Chapter 5

5 2 1
                                    

Chapter 5

Oh, ang dating mansion na kay sarap pagmasdan ay ang siyang sanhi na ng iritasyon ko ngayon.

"Alright, that's it for today. Cleaners, huwag kayong tumakas. The rest of you may go" paalam ni Sir Alvarez. Kinuha na nito ang bag niya at lumabas ng classroom. Saka naman nagsitayuan at nag-ingayan ang mga kaklase ko.

"Hoy cleaners!"

"Tatakas si Jason! Parang gago! Hoy!"

"Irereport ko kayo kay ma'am!"

Napa-buntong hininga na lamang ako at pagod na sumandal sa upuan. Ayaw ko pang umalis. Ngayon pa lang ay kunot na ang noo ko at handang sumapak ng kung sino. Maliban na lamang sa katabi kong si Herra na may ngiti na namang tumayo suot ang bag nito at pumunta sa harapan ko.

Hindi ako nag-angat ng tingin sa kaniya. Nanatili ang kunot kong noo at masamang tingin sa kung saan. Wala talaga akong ganang tumayo dahil alam ko kung saan ako dapat pumunta sa oras na makalabas ako sa school na 'to.

Saan pa ba, edi sa mansion ng mga De Vega! Ang dati kong paboritong lugar.

"Nakabusangot ka na naman. Last week pa yan, ah" ani ni Herra at nag-angat naman ako ng tingin sa kaniya.

Kahit iyong iba kong mga kaklaseng girls ay nagkumpulan na naman sa pwesto ko. Mayroon pang nagpaypay sa akin, ang iba naman ay nakatingin lang at handang makinig.

Most of my classmates are kind and concern to me. Or maybe this is just one of the perks of having a beautiful face. Let's be honest. Talaga namang madalas ay mas maayos ang pakikitungo ng mga tao sa magaganda.

Hindi nga lang maiiwasan ang inggit at walang pakialam. Ofcourse, no one experience a perfect life.

Dahil nakatingin sa akin si Herra at nagtama na ang mata namin ay pagod na lang akong ngumiti dito ng saglit. She's like a baby.

"Pagod lang. Ba't kasi ang hirap ng STEM?" Palusot ko "Alam niyo naman, iritado na ako kapag pagod"

Nagsitanguan naman ang mga kaklase kong babae. May naramdaman pa akong sumuklay sa buhok ko gamit ang daliri nito.

"Erianne, alam mo bang may kinakalat na naman na balita tungkol sa'yo si Giselle. Kaya ka raw ganiyan ay dahil wala na kayo ni Chadelior" ani ng isa kong kaklase sa akin. Agad naman akong binigyan ng nagtatanong na tingin ni Herra na may kasamang pang-aasar. She knows Chad is just a friend of mine.

Agad rumehistro ang pandidiri sa mukha ko. I am not disgusted because of Chad. I'm disgusted because of the thought that there would be us. Kingina, tropa ko 'yun e'.

"Hindi naging kami ni Chad. E' kulang na nga lang ampunin ako ng nanay niyon dahil parang kamag-anak na rin nila ako" inis na sambit ko. Sarap talagang sabunutan ni Giselle.

"Hayaan mo na 'yan," humawak sa balikat ko ang isa ko pang kaklase "Inggit lang 'yan dahil maganda ka"

Alam ko.

At isa pa, ayaw ko namang magalit sa akin si Aling Himena na nanay ni Giselle.

Magsasalita na sana ako kaya lang ay may sumulpot sa harapan ko. Agad nagsi-ngitian ang mga babaeng nakapalibot sa akin na friend ko kuno. Eh si Herra lang naman ang tinuturing kong kaibigan. Iyong lalaking na sa harapan ko ngayon ay may hawak na walis at pakamot-kamot pa ng batok.

"Ahh, Erianne, ano kasi..." Awkward na ngumiti sa akin si Enzo, isa sa mga ka-skateboard ni Chad "Excuse sana kasi... Lilinisin na namin 'yang pwesto niyo"

Napansin kong sa likuran nito ay nakatingin na din sa amin iyong iba. Iyong mga upuan ay na sa may gilid, may nagpunas na ng board at iba pa. Iyong pwesto na lang talaga namin ang hindi pa nagagalaw. Mukhang nahihiya ang iba naming kaklase na paalisin kami.

Valley of Flowers (Isaviadar Province Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon