Diosa's POV
"Binuhat ka niya papunta dito tapos bago siya umalis, sinabihan niya pa kami na wag daw naming kakalimutang painumin ka ng gamot. Magpagaling ka daw. Haba ng hair mo 'teh!" at dahil dun, agad-agad akong bumaba ng higaan at dumiretso sa classroom sana kaya lang pinigilan ako nung tatlo.
"Hep! hep! hep! hep! at saan ka naman pupunta?" tanong nilang tatlo sa akin.
"Sa classroom, bakit sasama kayo? You know, hinihintay na ako ng prince charming ko dun. Baka 'pag hindi pa ako darating doon, eh ipagpalit na niya ako sa iba." sabi ko na may ngiti sa labi. Yung parang I'm-at-your-mercy-look. Aalis na sana ako kaya lang bigla akong binatukan ni Chloe.
"Aray! Ba't ka ba nambabatok ha?! Tututol ka na naman sa pag-iibigan namin ni Handson my labs ko 'no? hay nako alam ko na yan, noon pa diba? Aminin mo may crush ka rin kay Handson ko 'no? Gusto mo na atang aga---" at bago ko pa matapos ang litanya ko, binatukan na naman ako ni Chloe. Aray! Nakadalawa na siya ha? Ano bang ginagawa ko sa kanya at ginaganito niya ako? So may gusto rin siya kay Handson ganun? Ouch! Bestfriend ko pa man din siya. Ahuhuhu!!!
"Gagish ka talaga! Wala akong balak na agawin yang Hanson your labs mo 'no at saka may Drake na ako kaya sayong-sayo na si Handson. Gusto ko lang po sanang sabihin sa inyo na hindi kaaya-aya ang hitsura niyo. Mukha na po kayong nakipaglamay sa patay ng tatlong araw. Mag-ayos ka nga! Pupunta ka ng classroom niyo ng ganyan ang hitsura mo? Ang haggard-haggard mo nang tingnan. Mamaya nga baka mapagkamalan ka pa nilang multo niyan. Saka okey ka na ba ha?" panenermon ni Chloe sa akin habang yung dalawa mukhang mamamatay na ata sa katatawa. Ang hirap talagang maging maganda, palaging napapagalitan. *flip hair*
"Sino naman daw ba ang magiging okey sa ginawa mo? Nahimatay na nga yung tao binatukan mo pa ng dalawang beses." sabat naman ni Trish.
"Che, 'wag ka ngang nakikisabat diyan Trish, si Diosa ang kausap ko." sabi ni Chloe kay Trish. Tapos tumingin ulit siya sa akin.
"O ano okey ka na?" tanong niya sa akin. Tumango na lang ako. Sige na nga tutal babalik na rin ako sa classroom, bakit hindi pa ako magpapaganda? Malay niyo makita ako ni crush na ganito ang hitsura maturn-off pa siya sa akin.
Pagkatapos kong makapag-ayos, bumalik na rin ako sa classroom. Naalala ko tanghali na pala. So ganun kahaba ang tulog ko? Tiningnan ko naman ang wristwatch ko. WAAAAAAAAH!!!! 1:00 PM na!! Late na ako!!! Tumakbo na lang ako ng tumakbo. Nadulas pa nga ako eh. First period na ng hapon!!!! WAAHHH!!!
Pagdating ko sa classroom, patay! May teacher na pala. At sa kamalas-malasan pa, si Mrs. Simang "SIMANGOT" Kasimsiman pa yung nasa classroom. Bubully-hin na naman ako nito for sure. Ipa-report ko kaya siya? Hmp! 'wag na kahit na ganun siya may kaunti pa rin namang kabutihan na natitira rito sa puso ko."Good afternoon po mam. Sorry I'm late." sabi ko sabay yuko.
"Ah ikaw pala Ms. Sarragosa. Akala ko hindi ka na babalik. You may now seat at the back." tapos may itinuro siyang upuan doon sa likod. Sa tabi ng lalaking nakayuko, siguro natutulog. Pagka-upo ko pa lang doon sa tabi ng lalaki, nagulat na lang ako nang bigla na lang siyang binato ni Mam ng eraser.
Nagising naman siya at biglang napsigaw dahil siguro sa paga-kagulat niya rin. Ikaw kayang batuhin ng eraser habang himbing na himbing ka sa pagtulog, hindi ka rin kaya magagalit?
"SINO BA YUNG NAMBATO NG ERASER DIYAN?!" sigaw niya.
"Ako lang naman yung nambato, Mr. Chaves. Bakit may reklamo ka?" sarkastikong na sagot ni Mam. Ang hitsura nman nung lalaking katabi ko biglang nagbago. Mula sa tigre na gali na galit kanina, naging maamong tuta ngayon.
BINABASA MO ANG
Dear panget, I love you!
Roman pour AdolescentsStorya ito ng isang panget na simpleng nangangarap na mahalin din siya ng taong pinakamamahal niya :) para sa mga taong umasa at nagmahal ng tunay sa taong iba ang mahal.