New Year with a Bomb

134 5 3
                                    

Shannah's POV
Di ko namalayan na natapos na ang nakaraang taon at iilang oras na lang magsisimula na ang panibagong taon.

3 months passed since I woke up from coma, ang daming nanyari within that span of time. Naging magMU kami ni kuya, nililigawan ni Jerome si Ira, may GF na half Brazilian si Kuya Gin named Alessandra and mind you she is so pretty, no scratch that mas bagay ang gorgeous, idagdag mo pa na matalino siya. Well as expected Kuya Gin's taste in clothing and lifestyle will also be equal with the kind of girl he would like, High Quality at its best!

I sat down sa bench na pinakamalapit sa akin napagod na kasi ako sa kakalakad. Andito ako ngayon sa garden ng mga Majadji, we all decided na dito kami mag new year sa Baguio ancestral house nila.
Ang lamig talaga may mist na ngang lumalabas sa bibig at ilong ko everytime I breathe out.

From where I'm sitting, narinig ko ang tawanan ng apat na bubwit habang naghaharutan at nagkakantahan. Andun sila sa may porch ng bahay.

I love the sound of their laughter, parang kailan lang na iyak pa nila dahil sa basa na diaper, o kaya dahil gutom ang naririnig ko from them.
Now they are growing up fast. Pretty soon college students na rin sila... Ang bilis ng panahon talaga.

Which reminds me, malapit na rin kaming gagraduate ni kuya. Goodbye High School and hello Prestige!
Kaya lang, I haven't told them na di ako sa Prestige Manila na endorse pero sa Prestige Australia.

Napahilamos ako sa mukha and combed my hair with my fingers. How will I tell them? Pero for sure ok lang naman sa kanila, they would be proud pa nga, pero di ako sure how Kuya Kharl would take this, sa pagkakaalam niya kasi sa Manila lang ako. He was positive about it. Kaya nga he applied for a university near Prestige Manila para daw magkalapit pa rin kami kahit papaano.

How will I drop it to you kuya? Napabuntong hininga na lang ako habang ibinulong yun sa hangin.
"Parang ang lalim ng iniisip mo? A penny for your thoughts?" I heard that familiar voice that never fails to make my heart skip a beat.

Tumabi na siya sa kinauupuan ko and carefully rubbed his palms against my hand.

"Ang lamig ng kamay mo, is it because of the cold weather or dahil sa iniisip mo?" he asked with I smile.
Kilala niya talaga ako to the point na parang nababasa na niya kung may gumugulo nga sa akin.

I just stayed silent pero yumakap ako sa kanya, di ko kasi alam paano at saan ako magsisimula.

"Alam ko it's about Prestige Australia, andun yung sulat sa notebook na hiniram ko sa iyo. If you are worried kung paano mo sasabihin sa akin that is already solved" nakasmile niyang sabi sa akin at niyakap na rin niya ako.

"Shan aaminin ko ayaw kong malayo ka sa akin, it scares me na baka mapunta ka sa iba. O kaya tuluyang maging kuya mo na lang talaga habang buhay. Pero..." bumuntong hininga si kuya at hinimas himas niya ang buhok ko.
Sinubsob ko lalo ang ulo ko sa dibdib niya. "I'm not that selfish, alam ko matagal mo ng pangarap na maging parte ng Prestige and dun ka pa talaga sa main na endorse. I can't keep you from your dream dahil pangarap ko na rin yun.
Alam ko kung anong hirap mo para lang makuha ang recommendation ng school and it's already here, yung dreams mo abot kamay mo na at wala akong planong maging sagabal. Besides if we are really meant to be then it will be" sabi niya sa akin.
I looked up to him and saw him smile.

"Pero feeling ko tayo talaga meant to be" at tumawa siya after saying that.
"Ay ewan ko sa iyo ku... Kharl ang tino mo rin kausap minsan. " nakapout kong sagot.

"Basta Shan, if ever you found someone else doon don't hesitate to tell me maiintindihan ko" dagdag pa niya.
"You do the same ok" nakapout ko pa ring sabi.

"Of course, pero I doubt you could find someone better than me" biro niya sa akin.

"Feeling mo talaga, ewan ko sa iyo." kinurot ko pa tagiliran niya.
"Oy masakit yan, sige ka another kiss yan" biro niya at nag wiggle pa mga kilay niya.

"Magtigil ka nga diyan, meron bang magMU na parang magBF na ewan ko sa iyo" hinampas ko siya sa braso at pilit na kumawala sa yakap niya.
"Biro lang ito naman oh" niyakap niya ulit ako.

"Kailan ang alis mo?" tanong niya sa akin.

"A week after grad, ihahatid mo ako?" tanong ko naman sa kanya.
"Ayaw ko baka magdrama ka pa sa airport"sagot niya sa akin as he hugged me tighter.

"If I know ikaw ang magdadrama, ipasa ba sa akin che!" sagot ko sa kanya.

"Eh sino kaya ang iyakin sa atin lalo na sa mga goodbyes? Di ba ikaw?" he answered back as he planted a kiss sa ulo ko.
"Fine sige ako na nga ang magdadrama, I can never win against you" yun na lang ang sinabi ko kasi di talaga papatalo ang kumag na poging ito.

"Good at alam mo yan, pasok na tayo masyado ng malamig dito" he told me as he helped me stand up. Inakbayan na niya ako habang naglalakad papasok sa house.

When we got in, sumalubong sa amin ang ingay ng mga bubwit sa porch pati na ang videoke contest ng mga moms and tita namin.

Napansin din namin na busy sa skype si Kuya Gin sa may bandang indoor swing sa gilid ng porch.

Si Ira naman at Jerome andun kasama nga ang mga bubwit pero parang may sariling mundo naman.

Napansin nila na palapit na kami.

"HAPPY NEW YEAR" sabay na bati ni Josh at Noel, at sabay din silang nabatukan ni Abby at Serene, si Serene for Josh at Abby for Noel.

"Mamaya pa kayo dapat mag greet niyan, di pa nga nakarating ang bagong taon." sabi ni Abby.
"Excited lang?" ewan ko sa inyong dalawa" dagdag pa ni Serene.
" Sige ibahin na lang namin" sabi ni Noel at nagwhisper siya s ear ni Josh.
"Soon to be Happy New Year!" bati nila ulit.
"SIRA!" sabi ni Abby At Serene sabay batok sa dalawa, si Serene kay Josh at Abby kay Noel.
"Hayaan niyo na ang harsh niyo, kawawa naman ang mga baby bro ko, lapit nga kayo dito paramahug ni ate" lambing ko sa kanila.
Lumapit nga sila at yumakap sa akin ng mahigpit.

"Sali ako" sabi ni Kuya at nakiyakap na.

"Kami rin" lumapit na si Abby at Serene.

"Oi we will join too" nakisali na si Ira at Jerome.

"Oi sali ako sa group hug sandali lang" lumapit na rin si kuya Gin and nakihug.

"Aray ang sikip di na ako makahinga" biro ko sa kanila.

"Tighter everyone" sabi ni Kuya Gin and they all complied then they let go and we ended up laughing.

I'm gonna miss them, kaya ko kayang mangibang bansa talaga?

From Kuya to Prince CharmingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon