Chapter 16 Paglapit

27 5 0
                                    

"So? Ano ngayon sayo! Selos ka dahil hindi ikaw pinili ko?" Bakas sa bosis nito ang pang iinis kaya si Drake naman ay biglang napa halak halak.

"Hahahahahha, sumasakit ang tiyan ko sa mga pinagsasabi mo. Hindi ka ba nasuka? Or sadyang haliparot ka lang hahaha."

Patuloy na pag tawa nito kaya ang dalaga ng umuusok ang ilong dahil sa inis at galit na binalingan si Drake, si Richmond naman ay hindi mapakali sa kanyang upuan naiisip nya kasi kapang patuloy na mag sasagutan ang dalawa baka kung saan pa mapunta.

"Guys stop it, baka san na naman yan mapunta ang pinag uusapan nyo. Diba pwedeng happy?" Naka bungisngis na bigkas ni Richmond sa dalawa. Kaya napalingon sa kanya ang mga paningin nito. Saka sabay sabing. 




"HINDI" 

muntik pang matawa si Richmond sa Reaction nila kaya lang pinipigilan nya ang kanyang sarili nasa harap pa kasi si Eiron na parang nag observe lang sa kanila, kaya hindi nya maiwasang mailang kahit na bestfriend nya yan pero wala pa syang alam kung ano tunay na ugali ng kanyang kaibigan, Minsan kasi hindi niya ma habol ang iniisip nito sa mga ilang bagay na gusto at sa hindi kaya mahirapan kang kilalanin sya and besides hindi ito masyado nakikipag halubilo sa mga binata na katulad niya malimit lang ang nilalapitan nito.

"Lets go. Huwag puro landi tssk."

Matapos masabi ni Eiron ang mga katagang iyan ay umalis ito mula sa pag kakapit pa ng dalaga kaya bahagyang nagulat ito sa pag higit ng braso mula sa binata. Ang binatang drake naman ay napatingin na lamang sa papalayong pigura ng lalaki pa labas ng mansyon. Tumayo na lamang rin sya at hindi pa pinasin ang dalaga na panay dabog at pag mamaktol bagkus sumunod narin siya sa dalawang binata sa paglalakad palabas ng mansyon ni Eiron.

Nahagip pa nya sa kanyang mga mata ang isang naka uniporme na katulong na bitbit ang mga maleta, nainis sya bigla sa nakita hindi nya akalain na sasama ito sa kanilang business trip patungong boracay beach. Doon gaganapin ang shooting scene nila at ang mga model ang galing pa ibang bansa from, Israel, thailand, Korea.

Nilapitan ng dalaga ang katulong at hinarangan ito sa dinaraanan habang hila hila pa ang malita na hawak, na angat naman ang katulong walang iba kundi si daiche.

Sino nga ba ang babae na nakapag painit masyado ng dugo ng isang Hanna Hindi ba si Daiche lang naman! Kaya ito binibwesit na naman nya ang pananahimik nito, tinadyakan nya ang isa sa mga malita na bit bit nito kaya ang nangyari ay nag silag lagan ang kanyang mga gamit na isinilid sa loob, nagkalat ang mga kagamitan ni Daiche habang si Hanna naman ay lihim na ngumiti saka panay silip sa labas kung may bumalik ba na isa sa mga lalaki, nanag wala itong makita ay panay lait nya sa mga kasuotan na kanyang nakita.

"Ewww. Yan ba mga sinusuot mo? Alam mo girl sa akin kasi. Ang mga ganyang damit at underwear ay basahan ko lang sa pwet ng aking aso! Nakakadiri yang mga clothes mo hah? Wala kabang pera pang bili ng accessory? Ang poor mo naman."

Papuri niya sa kanyang sarili at panlalait naman nya kay daiche, walang kahit na anong imik ang narinig nya mula dito kaya nainis sya, panay pulot lang kasi ang ginawa ni Daiche at hindi siya pinagtuunan ng pansin nito. 

"Bastos ka talaga ha?" Hihilahin nya sana ang buhok ng dalaga ng dumating si Drake.

" Hanap mo ba gulo hanna? Bakit ka mang aapi sa hindi mo kauri! Mas mabuti pang umalis kana lang dyan sa kanyang harapan kisa nambwa bwisit ka ng araw ng ibamg tao. Tssk!" Nahinto ang kanyang kamay at masama ang tingin nito na binigay sa lalaki.

"Magsama nga kayo?" Walked out ang naging resulta at nagdadabog na umalis si hanna, tumulong naman si Drake ni Daiche sa pag silid ng mga gamit sa maleta. Kaya lang-




Maid BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon