Chapter 18 Selos at Pag-alala

34 5 0
                                    

DAICHE POV

Kina umagahan ay maaga akong bumangon para sa paghahanda ng pang agahan sa aming mga bisita baka mamaya papagalitan na naman ako ng impokrita na iyon, mahirap na. Kinalkal nya ang mga kagamitan sa pang kusina at nag hanap ng kutsilyo para pang hiwa nya sa Isda, naku di ko kilala ang isda na ito hindi naman kasi ako taga dagat eh no? Saka tamad ako mag basa ng mga libro kaya mahina ako pag dating sa mga bagay na dapat pang kilalanin. 

'Asan ba kasi ang iba pang kagamitan dito! Hayst' Napabulong ako sa kawalan ng wala akong makita maliban sa mga kutsilyo na naka hilera sa aking harapan. 'Ano gawin ko rito? bahala na nga!

akmang bubuksan ko na ang reef ng may mauna na kamay ang nakahawak kisa sa akin kaya ang nangyari ako ang nasa harapan at ang lalaki naman na hindi ko alam kung sino ito ay nasa likod ko mismo at walang kibo na binuksan ang reef, nanigas ako sa kinatatayuan ko hindi ako makakilos Ang kinuha nya mula sa loob ay buko juice at isang sandwich ang kinuha.

Hindi ako mapakali pano ba naman kasi ano? Di kasi umalis at parang na Enjoy pa sa kanyang kinakain, takot naman akong lumingon baka kasi isa sa mga bisita ni Eiron lagot ako.

"Ano ginagawa mo dito Imperial! Gusto mo talaga sigurong lumandi sa mga bisita rito ano?" Napakuyom ako sa aking kamay at alam ko na kung sino ang lalaking nasa aking likuran na ang hilig lamang ay mambwisit sa buhay, hindi ko ito binigyan ng pansin at kumuha ng mga sangkap para sa aking lutuin para sa kanilang piste na pang umagahan.

Pag ako nainis baka lasunin ko sila lahat dito mismo sa kanyang mansyon kala nya ha? Pag papatay ko na mismo nila sa aking naisip, hinihiwa ko naman ang mga Atsal, kamatis, bawang, para sa pampalasa na Isda na kanyang lutuin, habang si Eiron nama'y panay salita sa likuran na hindi ko naman maintindihan kung ano ang mga sinasabi nito nawawala tuloy ako sa konsentrasyon na kanyang pinag gagawa. 

"Aray, ang hapdi." Napadaing ako sa sobrang sakit ng masugatan ang aking mga kamay mula sa paghihiwa.

"H-hey, Are you okay?"

Nabigla ako sa naging reaksyon ni Eiron na parang labis siyang nag alala saka nagmamadaling pumunta sa itaas kaya napasunod ako ng tingin sa kanya. 'Anyari doon.' kibit balikat kung bulong habang iniinda ang hapdi ng aking kamay, makalipas ang ilang minuto ay bumalik ito at may dala dala ng first Aid kit kumunot ang aking nuo. "T-teka lang bakit kailangan pa ikaw ang mag gamot pwede namang ako lang!" 

"Pwede ba wag ka na maraming reklamo dyan? Sandali lang may malapit nang matapos." Napanganga ako sa tinuran ni Eiron sa akin, hindi ako nakapag salita at walang imik na lamang na tiningnan sya habang ginagamot ang aking sugat. Nagdurugo kasi ito ng marami kanina kaya nagpapasalamat narin ako sa kanya na kahit papaano y may awa naman pala itong lalaking ito. 

Napatingin ako sa kanyang mukha bakit ba kasi ikaw pa pinili ko! Marami naman dyan kaso ayaw talaga parang kinulong mo ako na hindi na makawala sa hawla mo. "Staring is rude." Nawala ang pagkatitig ko sa kanya at nilipat na lamang sa ibang direksyon ang aking mga paningin, kaso nanlaki yung mga mata ko na bahagya syang tumawa oh kaya naman naduduling na ang pandinig ko at kung ano ano na lamang ang aking nakikita mula sa kanya. Na'ng matapos niyang linisin ang sugat ko at nilagyan ng band Aid ay sya ring pagkarinig ko na may mga nagmamadaling pumunta dito sa aming gawi at mukhang ang mga katulong na ito na naghahanda ng pang agahan, kaya napatayo ako bigla at umayos sa pag kakatayo, pag makita kami dito na ganito ang set up namin ay naku mahirap na baka kung ano ang kanilang iisipin na hindi maganda ako na naman ang pag bubuntungan ng init ng ulo ng Hanna na iyon kaya kailangan ko nang mag ingat.

Napatingin naman ako sa gawi ni Eiron na pinupulot ang mga laman ng first Aid kit kaya naabutan parin kami na nandito pa si Eiron sa harap ko kaso ang pinagkaiba lang ay ako nakatayo na tapos ang lalaking ito naman ay panay ayos parin sa mga kagamitan kaya napahinto ang mga katulong at dumako ang kanilang mga paningin sa kanilang señorito.

Maid BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon