Panget # 10: Thinkin' of You

130 5 3
                                    

Charlene's POV

   Tulad nga ng sinabi ko, hinatid ko si Diosa sa kanila.
Pero nang makarating na kami sa village nila, bigla akong kinabahan.

   I feel so uneasy. Nakita ko lang naman kasi ang bahay ng ex ko. Ang bahay na kung saan kami unang nag-date. Ang bahay na siyang naging saksi ng tamis ng pagmamahalan namin.

    Bigla na namang pumasok sa isip ko yung kasabihan ng iba na 'Past is Past'. Pero bakit ganun, hindi ko pa rin siya magawang kalimutan.

   Kahit na anong pilit kong limutin siya, patuloy pa rin ang puso ko sa pagsigaw ng pangalan niya. Kamusta na kaya siya ngayon? Nakapag-move on na rin kaya siya? O tulad ko pa rin siyang baliw na baliw sa kaiisip sa kanya?

   Napailing na lang ako sa mga pinagsasabi ko sa sarili ko. 'Wag ka nang umasa, Charlene. Mag-move on ka na. Huwag ka nang magpakatanga! Masasaktan ka lang!

   May girlfriend na kaya siya? Fiance? Asawa o di kaya nama'y anak na?

"Diosa, malayo pa ba rito ang bahay niyo?" tanong ko habang nag-didrive. Mga ilang minuto na naming tinutunton ang village nila pero hindi pa rin kami nakakarating sa bahay nila.

"Ate, nalagpasan na ho natin yung bahay namin." nagulat naman ako sa sagot niya.

"Talaga? Eh bakit di mo sinabi agad. Mukhang napalayo na nga tayo."

"Sinasabi ko po kanina kaya lang po parang anlalim po ng iniisip niyo kaya siguro hindi niyo po namalayang nalagpasan na po natin yung bahay namin." at ayun nga. Itinuro niya sa akin kung saan banda ang bahay nila. At kung sinuswrete nga naman ako, kapit-bahay pala niya yung ex ko.

"So ito pala ang bahay niyo. Maganda." sabi ko kay Diosa habang tinitignan yung bahay na kulay puti. Modern ang design. Kulay peach naman yung sa ex ko.

"Ah ate, nagkakamali po kayo. Hindi po iyan ang bahay namin."

"Ha? Hindi! Diba ito talagang bahay na puti ang bahay niyo?" huwag mong sabihing mali ang sinasabi ko, Diosa. Please no!! Huwag mong sabihin na tama ang hinala ko!!

"Ate hindi po talaga yan ang bahay namin dahil ang bahay namin ay yung bahay na kulay peach. Yung may maraming bulaklak sa harap." muntik na naman akong himatayin sa narinig ko. So tama pala ang hinala ko! Magkapatid nga sila ng ex ko! Kaya pala mag-kamukha sila! What am I going to do now?

"Tara Ate Charlene. Pasok na po tayo sa loob. Ipakikilala kita kina Mama." sabi niya habang nakangiti.

   Hindi ko alam pero parang may sariling isip ang mga paa ko. Kusa na lang kasi itong humakbang at napasama ako kung saan papunta si Diosa.

   Nang makarating na kami sa gate, bigla akong nakaisip ng paraan. Yeah! Sinungaling na kung sinungaling. Wala akong magagawa. Yan nararamdaman ko eh. Ayoko munang magpakita.

"Sandali lang, Diosa." natigil naman si Diosa sa paglalakad.

"Ano po yun, Ate Cha?" tanong niya.

"Mukhang hindi na ako magtatagal pa. Nag-text na kasi si Manager. May i-mi-meet pa pala kasi kaming producer eh. Sa susunod na lang ha? Sorry talaga." sagot ko at bigla namang nawala ang ngiti sa labi niya.

"Ah ganun po ba? Sige po sa susunod na lang po ulit. Ingat po." pagkabanggit niya nun, umalis na rin agad ako. Hindi ko kaya 'to.

   Sorry, Diosa. Sorry talaga. Hindi pa kasi ako handa. Hindi pa handa ang sarili ko at ang puso ko na harapin siya.

* * * *

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 24, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dear panget, I love you!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon