Kuya or not?

203 25 4
                                    

Jerome's POV

Di ko alam kung bakit andito ako ngayon sa HQ ng youth club about to do free work. Di talaga ako mahilig sa mga ganito, I would rather play Dota or date girls. Not that I am bragging, pero I never run out of girls to date, pero these past few dates, wala akong gana sa kanila, I only want to ate one girl and that's Shannah Athena Sy. Ewan di siya mawala s isip ko, like broken ipod, her smiles gets stuck then replays in my mind. Parang kanta lang na replay?

Kaya lang naman ako sumama dito, who knows makakausap ko na talaga siya in private because of this. Hindi ako makaporma, sa school she is so busy pag vacant naman siya either kasama niya mga friends niya or silang dalawa ni Kharl magkasama. Sabay silang pumapasok sa school at sabay din umuuwi, hatid-sundo siguro ni Kharl. Di rin ako makahingi ng tulong from him,he clearly stated off limits si Shannah, at first I just want to play with her, pero kalaunan, gusto ko na siya talaga, who wouldn't? She is not like other girls na sobrang landi o kaya masyadong obvious. Shannah is simple minded yet she is full of surprises.

Nakita ko na dumating na yung car ng mga Sy, hinatid sila ng mom nila. SHe cheerfully kissed her mom goodbye at si Serene naman wala lang kiss lang sa cheek the normal way. 

"Kuyaaaaa bigat ng bag ko" she waved at Kharl at nakapout pa siya while she called him to come over.

Tumayo si Khalr sa kinauupuan niya which is the front steps ng building nila. Di maisip paano niya narinig si Shan, nakaearphones kasi siya and knowing him, I'm sure he is listening to LP right now. 

Ginulo niya buhok ni Shan, hinila naman siya papalapit nito to hug him. Ang close talaga nila, kung ako kay Kharl niligawan ko na siya, ano pa ba hinahanap niya, cute, intelligent, popular and super bait, may pagkachildish nga lang. 

Kharl hugged back and ginulo niya ulit buhok nito. She then let go of the hug, kumapit siya sa braso ni Kharl and cheerfully told him a story about the book she read. 

"Kuya ang ganda ng book na yun, you should read it too..." and a lot more pa, madaldal pala siya, how come usually silent lang siya sa school.

Napansin ko rin na madaldal si Kharl pag siya kasama, sabagay kung lumaki ba naman kayo together, you would really be close. Nag-iiba si Kharl when it comes to Shannah, mailap sa girls ang friend ko na ito, friendly pero di talaga siya into girls. 

Shannah waved at me, "Jerome glad you could come" she smiled sweetly at ayun oh! natunaw na ang puso ko.

"Of course Shan, I promised I'd join di ba" kinuha ko ang kamay niya and kissed the back of it habang nakatingin sa kanya. She blushed at nagbaba siya ng tingin. Gothcha!


Biglang napadaan si Gin sa gitna at nabitiwan ko ang kamay ni Shan. 

"Dumating na ang lahat, well it's time for us to ride the bonggang bus" narinig kong sabi ni Gin, di ko maintindihan kung bakla ba siya o hindi?

Umakyat na kami sa bus, bus nga pala ito ng Blessed Academy, in fairness spacious yung bus. 

Naupo na si Shannah, she chose a window seat, tatabi na sana ako sa kanya ng hinila ako ni Ira. "Oi Je dito ka na umupo oh, may itatanong ako sa iyo about sa next joint school activity natin." 

Bakit pakiramdam ko lahat ng tao dito ayaw nilang lumapit ako kay Shan?

Tatanggi sana ako pero...

"Naunahan mo nanaman ako sa window seat, ikaw na talaga"  Kharl chuckled after saying that.

"May dala ka pang backpack, ilagay natin yan dun sa compartment" sabi ni Kharl sa kanya. 

From Kuya to Prince CharmingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon