EIRON POV
Ilang araw ng hindi ko na sya nakikita dito sa aking condo. Pero hindi ko pa rin ipinatigil ang pag iimbestiga sa kanya kung saan siya pumupunta. Napag alaman ko nung isang araw na sa kanyang kaibigan sya palaging tumatambay, kaya nagtaka rin ako kung asan na ang kanyang magulang. Ipinaalam ko pa yan sa aking imbestigador mailap raw kasi ang impormasyon at kaunti lang ang nahalungkat, hmmn malalaman ko rin yan. At ito naman si hanna panay buntot kung saan ako pupunta naiirita na ako sa kanya minsan parang butiki kong makakapit.
"Babe Eat na, say ahhh!" Sabi ni hanna habang hawak nya ang isang tinidor na may nakatusok na siomai at hinati pa ang mga pagkaing karne na half cook lang ang pagkaka loto, syempre rich eh.... At ako naman napairap ako sa kawalan! Walang ka gana gana ko itong isinubo sa bibig.
"Ganyan nga. Ang gwapo gwapo talaga nitong babes ko!" Hindi ko na sya pinansin ng mag vibrate ang aking cellphone, tiningnan ko ito kung sino.
From: Dad
Come here first in the house, son, we will take care of important people today and you will be here Immediately... Asap!
Haha lintik na mag type si dad may pa Asap pang nalalaman, lihim akong natawa sa aking isipan. Teenager lang? Tumayo na ako sa pag kakaupo.
"Saan ka pupunta babe?" Tanong ni hanna ng kinuha ko na ang aking suit jacket sa upuan.
" You don't have a care,"
"Sama ako..." Nagmamadali rin siyang mahabol ako, para talagang butiki. Kung saan ako andun rin sya. Ewan ko ba! Wala na ata akong paki sa babaeng ito. Ang hirap ipaliwanag kung ano ang naramdaman mo sa isang tao.
_________
Pagkarating namin sa bahay maraming mga tao sa loob at nakita ko naman si dad na paparating na sa kinaroroonan ko.
"Heyy son, buti naman at nakarating ka agad." Nagtaka ako kung ano ang meron at ang dami naman atang mga bisita.
"Im here too dad, sinamahan ko na sya kasi sya lang mag isa." Biglaan namang singit ni hanna na nasa gilid ko lamang, napatingin naman ang ama ko sa kanyang pagsasalita.
"Thanks ija sa pagsama mo sa kanya rito."
"Walang anuman po daddy," Muntik pa akong mabilaukan sa aking narinig, daddy raw hindi bagay sa kanyang katulad.
Iginiya kami ni daddy sa mga taong nagkukumpuni sa meeting room namin at mula sa malayo natanaw ko ang isang babae na medyo kaidaran lang rin ni daddy pero sobrang ileganteng tingnan at napakagandang babae, maputi sya, matangkad at masasabi mong may dating sya na maiintimidate ka talaga, mababakas kasi sa kanyang mukha na hindi sya palangiti at strict rin sya mag turo sa projector na nasa kanyang harapan habang matapang na nakikipag titigan sa mata ng bawat businessman na nasa harapan nya.
"Who is she dad?"
Bulong ko kay daddy dahil andito na lamang kami ngayon nakatayo sa may likuran habang ai daddy tahimik na nakikinig sa harap, nilingon ako ni daddy.
"Makilala mo rin siya mamaya anak, isa siya sa pinakamayamang tao na nagmamay ari ng iba't ibang kompanya na pinanghahawakan nya kaya nag taka lang ako kung bakit wala pang nakakaalam kung meron ba siyang anak o wala pa." Tugon ni daddy sa akin sa kalagitnaan ng kanyang pakikinig ay nag kwento siya kung gaano ka rangya sa buhay ang babaeng nasa harapan namin.
"Walang nakakakilala sa kanya, maging sa buong pamilya nila iwan rin masyadong ilap ang babaeng yan pag dating sa media." Dagdag nya pa.
Hmmm sounds interesting right?Saad ni dad sa akin habang nasa harap parin ang mga paningin.
BINABASA MO ANG
Maid Benefits
RomansShe thought that she was just an ordinary girl who came from a simple family, but one day she will find out that her real parents are still alive and they are hoping to see her Again. Daiche Ponce Imperial, happy and resilient when it comes to prob...