Handcuffs, Trapped and a thief

219 27 3
                                    

Kharl's POV

Foundation Week na ng mga schools namin ni Shan, sobrang busy namin, kahit nga ako na hindi masyadong active sa school naging busy bigla. Kumusta na kaya ang makulit na yun? the last time I saw her was nung play pa. She was super busy with the event preparations, sabagay SC President yun.

Ang gulo ng school namin, well kami kasi ang host ng Foundation celebration this year. I usually don't attend this, mas gusto ko pang magdota na lang, kaya lang last year ko na sa school na ito pinagbigayan ko na, idagdag pa na lahat ng  4th years of both schools ang may pasimuno nito.

Ako ang program director para sa Night Show mamaya, last day na ng celebration. Hay! Buti naman at matatapos na ang bangugot na ito. Halos isang linggo din ako iwas ng iwas sa handcuff team, paano ba naman kasi itong si Monique di ako tinatatantanan, di ba niya naiintindihan na di ako interesado sa mga babae? 

Buti na lang sanay ako sa pagtatago at pag-iwas ahehee, ayun nakasurvive. Wala naman akong masyadong ginagawa today, so umikot ikot muna ako sa school grounds pero nag-iingat pa rin ako mahirap na. 

Bumili muna ako ng Double Dutch ice cream nang mahigip ng paningin ko si Shannah, she looks stressed out at parang wala sa mood, nakakunot yung noo niya eh. Lumapit na ako, "BOO!" nagulat siya sa ginawa ko, magugulatin talaga siya. 

"Kuyaaaaaaa ang sama mo, nangugulat ka!" saway niya sa akin at hinampas hampas niya ako sa braso while naka pout.

"Ang seryoso mo kasi diyan" nakatawa kong sabi sa kanya. 

"Stressed lang ako, buti nga last day na ito ng event" she said, halatang stressed na nga siya, she has dark circles sa mga mata para na tuloy siyang panda, chubby na cute panda, ang sarap kurutin!

"Alam ko kung ano ang makakatanggal ng stress mo" sabi ko sa kanya. 

"Ano?" nakakunot noo niyang tanong.

"Ito oh sa iyo na!" sabi ko sa kanya and offered my ice cream sa kanya. 

"Kuya talaga kadiri, dinilaan mo na yan eh, parang indirect ..." naputol na ang sinabi niya at biglang namula. 

Sure ako naalala na naman niya yun, I almost forgot ulit na girl pala siya, important yung mga first first, and as what I remember that was her first. 

Bigla tuloy naging awkward ang situation. "Ikaw talaga di ka na mabiro, ibibili kita oi, tara na" hinila ko na lang siya papuntang  ice cream stand. Yun na lang ginawa ko to break the awkwardness. 

Ibinili ko na nga siya ng ice cream same flavor as mine, the same kami ng favorite. Ibibigay ko na sana ang ice cream niya and she was about to get it from me na when...

"Huli kayo, ang hirap niyong hagilapin, first day ng event pa lang nakalista na ang name niyo" sabi ni Ira sa amin, isa pala siya sa handcuff team, and right now nakahandcuff kami ni Shannah to each other.

"Wait, sino nagbayad?" tanong ni Shannah sa kanya. Ira just smiled " See you sa may gate ng gym after an hour" after saying that she left na. 

Bumuntong hininga na lang kaming dalawa. "Well we have no choice so saan tayo ngayon?" tanong ko sa kanya.

"May kukunin pa ako na supplies from the storage room sa may gym, since dun rin naman punta natin might as well do that na" sagot niya sa akin while smiling. Nagulat siya ng hinawakan ko ang kamay niya and gently led her towards the gym. 

Nagtataka yung face niya, "Masasaktan ang wrist mo if hila hila lang kita with the handcuff, mas ok yung ganito." explain ko sa kanya. 

Tumango lang siya then smiled. Nakarating na kami sa storage room, nilagyan ko ng stopper which is a piece of paper na itinupi ng many folds, ang door ng storage room. Sira kasi ang door lock, if magclose yan na andito pa kami, we will end up trapped. 

Tinulungan ko na si Shan na buhatin ang mga box na may lamang prizes para sa games mamayang gabi. 

Biglang umihip ang malakas na hangin papasok sa gym, ayun natanggal ang paper stopper ko at sumara yung door. We're trapped.

Shan looked worried, "Kuya may load ka?" tanong niya sa akin.

"Wala eh!" sagot ko sa kanya.

"Lowbatt ang phone ko naman" she sighed, looking more worried.

"Well I guess we have to wait here." maupo na lang muna tayo sa sahig, clean naman eh" suggest ko sa kanya. 

She complied, naupo na nga kami sa sahig, shoulder to shoulder kasi di naman ganun kalaki ang storage room. 

"You look tired, take a nap muna gigisingin lang kita pag may narinig na akong tao sa labas" sabi ko sa kanya and offered my shoulder.

"Thanks kuya, I really am sleepy and tired" ipinilig na niya ang ulo niya sa balikat ko and soon drifted to sleep. Tinignan ko siya while sleeping, ang creepy ko na noh?

She looks so innocent while sleeping parang bata, pero pag gising ewan parang bata rin ang kakulitan. Ewan kung bakit nilapit ko ang mukha ko sa kanya. 

I'm your first semi-kiss technically, why not make it real na lang talaga... Di ko alam kung anong masamang ispirito o kaya masamang hangin ang pumasok sa utak ko, I gently kissed her, it was just a peck. Then I heard somebody trying to open the door. Si Ira pala.

"As what I've thought andito kayo, tsk tsk I guess you were trapped here, It's so windy outside, buti na lang may nakakita sa inyong papunta dito kanina. Lampas 1 hour na " she smiled. Isang oras na pala ang dumaan?

Ginising ko na si Shan, kinusot kusot niya ang mga mata niya at biglang yumakap kay Ira, nadala ako sa biglaan niyang pagtayo. 

"Bhezie, thank you talaga, baka inabot na kami ni kuya dito ng Christmas" sabi niya kay Ira. 

"Grabe, Christmas agad agad, di na pwedeng exams lang muna" biro ni Ira sa kanya.

 "basta bhezie I am happy, buti nga kasama ko si kuya kung hindi baka nagpanic na ako" she said

Tinanggal na ni Ira yung handcuff.

"Mauna na kayo Shan and Ira, ako na lang magbubuhat ng mga prizes, saan ko ba ito ilalagay?" tanong ko sa kay Shannah. 

"Sa may table sa stage kuya, papunta din ako dun" sagot niya sa akin.

Nauna na ngang lumabas si Shan at sumunod lang ako, she looked cheerful again. Tinignan ko lang siya, kahit saang anggulo ko siya tignan she really is a girl by body, heart and mind, bakit sa una I never thought of her that way?

 Because Kharl, everything nhas changed, di na kayo bata... sagot ko sa sarili ko. 

From Kuya to Prince CharmingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon