO PA ANG HALLOWEEN!" sigaw ng isang lalaki na di ko kilala at bigla naman silang nagtawanan. Sino kaya yung lalaking yun? Humanda siya sa akin mamaya, kakalbuhin ko siya ng todo!
"WAHAHAHAHA!" sige tawa pa more! Mailunok niyo sana yang mga dila niyo. Hmp! Pinatahimik naman sila ng teacher. Ayos yun wala nang maingay, makakakanta na rin ako.
"GO DIOSA! GO! GO! GO! KAYA MO YAN! AJA!" sabi ng mga kaibigan ko. Bigla naman akong nabuhayan dahil sa suporta nila.
♪ Bakit kaya nangangamba
Sa tuwing ika'y nakikita
Sana nama'y magpakilala
Ilang ulit nang nagkabangga
Aklat kong dala'y pinulot mo
pa'Di ka pa rin nagpakilala ♪
Feel na feel ko yung kanta kasi feel ko ako yung babae sa kanta. Naalala ko tuloy yung mga araw na ini-stalk ko siya.
Naglalakad siya nun sa corridor at ako naman may hawak na sangkaterbang libro. Kagagaling lang ako nun sa library, ako kasi ang napag-utusan ni Mam na kunin yung mga libro na para sa research namin. Paparating na siya. Hala anong gagawin ko?! Hindi ko alam ang gagawin ko nun hanggang sa may bigla akong naisip. Sinadya ko siyang binunggo at nahulog ang mga librong hawak ko. Pinulot naman niya yung mga libro.
"Sorry, hindi kita nakita. Nahulog pa tuloy 'tong mga libro mo." sabi niya sabay abot ng mga libro sa akin ng may ngiti sa labi. Ang saya-saya ko nun. Feeling ko ako na ang pinaka-maswerteng babae nung araw na yun. Nahawakan ko pa ang mga kamay niyang napakalambot. Nahiya tuloy ako sa kamay kong magaspang. Haha! Atleast naka-chansing ako diba?
♪ Bawat araw sinusundan
'Di ka naman tumitingin
Ano'ng aking dapat gawin ♪
Hindi ba't stalker niya ako? Haha! Kaya marami akong alam tungkol sa kanya. Address niya alam ko rin. Kung saan siya bumibili ng mga gamit at damit niya, alam ko rin. Pati brand ng brief niya alam ko rin.
BINABASA MO ANG
Dear panget, I love you!
Teen FictionStorya ito ng isang panget na simpleng nangangarap na mahalin din siya ng taong pinakamamahal niya :) para sa mga taong umasa at nagmahal ng tunay sa taong iba ang mahal.