Chapter 1

11 3 0
                                    

Chapter 1

Hindi ako mahahanap ng ugok na 'yun. O pwede rin at kung sakali man, mawawala ang balak niyang pangungulit sa akin kung mayroon man siyang balak.

Mahirap kami. Marami nang naturn-off sa'kin nang dahil lang doon. And it's actually nice. Bawas toxic ng buhay. Sa totoo lang ay para masukat kung gaano katapat ang isang kaibigan sa akin ay dinadala ko sila sa bahay. Some leave because they can't stand being around poor girls with ugly houses like me. Some stay.

Hindi naman kawalan iyong mga lumalayo sa akin. Una sa lahat, hindi ko sila kailangan. Bakit, pera ba sila para hilingin ko?

"Bakit ngayon ka lang umuwi? Sa'n ka galing?" Bungad ni mama pagkabukas ko pa lang ng pinto "Maganda ba mansyon nila?"

Suot ang luma niyang duster ay lumapit siya sa akin at sinabayan ako sa paglalakad. Diretso ang tingin kong nagtungo sa kusina para ilapag ang supot ng mga ulam.

"Galing akong perya. Saan pa ako pupunta?" pabalang kong sagot "Oo, maganda 'yung mansion"

"Ano 'yan?" Kinuha ni mama ang isang container at binuksan iyon bago inamoy. Napapikit pa siya ng mata nang malanghap ang adobo "Huy, masarap 'to. Pero baka naman tira-tira lang ng mga katulong nila 'to"

Kumunot ang noo ko "Hindi 'yan galing sa pamilya o katulong ng mayor"

"Eh saan?"

Pagod akong bumuntong hininga at hindi sumagot. Binuksan naman ni mama ang isa pang container na ang laman ay tinola.

I don't feel like talking. Alam na ni mama na ganito ako kapag pagod. Medyo iritado at wala sa mood. Besides, hindi ako takot ipakita ang bad sides kay mama at sa mga kapatid ko.

Naiintindihan nila ako.

At hindi nila ako iiwan. Unlike my father.

"Saan galing ang mga 'to?" Muling tanong ni mama.

Napapadyak na ako at ginulo ang buhok kong humarap kay mama "Ma naman e! Tantanan mo nga muna ako. Pangbukas 'yan. Iinit na lang na'tin" iritado kong sambit.

Pabirong pinitik ni mama ang noo ko "Palibhasa't inggit ka dahil mas maganda ako sa'yo noong dalaga ako"

Magkaharap kami ni mama at magkasing-tangkad lang. Malapit kami sa isa't isa. Ofcourse, maliit lang naman ang kusina namin. We are also tall that our heads can almost reach our roof with holes.

Ngumisi ako "Seryoso ka ba, ma? Miss purok 8 ka lang noon. Binibini ng Hanrao ako!"

"Aba! Tingin mo magkakaroon ka ng ganiyang mukha kung hindi dahil sa akin?"

Napa-irap habang nakangiti sa kawalan nang talikuran ko si mama. Putak na naman nang putak ang bunganga niya at proud na proud na naman sa maganda raw naming lahi. Dapat nga raw ay magpasalamat pa ako sa gandang biyaya na ibinigay niya sa'kin.

Sasabihin ko sanang baka dapat sa tatay ko ako magpasalamat dahil iyon ang kano pero hindi ko ginawa. Ayaw kong banggitin ang gagong 'yon.

"Hay nako, Erianne. Anong akala mo sa akin? Mas marami pang nanliligaw sa akin noong dalaga ako kaysa sa'yo!"

Lumingon ako kay mama "Saka mo na ako angasan kapag mas mahal na ang buhok mo kaysa sa'kin, ma"

Inirapan niya ako at patawa-tawa naman akong nag-alis ng suot kong jacket. Inilagay ko lang naman sa gilid ang bag kong mas matanda pa sa second to the last kong kapatid.

My mother was only eighteen when she got me. Kaya naman minsan ay parang kapatid ko lang ito. Madalas rin kaming pagkamalan na magkapatid.

I got her skin. Kahit nabibilad kami sa araw katra-trabaho ay hindi kami umiitim. Nakuha ko rin ang tangkad niya na isa sa mga alas namin sa mga contest. As for my face, mata lang ang kuha ko kay mama.

Valley of Flowers (Isaviadar Province Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon