Chapter 12

3 1 0
                                    

Chapter 12

Isaac was standing next to Chad. It was 5 a.m and they were knocking on our door. Nang oras na iyon ay naalimpungatan pa ako. Gising na sila mama at Solace pero wala sa kanila ang narinig kong nagbukas ng pinto kaya naman sapilitan akong bumangon.

It was me who opened the door and I was greeted by Chad's mischievous smile. Nang magtungo ang mga mata ko sa katabi niya'y bahagya akong nasilaw. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa kaunting liwanag na sumalubong sa akin o dahil sa ngiti mismo ni Isaac. Sa unang tama ng mga mata ko sa kaniya ay para bang kinikilala ko pa siya.

Until it hit me. Nandito ang anak ng mayor!

"Long time no see, Erianne"

My heart skipped a bit. And I wish I'm exaggerating but I'm not! Nandito sa harapan ko ngayon ang lalaking ilang buwan ko nang hindi nakikita. He feels like someone I know but a stranger as well. Lahat talaga ay kasalungat sa kaniya. Amoy bulaklak siya, pero hindi siya mukhang soft boy. Medyo suplado, pero medyo childish rin. Kaaway siya sa paningin ko, pero isa ring kaibigan.

Malamig ang boses niya pero magaan ang pagkakabigkas ng mga salita.

"Long time no see, Isaac"

I gave him a smile. Iyong ngiti na parang pilit at kita ang ngipin. Iyong parang natatae.

Tangina, sabi ko na nga ba kotse niya ang gagamitin! May kutob ako kagabi pa!

"Maghilamos ka na nga! May panis na laway ka pa!" Tugon ni Chad kaya naman nagtungo ang kamay ko sa gilid ng labi ko.

Tumalikod ako sa kanila. Sakto namang papalabas si Solace bitbit na ang bag nito laman ang gamit namin. Dahil close sila ng kaunti ni Chad ay nagbangayan agad ang dalawa.

"Hoy, Erianne, sa lomihan na tayo kakain! Magbihis ka na lang at tara na!" Pakinig kong sigaw sa akin ni Chad.

Mabuti na lang at naihanda na ang susuotin ko sa dagat mamaya at pamalit ko na rin. Aayusin ko nalang saglit ang sarili ko pagkatapos ay aalis na kami. Kagaya ng lagi kong porma ay nag-suot lang ako ng oversize na damit at maong na short. I fixed myself. Nagpabango rin ako at nag-liptint ng kaunti. I also tied my long hair but I let some strands fall on the side of my face.

Naka-usap ko pa si mama at ang iba kong kapatid. Nakakataka na hindi na inimbita ni mama na pumasok sa loob sila Isaac at Chad. Sa bagay ay wala rin naman kaming maiaahin na umagahan. At maliit ang bahay.

"Ingat kayo," si mama iyon na hindi ako tinatapunan ng tingin at nagwawalis. Lumapit ako sa kaniya at binigyan siya ng back hug "Dali na, hinihintay ka na doon! Bantayan mo rin si Sol"

"Opo, ma. Excited ka namang umalis kami. Samantalang kapag matagal kaming nawawala galit na galit ka" I kissed her cheeck "Pasabi nalang doon kila Alexi na umalis na kami"

Tulog pa kasi ang tatlo kong kapatid na sila Margo, Alexi at Judo. Nang tumango si mama at hinalikan ako sa may buhok ko ay kunwaring nandidiri ko siyang tiningnan. Inambahan naman ako nito na hahampasin ng walis at tatawa-tawa akong lumabas.

Nang muli kong buksan ang pinto ay napaayos ng tayo ang kung sino mang naghihintay sa tabi. Nagtama ang mga mata namin ni Isaac at bahagya akong napatingala sa kaniya.

Tumikhim ito "Hey"

Ang gwapo. Pero ang awkward!

Tinanguan ko lang ang lalaki at naglakad patungo kila Chad at Solace na malapit sa pamilyar na sports car. It was Isaac's ofcourse. Nakahawak si Chad doon sa bag namin na kinukuha naman ni Solace pero hindi binibigay sa kaniya. Naramdaman kong sumunod sa akin si Isaac. Nauna akong naglakad pero nauna siyang nakarating sa may kotse nito.

Valley of Flowers (Isaviadar Province Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon