Ang Youth Club Members

638 34 5
                                    

To my readers ng from kuya to prince charming, I adjusted chapter 1... I made Josh a little Older and Kuya Gin too ahahahha.....


7 years later

"Kuya Kharl!" tawag ko sa kanya, andito kami ngayon sa Children's Foundation HQ, may Youth club meeting kami ngayon. 

This is the foundation na itinayo ng mga mommy namin, a Non-Government Organization that focuses on helping out Orphans.

Our mommies were best of friends since High School, silang 4 ay nagkasundo na itayo itong foundation since they grew up as orphans. O di ba ang ganda ng story nila since then true friendhsip that will last forever na ang peg nila, ngayon kaming mga anak nila ang nagpapatuloy ng friendship na ito. 

"Ikaw lang pala" nilingon na ako ni kuya, after saying that nagpatuloy na siya sa kanyang paglalakad na parang wala lang, iniwan na niya yung back pack niya sa locker rooms namin dito. I did the same na lang. Before siya makalayo, I hugged him from behind, ikinagulat niya yun, pero di na siya pumalag, alam naman niya na habit ko na talaga ang yumakap sa kanya at kahit sa ibang club members. I let go of him and he gave me a pat sa head. 

Umupo na si kuya, galing pa kaming dalawa sa aming kanya kanyang school, every Wednesday may youth club meeting kami, yep you heard it right, we are the Youth division ng Org na ito. We will just wait for other club members na lang, palagi namang ganito nauuna kaming dalawa.

OMyGEE I forgot, talak ako ng talak dito, hindi niyo pa nga ako kilala. I am Shannah Athena Sy, a  4th year High School student ng all girls school, Lady of Lourdes Academy. 

Yung tinawag ko kanina ay si Kuya Kharl Jupiter Savana, 4th year din siya, from our neighbor school, Alexander Xavier Academy, an all boys school. We are halos the same age lang, pero mas nakakatanda siya sa akin ng 1 month kaya kuya tawag ko sa kanya...

As usual, kinuha na ni kuya yung gitara at sinimulan ng e tune-up yun. Hindi talaga siya ang gitarista namin, si Josh ang expert diyan, pero parang trip ni kuya mag-aral ng gitara. 

"Kuya" tawag ko sa kanya, walang imik

"KUYAAAAAAAA!" sigaw ko sa kanya, this time he raised his head, "What?" mahina niyang tanong.

Lumapit na ako at umupo sa harap niya, indian style " May cookies ako, you want?" inilahad ko ang cute kong panda shaped lunch box. Tinignan niya lang ang lunch box with his lazysleepy eyes, ganito talaga mga mata niya parang palaging inaantok.

After a million years, binuksan na niya ang lunch box at kumuha ng isa. He nibbled it after muttering a word of thanks. 

"Shannah, maupo ka nga ng maayos dalaga ka na" may biglang nagsalita, si Kuya Gin Pluto pala, elder brother ni Kuya Kharl.

"Kuya Gin" tumayo ako ang hugged him.

"Hahay naku, ikaw na talaga ang adik sa yakap!" sabi ni Kuya Gin. Unlike kuya Kharl, madaldal ito at may pagkabacklush kumilos, pero hindi siya backlush ha!

"Ikaw naman Kharl, hindi mo na sinaway ito" pinagalitan niya yung kapatid niya.

"Di naman dalaga yan eh, binata kamo!" birong sagot ni kuya.

"Hay naku, yan kasi Shannah, kikay ka nga, pero mas gusto mo ang mga panlalaking bagay, yung music genre mo parehas kay Kharl, hobbies mo parehas din sa kanya, kulang na lang pati pananamit mo tumulad na sa kanya" umupo na siya katabi ni kuya Kharl at kumuha ng cookie. 

After that nagulat ako ng biglang may nagtakip ng mata ko. "Sino ito?" tanong ko, then I heard a giggle, alam ko kung kanino ang giggle na iyon. 

"Abby!" I said out loud at tinaggal ko na ang kamay niya from my face. Since hawak ko pa mga kamay niya, I took the chance na kilitiin siya, one hand nakahawak sa hands niya, the other doing the deed. 

Bumuhakhak siya ng tawa, hinihingal na nga siya ng tinigilan ko na. 

"Ate Shan ikaw talaga, ang daya!" sabi pa niya while catching her breath. I pulled her up since napahiga na siya sa carpet.  Siya nga pala si Abby Neptune, youngest sibling ng Savana brothers. 

After I pulled her up we ended up hugging each other. "WAAAAAH Ate I miss you na!" sabi pa niya

"I miss you na Abby, ang tagal nating hindi nagkita" papunas punas pa ako ng mata ko na parang naiyak talaga. Nagbeso beso kaming dalawa then hugged back again. 

"Mga loka loka nga talaga kayo" sister ko yung nagsalita, si Serene Artemis, siya yung bestfriend ni Abby. Umupo na siya sa harap may meeting table. 

"Hi ate, and mga kuya, bakit kayo nagtitiyaga diyan sa floor may upuan naman?" tanong niya sa amin.

We stood up na and seated na dun sa meeting table. 

"Hi ate" he gave me a hug then a peck sa cheek, si Josh Narci Santos yun, the youngest ng group, Freshman HS or 1st year High School student pa yan, secret crush ng kapatid ko at parang crush rin niya ang sis ko, ang lalandi nila no? ahaha, sa totoo lang vote na vote ako sa batang ire, ang fufu naman kasi, bagay sila ng sisterette kong pretty!

"Ate!" hug and kiss ulit sa cheek, this time si Noel Apollo Majadji naman yun, ang crush ni Abby... parng mag M.U rin sila, hay buhay ako lang ata ang walang crush dito makahanap nga ! ahaha

So basically, ito yung members ng Youth Club, Si Abby, Serene at si Noel ay classmates, Sophomores or 2nd year HS silang tatlo, Si Josh naman school mate nila. Maliit lang kami na grupo pero super kulit. 

Lalo na kaming dalawa ni Abby, kami ang mga loka loka ng grupo, pero yung close ko talaga willbe kuya Kharl... kahit di masyadong nagsasalita yun! 

So we started the meeting na, si Kuya Gin yung president namin.

"Young People, meron tayong outreach next week and we need to prepare a small program, I will be dividing you into different roles" uminom muna siya ng tubig in a maarteng way, ganito talaga si kuya, kaya nga napagkakamalng backlush eh!

"Abby and Serene kayo na bahala sa parlor games, gawain niyo naman yan ever since, Shannah and Kharl, kayo na sa distribution ng food, At kayong dalawang ugok na hindi nakikinig sa akin, yung sound system ang ibaby sit niyo!" sabi niya habang itinuro si Noel at Josh while nakapamewang.

"Opo Mr. President" chorus ng dalawa

"Ako naman ang beauty ko ang mag emcee!, ngayon mga bruha t bruho, we need to talk about our song and dance presentation, wag yung my toes my knees ha!"

tumawa kaming lahat, gasgas na kasi yung my toes and my knees sa amin, naging offcial presentation na yata namin yun, the maarte version nga lang ahaha.

"any suggestions?" tanong niya sa amin

"Barney song!" biro naming lahat

"Che! mga loko ito, kayo mag barney diyan!" sagot niya sa amin

"Kuya uso sa mga bata ng roar ngayon" suggestion ni Abby

"Yung kay Katty Perry?" tanong niya

"Ay hindi, yung kay Henry Haggle Monster" biro ni Serene

"Che! mga impakta talaga kayo, sige mag roar tayo, ikaw Noel, Josh, Abby at Serene ang unggoy at si Shannah ang elepante, Kharl ikaw na ang tigre" sabi niya sa amin habang tinuro turo pa kami.

"Eh ikaw ano role mo?"tanong ni Kharl

"E di siyempre, ako si Katy Perry" at nagpose pa si Kuya Gin.

Bumuhakhak na kami ng tawa lahat, hay ewan confused na talaga kami kay kuya, anebe!?











From Kuya to Prince CharmingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon