Diosa's POV
Yehet!!! Second day ko na ngayon sa science section. Di naman pala sila ganun ka-friendly. Ayaw nilang makipag-usap sa akin. Nakakainis nga eh. Naglalakad pa lang ako ngayon sa hallway, may naririnig na akong sigawan. Nagsisi-takbuhan ang mga tao, mapababae, mapalalaki, mapatomboy at mapabakla. May dinudumog sila.
"KYAAAAAH!!!!~ ANG GWAPO-GWAPO NIYA TALAGA!" sigaw ng mga babae. Ano kaya yun? Nakaka-curious. May hinila naman akong babae na tumatakbo. Tinanong ko naman kung anong nagyayari.
"Miss, anong nangyayari dito?" naguguluhan talaga ako. Usually, hindi naman kasi sila ganito kagulo at kawild.
"Di mo ba alam? May autograph signing si Handson ngayon." pagkarinig ko palang sa pangalan ni Handson my labs ko, biglang kumislap yung mga mata ko. Saka parang may kung anong kumikiliti sa akin na siyang dahilan ng pag ngiti ko ng malapad. Paalis na sana yung babae kaya lang napigilan ko siya.
"Teka, san daw ba banda? Anong oras?" excited na excited kong tanong sa kanya.
"Sa gymnasium. Patapos na ata eh. Kaninang 9 pa nagumpisa yung signing niya. At exactly 10 o'clock, matatapos yung signing niya."
"Anong oras na ba?" tanong ko ulit sa kanya. Ang kulit ko no? Kailangan kong makapunta sa autograph signing ni Crush ko.
"9:50 na. May ten minutes ka pa, kaya gora na! Time is running! Dali na! Kaya mo yan! Aja!" sabi nung babae na nagala-VIVIAN ng Lovers in Paris. Nag-thank you naman ako sa kanya at nagmadali akong pumunta sa gym. Medyo malayo pa naman yun. Hmp! Di bale nang mapagod sa pagtakbo, makapag-paautograph lang ako kay Handson my labs ko, kumpleto na araw ko. Minsan nga lang 'tong opportunity na 'to sasayangin ko pa. Kaya kahit pagod na pagod ako, tiniis ko lahat yun para lang makarating ako sa gym. Hingal na hingal akong dumating sa gym. Pero pagdating ko dun, unti-unti nang umaalis yung mga tao. Kakaunti na lang ata sila.
"Ahm.... Miss bakit unti-unti nang nagsisi-alisan ang mga tao. Nasaan na si Handson my labs ko?" tanong ko dun sa isang babae na nasa gym. Napataas naman kilay niya. Oh bakit problema niya. Anong masama sa sinabi ko? Hugutin ko yang mga kilay niya eh.
"Hindi mo ba alam na tapos na yung autograph signing ni Handson kanina pa? Kanina pa sila umalis kasama ang iba pang mga hearthrobs. Tss. So pathethic." sabi niya sabay roll eyes. Umalis na siya.
Nang marinig ko yun, para akong binuhusan ng malamig na tubig. Para akong pinagsukluban ng langit at ng lupa. Pati tuhod ko biglang nanlambot. Naramdaman ko na lang ang masaganang luha ko na umaagos mula sa mga mata ko. So pathetic sabi nga nung babae. Ba't ganun para akong nahihilo, pati mga mata ko nanlalabo na. Hindi ko na kaya 'to! Ang sakit na ng ulo ko. Patuloy pa rin sa pag-ikot ang mundo ko hanggang sa nawalan na ako ng malay.
* * *
"Diosa...." hala, sino yung tumatawag sa akin? Baka si Mama na naman, ang aga-aga pa kaya!
"Ma! Ang aga pa kaya! Wala naman pong pasok ngayon eh!" sigaw ko kay Mama habang nakapikit pa rin ang mga mata ko. Ang sarap kayang matulog.
"Diosa...." ay! Ang kulit talaga ng nanay ko. Wala namang pasok eh, gisingin daw ba ako ng maaga? Di ko na lang pinansin ang pagtatalak ni Mama. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagtulog ko.
"Diosa...." aish! ang kulit kulit talaga ni Mama. Teka bakit ganun, biglang nag-iba ang boses ni Mama? Baka minamalat na naman siya. Sigaw kasi ng sigaw eh.
"Diosa...." Hala! Teka, iba na 'to! Hindi na si Mama 'to. Boses lalaki eh.
Pagdilat ko ng mata ko, para akong aatakihin sa puso sa nakita ko! SI HANDSON NASA HARAPAN KO NA NAKANGITI HABANG WALANG SUOT NA PANG-ITAAS, IN SHORT TOPLESS!!!!. Napatakip naman ako ng mga mata ko. Hala di na virgin ang mga mata ko?! O.o Ilan kaya yung abs niya? Yummy! One.....Two....Three....
Bigla naman niyang tinanggal yung mga kamay ko na nakatakip sa mga mata ko. Gosh! Ang lapit na ng mukha niya sa akin! O/////O Palapit na ng palapit yung mukha niya sa akin. Kinakabahan naman ako.... Mga 5 inches.....
4 inches......
3 inches......
2 inches......
1 inch....... then....
*KRING!!!!~ KRING!!!!~KRING!!!!~*
Ay kabayo! Muntik na akong mahulog sa higaan ko. Ano ba yun, panaginip lang pala. Sayang! Maghahalikan na sana kami eh. Teka nasaan ako?
"HOY BABAE! BUTI NAMAN AT NAGISING KA NA! " kilala ko yung boses na yun ah. Paglingon ko, nakita ko ang tatlo kong mga kaibigan na di tulad ko na pangit, magaganda sila.
"ANG AKALA KO NGA MATUTULAD KA NA KAY SLEEPING BEAUTY NA FOREVER NANG MATUTULOG! ANG TAGAL MO KAYANG NAKATULOG!" sabi ng kaibigan kong si Shama. Ang babaeng nakalunok ng microphone. Tila armalite ang bibig kung magsalita, walang kapreno- preno. Ayan kasi di marunong prumeno pag nagsasalita eh.
"Hey girl! Let me correct it. Sleeping beauty na walang beauty ang dapat na itawag sa kanya. Or pwede ring Beast sa 'Beauty and the Beast'. Alangan namang Beauty eh hindi naman siya pretty." sabi naman ng kaibigan kong si Chloe na ipinaglihi ata sa labanos dahil sa sobrang puti. Well to tell you the truth,siya kasi ang pinakamaganda sa aming apat kaya walang kaworry-worry kahit magulo ang buhoy niya at madungis siya ay maganda pa rin. Laitera rin 'tong babaeng ito.
"Oo na. Pagpasensyahan niyo na lang po 'tong pagmumukha ko. Ang gaganda niyo kasi. Teka, nasaan ako? Ba't ako nandito?" tanong ko sa kanilang tatlo.
Bigla naman silang nagsingitian ng malapat. Anyare sa kanila? Inaalog-alog nila ako sa magkabila kong braso sabay tili ng pagkalakas-lakas. Napatakip tuloy ako ng tenga ko."Tss. Ano ba yan! Masisira ata eardrums ko sa inyo! Ba't ba kasi kayo sumisigaw?!" kaloka 'tong mga 'to. Kung makasigaw wagas, parang wala ng bukas.
"Eh sa yun ang trip namin. Bakit bawal na bang sumigaw dito sa Pilipinas?! Alam mo ba kung sinong nagdala sayo rito?!" napahinto naman si Shama para sumagap ng hangin. Pffftt!! Hahaha! Bigla kasi siyang pinangapusan ng hininga. Di kasi marunong pumreno.
"Sino nga ba?" puno ng pagtataka kong tanong sa kanya. Ewan ko ba. Ano nga ba kasi ang nagyari?
"Oh hindi mo nga pala siya nakita kanina. Pero guess who?.........."
"Ano ba kayo may pasuspense- suspense pa kasing nalalaman, sabi niyo na lang sino ba?"
"Walang iba kundi si......HANDSON BELABED MO!" sigaw nilang tatlo sa akin. Pagkarinig ko pa lang sa boses sa pangalan niya, automatic na naman na napalukso ang puso ko. Pumapalakpak na naman ang paa at tenga ko dahil sa sobrang katuwaan. Ikaw kaya ang buhatin ng crush mo di ka matutuwa? ha? aminin.... saya mo nun no?
"Kyaaaaah!!! TOLOGO! o tapos ano pa ang sinabi niya?" excited kong tanong sa kanila.
"Binuhat ka niya papunta dito tapos bago siya umalis, sinabihan niya pa kami na wag daw naming kakalimutang painumin ka ng gamot. Magpagaling ka daw. Haba ng hair mo 'teh!" at dahil dun, agad-agad akong bumaba ng higaaan at dumiretso sa classroom sana kaya lang pinigilan ako nung tatlo.
To be continued......
* * *
A/N: sa susunod na lang yung iba :) tinatamad na ako eh.hope you like it :)
-lovefxandshinee-
BINABASA MO ANG
Dear panget, I love you!
Teen FictionStorya ito ng isang panget na simpleng nangangarap na mahalin din siya ng taong pinakamamahal niya :) para sa mga taong umasa at nagmahal ng tunay sa taong iba ang mahal.